Tinignan ko ang cellphone ng maramdamang tumutunog 'yon dahil sa tawag.
Hanz calling.
Inis na pinatay ko 'yon pero makulit na inulit niya ang pagtawag.
"Bakit ba?" May bahid na inis na sagot ko. Sinubukan ko pang tumayo pero ramdam ko ang hilo. Umupo nalang ulit ako.
"Where are you." Ramdam kong madilim na pagkakasabi niya.
Hindi ako nagsalita.
"I'll pick you up." Utas niya at narinig ko ang pagsarado ng pinto ng sasakyan.
It's not a question. It's a decision.
Alam niya kung nasaan ako.
Ivan and Chloe is on their gadgets, Pia is fast asleep , Ate Ivee is on her room. While me sitting in the sofa, feeling bored drinking the remaining alcohol.
Dibale, ilang shots nalang naman 'yon. Sayang.
Nagpaalam si Chloe ng dumating na ang kapatid niya. Nag offer pa nga ang kapatid nitong isabay na kami para maihatid, pero tulog si Pia at ako.. parang hindi kona kakayaning tumayo dahil sa hilong dala ng sinaid ko.
"Ako na'ng bahala. " Rinig kong sabi ni Ivan ng nakatungo na ako sa hawakan ng sofa. Umiikot ang paningin ko at hinihila na ng antok.
Habang mahimbing na pikit ang mata nararamdaman kong parang lumulutang ako.Hindi ko na maproseso sa sobrang hilo at antok. I heard voices but I have no power to process it. Until minute passed,i felt floating again. Then soft and familiar bed, that lead me for a long sleep.
I guess someone know what i need tonight.
Rest. Sleep .
Hindi ko alam kung anong oras ako nagising. Dumeretso ako sa baba at tinakbo ang Cr para magbuhos ng sarili.
Gago amoy suka yung buhok ko!
Dineretso ko na ang pagligo. Mabuti naman at andoon ang towel ko! Wala pamandin akong dalang damit sa kakamadali. Tsaka kolang narealize nasa bahay pala ako namin ng makita ko si Papa pagbukas ko ng pinto ng banyo.Napatingin siya saakin habang nagsasalin ng juice, sinamaan ako ng tingin bago ngumiti.
Hindi ko na naproseso at umakyat na ako para magbihis. Bumaba ako ng mejo nahihilo parin, iniisip kung bakit ako nakauwi!
Nagkalat ba ako sa bahay nina ate Ivee kaya ako naandito? Hinatid ba kami ni Ivan? Si Pia kaya?
Napamura nalang ako habang pababa ng hagdan. Nadatnat kong nandoon parin si Papa..hindi pa umaalis kaya nagtaka akong tinignan ang orasan sa tapat ng hagdan.
12:37pm
"12 na?!" Pasigaw kong sabi bago umupo sa high chair kung nasaan si papa at naghahanda ng pagkain. Hindi muna siya nagsalita habang nakain ako pero ng matapos akong kumain ay tsaka niya ako binanatan ng paalala.
"Sinabi ko naman sayong huwag kang magpakalasing kung hindi mo kaya diba?" Mahinahong sabi niya saakin bago ako inabutan ng juice at gamot sa sakit ng ulo.
Umupo ako ng maayos at sa halip na tignan siya ay para akong batang tumunganga sa nilalarong juice.
"Naiintindihan mo ba?" Huling salitang sabi niya matapos ng ilang paalala na tingin ko'y sermon.
"Opo." Sagot ko bago inumin ang juice. Iniwan ang gamot. Hindi ko kayang inumin 'yon ng buo! kaya mas gugustuhin ko pang hindi nalang uminom.
"Inumin mo na iyan." Sabi ulit niya at hindi ako iniwan sa kusina. Binabanyan ang pag inom ko ng pesteng gamot na iyon!
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 10
Start from the beginning
