Hindi na nakapag hintay ang lalaki at siya na ang naunang tumawid saakin. Tinaas niya pa ang kamay niya para pigilan akong tumawid. He proudly and carefully walk in the pedestal; na para bang hindi tatanggi ang mga sasakyan kung siya ang mauuna sa daan.

Nakangiti niya saaking inabot ang bulaklak at walang sabing niliko si Papa  para batiin. Hindi ko alam kung anong reaction ang mayroon ako pero sobrang tuwa ng damdamin ko sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Dumaan lang po ako, I'm helping dad to his new project." Rinig kong sabi ng lalaki habang walang alinlangan akong inaasar ni Pia. 

"Iba na'yan, sinasabi ko sayo. " Bulong niya bago ko lingunin ang lalaki na siyang nahuli kong nakatingin saakin!

"Ganoon ba? Naku, pasensya na." Sabi ni papa at tumawa pa ang dalawa.

"Pauwi na po ba kayo?." Magalang na tanong ng lalaki kay Papa.

Tumayo lang kami doon ni Pia at pilit niya akong inaasar. Natigil lang ng nagtext at natawag daw si Ivan.

Tinignan ko ang mga estudyanteng dumadaan sa gilid namin at hindi ko maiwasang mainis dahil sa uri ng pagtingin nila  sa lalaking kausap ni Papa!

"Ihatid ko na po kaya kayo?." Rinig kong utas ng lalaki kaya napalingon ako.

"Hindi na. Thank you nalang." Sabi ko kahit mejo kinakabahan. Nakatingin na tuloy siya saakin.Hinawakan ni Papa ang balikat ko, tinignan ko siya at nakangiti lang siya saakin.

Weird Papa. Tinapik niya ako ng isang beses bago nabaling ang tingin sa kumpareng kagawad na umattend din ng recognition para sa anak.

"No. Hindi naman ako minamadali ni Dad, I still have time at pwede ko namang sabihin na maya maya." Ngumiti pa siya saakin pero desidido akong hindi niya kami ihatid. Naiilang nga ako sa kaniya! Tsaka nakakahiya, masyado naman kaming importante kung ganoon.

"Thank you nga pala dito." Pag iiwas ko ng tingin. Not minding his offer.

"Sayo ba kami sasakay? I mean sa sasakyan mo?" Natatawang saad ni Pia matapos ng tawag kay Ivan.

"Gutom na ako." Nakangising sabi niya saakin.

"Tara na Tito. Ihahatid tayo ni Hanz." Biglang hila niya sa tatay ko na hindi pa tapos sa kausap ay napabaling na saamin.

"Pumayag si Lori." Desi'syon niya bago sabay silang tumawid ng tumatawa kong tatay.

"So.." sabi ng lalaki sa tabi ko. Natatawa habang pinapanood ang kaibigan ko at ang Papa ko na mag usap sa patawid ng kalsada.

Minsan talaga naiisip ko kung ako ang anak ni Papa o si Pia. Ambilis niya kasing mauto ni Pia!

Nakasimangot akong binalingan siya.

He's smiling on me. Tinikom lang pero halata mong natatawa siya. Hindi ko alam kung sa muka ko ba o ano. Tumaas ang kilay ko.

"Tara?" Tinaas niya ang kamay at inaabangan ang kamay kong hawakan ang kamay niya.

Napahinga ako dahil doon.Pagkatapos nag desisyon ng lumakad mag isa patawid. Masama ang loob dahil pinagtulungan nila ako.

Sa loob ng sasakyan as usual nasa passenger seat nanaman ako. Si Papa at Pia ay nasa likod. Hindi nga lang katulad noong mga nakaraan na tahimik. Dahil ngayon hindi lang naman kaming dalawa ang naandito.

Naihatid kami sa nasabing fast food. Si papa ang nakipag usap kay Hanz matapos dahil pinauna na kami ni Pia na pumasok. Ngumiti ako sakaniya at as usual halatang inaabanagan niya  lang ang pag tingin ko sa kaniya.

"Thank you." Sabi ko bago pa ako mahila ng kaibigan.

Hindi kami napansin ni Ate Ivee dahil nakaharap siya sa cellphone,may kausap. Pero ng makita niya kaming umupo ay agad niya saaking hinarap ang cellphone.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

String ConsequenceWhere stories live. Discover now