"Juice is enough." Sabi ko. Yumuko sa lamesa.
"Kahit maya maya mo inumin. Huwag mong itapon yaan." Paalala niya saakin bago tumalikod para hugasan ang pinagkainnang inako niyang hugasan.
Muka kobang itatapon? Itinago ko nalang sa bulsa, nagkunwaring uminom habang nakatalikod siya.
"Sayang naman at kung saan pa iyan binili ng batang 'yon." Utas niya maya maya. Kumunot ang noo ko at tinignan siya gamit ang mga matang nagtatanong kahit alam kong hindi naman niya nakikita.
"Nino? Ni Ivan? Hinatid niya pala ako kagabi?" Akala ko pa naman ay seryoso siyang doon kami patulugin!
"Hindi."
Napatingin ulit ako kay Papa, lalong nangunot ang noo. May idea na ako pero hindi pwede. Hindi niya alam kung saan ang bahay nina Ivan. Pinilit kong hindi at halos sumakit ang ulo ko sa sinabi ni Papa.
"Si Hanz... 'yong kaibigan mo na anak ni Mr Velina." Mahabang eksplanasyon niya bago tinapos ang ginagawa. Nilagpasan ako.
Hindi ko inalis ang pagkaka paskil sa kung saan si papa nakatayo kanina. Para akong tangang sinuntok ng sariling isipin.
Edi siya ang naghatid saakin?
Ng.... Tulog ako?!
Nagsuka ako?!
Conscious akong tinungo ang salamin at tinignan ang mukha ko. Napapikit nalang ako at paulit ulit inalala ang nangyari bago ako makatulog.
Potangina.
Ano kayang itsura ko kagabi.
***
It was a nice Monday morning. Tirik na tirik ang araw. Isa Isa kaming tinatawag ng director para makaakyat sa entablado. May certificate na kasi kapag nakatapos ng two years, may awards din para sa mga dean's lister.
Finally. 2nd year graduate.
Tinignan ko ang mga estudyanteng bakas na bakas sa mukha ang kagalakan. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan namin ngayong taon at masaya akong nilagpasan namin 'yon. And hopefully ngayong taon magawa ulit namin iyon.
"Dalawang taon nalang pa.." Sabi ko at niyakap ang braso niya habang sabay naming pinapanood ang ibang kaklase ko na nagyayakapan. Tapos na kasi ang program namin, iniintay ko nalang si Pia na nakikipagbatian sa ibang major. Jusko.
"Higit anim na taon pa. " Tawa niya at niyakap rin ang dumating na pilingera kong kaibigan.
Nagdesisyon kaming kumain nalang sa simpleng fast food restaurant para hindi na hassle sa lahat. Kasama ko si Papa, si Pia, Ate Ivee at si Ivan, kaya lang ay pinauna kona ang magkapatid kanina dahil mukhang hahaba pa ang orasyon ni Pia.
Ewan ko ba kung anong kadramahan ang meron siya at taon taon niya yong ginagawa.
Hanz:
Congrats:(
Huminto pa ako ng basahin ang message niya. Lumapit saakin si Pia at hinila ako sa paradahan ng sasakyan para sana nakasunod na kina Ivan ng biglang tumili tili pa ang kaibigan ko.
Nagulat ako s'yempre. Tinignan ko pa siya ng may pag aalala tsaka ko binalingan ang tinuturo niya sa kabilang kalsada!
Hanz in his usual white v neck shirt and his usual short, proudly standing outside his car holding a bucket of flowers.
Parang nag slowmo ang paligid at wala akong narinig. Nagtagpo ang mga mata namin at nakita kong gumuhit ang kanyang mga ngiti at bago pa ako mawalan ng ulirat ay hinampas na ako ni Pia at pilit pinatatawid ng pedestal papuntang parking lot.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 10
Start from the beginning
