Siguro ang daddy o mommy niya na pinapauwi na siya?
Ewan. Yon ang inisip ko kaysa sa ibang bagay.
"Kamusta?" Parang long time ago na tanong ni Pia pagka upo ko sa High chair. Kitang kita ko ang ngisi sa kanyang labi.
"Bwisit ka, Sabi mo umalis na!" Pilit hinihinaan ang boses sa takot na marinig ng lalaki.
"Hindi mo naman tinanong kung sinong umalis, ang sinasabi ko kanina ay 'yong papa mo."
"Sino ba kasing iniisip mo?" Dagdag niya, bago ulit tumawa.
Umirap ako at tinignan ang muli ang lalaki. May kausap parin 'yon. Nagtatanong na tuloy ang isip ko kung sino ang kausap niya.
"Mommy niya 'yon." Sabat ni Pia sa pag iisip ko. Nilingon ko siya at inirapan niya lang ako bago nagpatuloy sa pagkain.
...
December to February have come along like a day in our life. Nakaupo ako sa loob ng store habang tinatanaw ang kaibigan na mag out.
She's smiling out of nowhere. At gusto ko ang ganitong scenario ang makitang may maaliwalas siyang ngiti.
For the past month,may mga bagay nainaasahan talagang maganap. Gaya ng pagbisita namin noong enero sa puntod ni mama para sa kanyang 4th year death anniversary. Noong pebrero naman ay dumaan ang birthday ni Ivan, ni papa at ni Chloe and same as other years ginusto nilang icelebrate 'yon sa bahay; si Chloe naman ay sa manila kasama ang parents n'ya. As usual and so on..
"Bago to ah." Sabi ko ng ibaba niya sa harapan ko ang apat na bote ng alak. Umirap lamang siya bago ako hilahin palabas ng store na dala dala ang mga supot ng alak.
Maingay kaming naglakad sa harapan ng bahay nina Ivan. Sumigaw sigaw pa si Pia dahil ang tagal na lumabas ng lalaki.
"Eto na, eto na!" Padabog na ani ni Ivan habang binubuksan ang hindi kataasang gate nila.
"Puro ka selpon e! " Utas ni Pia at siya pa mismo ang naunang pumasok. iiling iling lamang na simunod si Ivan bago ako. Himala at hindi siya nakipagtalo ngayon?
"Asaan na si Chloe?!" Maingay sigaw niya pagkapasok palang namin ni Ivan. Nandoon ang ilan naming kaklase pero saamin talaga siya nakatingin, parang kasalanan namin na wala pa si Chloe.
Umupo ako at inirapan siya , pansin kong wala si Ate Ivee, siguro ay nasa kaniyang trabaho.
Tinignan ko ang cellphone, nagbabaka sakaling may reply si Chloe saakin . Pero reply ni Hanz ang nakita ko.
Hanz:
I'm at home. Preparing to come with Dad.
Saad niya sa text. Nagreply naman agad ako at sinabing good luck.Kahit gusto kong magtanong pa.. hindi ko na ginawa. Ginawa kong casual kahit madalas napapangiti ako sa kaniyang reply, nagrereklamo na bakit ganoon lang ang sinabi ko.
Tandang tanda ko pa noong unang araw na nagreklamo siya dahil simpleng 'thank you' lang ang itinext ko.
That day..I had an urge to open his gift. That was after he left our home--after celebrating New year with us.
Sa sobrang kaba at gulantang simpleng thank you lang ang nasabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung paano mag re-react at isisiksik sa utak ko ang bagay na nakita ko sa loob ng kahon. Even after that day... Hindi na ako makatingin sa kaniya.
I've loved and appreciate his gift, halos maluha nanga ako e!
Hindi ko lang inasahang sobra.
Tinignan ko ang aking paa at doon nakita ang kumikinang na anklet. Hindi ko 'yon sinusuot palagi sa takot na mawala ito. Mas gusto ko pang i display lang 'yon sa bahay hanggang sa mag sawa ako. Pero mukang hindi ata ako magsasawa.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 10
Start from the beginning
