"Alyanna , wag naman ganito!!" Ikakasal pa tayo diba!



Nag mamakaawa kong luha habang nasa loob si Alyanna ng operating room.



Magbabayad ka saakin Kendra! Lahat ng ginawa mo ibabalik ko sayo.



Isang linggo na simula noong nangyare ang aksidente. Pinipilit kong maging maayos dahil alam kong kailangan ako ni Reign, ako nalang ang pinag kukunan ng lakas ng anak ko kaya kailangan makita niyang kaya ko.


Nagulat ako noong unti unting dumilat si Alyanna.


"Alyanna!" Sabi ko at pinindot ko ang button para tumawag ng nurse at doctor.



"Love, okay ka naba? Wala na bang masakit sayo?" Tanong ko at tinignan niya lamang ako ng walang emosyon.



Anong nangyayare sayo Alyanna? Love? Bakit ganito ang tingin mo?


Nagsisimula na akong maluha noong dumating ang doctor at chineck up siya.



"Alyanna, love? Tignan mo ako!" Sabi ko habang pilit na ngumingiti sa kaniya.




"Sino ka ba?" Malamig niyang sabi sa akin at kinilabutan ako habang unti unting nanlalambot ang kalamnan ko.



"Alyanna, ako to si Harvin! Mapapang asawa mo ako! Tatay ng anak natin!" Desperado kong sabi sa kaniya at wala parin siyang reaksyon.



"Nasaan si Ivan?" Tanong niya at doon na talaga ako nanlambot.



"Nasa singapore siya!" Sabi ko.



Dumating ang mga kaibigan niya at binati niya ang mga ito, paanong ako hindi niya ako maalala?



"Sino ba siya? Bakit ganyan niya ba ako tignan? Janine? Medyo kinakabahan na ako sa lalake na yan!" Sabi niya pa at unti unti ng tumulo ang aking luha.



"Asawa mo siya Alyanna!" Sabi ni Janine at tumingin lang uli sa akin si Alyanna pero wala paring emosyon.



"Wag na nga lang natin siya pag usapan!" Sabi niya pa at tumayo ako para lumabas dahil kailangang kailangan kong ilabas ang luha ko.


"Janine, uuwi na muna ako para puntahan si Reign noh. Alagaan mo si Alyanna!" Sabi ko at tumango siya.


Habang nag mamaneho ng kotse ay patuloy lang akong lumuluha pero kahit ganoon ay masaya ako dahil nagising na siya. Kailangan ko nalang ipaalala ulit sakaniya lahat ng masasayang bagay na ginawa namin. Gagawin ko ang lahat para lang maalala niya ako at gagawin ko ang lahat dahil mahal na mahal na mahal ko siya.



"Daddy!! Narinig ko po kay tita Janine na gising na po si mommy!" Bungad sa akin ni Reign at tumakbo siya para yakapin ako kaya naman binuhat ko siya at niyakap.



"Gusto mo ba puntahan si Mommy?" Hindi ko napigilan ang malungkot kong boses.



"Daddy, may problema po ba kayo? Okay lang ho ba kayo ni Mommy? Bakit po kayo sad? Daddy andito lang po ako palagi ah!!" Sabi ni Reign kaya naman lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakaniya.




"Oo anak! Salamat! Mahal kita, kayo ni Mommy mo ang super love ni Daddy!" Sabi ko at tumango siya.



Pinaliguan ko na ang anak ko at binihisan kosiya ng kulay pink na bestida.



"Daddy, mag suot ka po ng magandang damit! Yung pang work po!" Sabi ni Reign at natawa ako.



"Anak, sa hospital tayo pupunta at hindi sa isang event!" Sabi ko sakanya at kinurot ang pisnge niya.



"Kahit na daddy! Dapat po pogi kayo! Kapag po hindi kayo nag suot ng ganon na damit iiyak po ako!" Sabi niya pa at nag pout.


"Sige na baby! Hintayin mo si daddy sa sala at mag bibihis na ako para naman happy kana okay!" Sabi ko at tumango siya.


Nag suot ako ng kulay itim na suit at inayos ang aking buhok.


Lumabas na ako at nakita kong naka thumbs up ang anak ko.



"Ayan daddy! Dapat ganyan po!" Sabi niya at tumalon talon pa habang naka ngiti sa akin.


Binuhat ko na siya at sumakay na kaming dalawa sa kotse para maka punta ng hospital.



Noong naka rating kami sa room ay walang tao roon ni isa.


"Nasaan sila?" Bulong ko habang hawak ko ang kamay ni Reign.


Nakita ko si Sandro na tumatakbo palapit sa amin.



"Kuya Harvin nasa Chapel silang lahat!" Sabi niya at kumunot ang noon ko.


May nangyare nanaman bang masama? Fuck hindi ko na kayang mayroon uli!


Agad kong binuhat si Reign at tumakbo kami patungo sa Chapel.

Noong binaba ko si Reign ay tumakbo siya kaagad papasok habang ako ay nanghihina.

Naka rinig ako ng tugtog ng piano.

A Thousand Years ang tintugtog nito.


Pag ka pasok ko ng chapel ay naroon ang lahat at nakaupo nasa entrance ako ng chapel noong bigla kong nakita si Alyanna na nasa dulo ng aisle at naka suot ng kulay puting long gown.



Tinaas niya ang kaniyang kamay at nakita ko ang singsing naming dalawa

Unti unting tumulo ang luha ko habang naglalakad patungo sakaniya at nagulat akong may pari na lumabas at nag tungo sa harapan ng altar.


"Alyanna, ano ito?" Tanong ko at ngumiti siya.


"Matagal na akong gising, ikakasal na tayo!" Sabi niya at nanlake ang mata ko.


Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming nag tungo sa altar.


"Alyanna, mahal na mahal kita! Salamat!" Sabi ko at nagulat ako noong hinalikan niya ako kaharap niya.



"Mahal na mahal kita, kayo ni reign! Kaya nga ako na ang nag plano ng kasal natin diba? Kasi sobrang excited na akong mapalitan ang apelido namin ni Reign ng Velez! Biruin mo yon! Crush na crush lang kita noon tapos mapapang asawa na kita ngayon!" Sabi niya pa at malake ang ngiti sa kaniyang labi.



"Thank you for making me the happiest man alive , Alyanna!" Sabi ko at ngumiti siya.


"I love you!" Sabi niya at ngumiti ako ng malake habang masikip na pinagsisiklop ang aming kamay


"I love you most, Alyanna!" Sabi ko at nag tungo na kami sa harap ng altar para ituloy ang seremonyas ng aming biglaang kasal.






This is Harvin Reigner Velez the hearthrob of DLSU now starting a new chapter with the best wife, best girl,best partner in crime, and Greatest love Alyanna Esguerra-Velez.



Now Living The best Life with my Family




-TheEND-

Gone with the Wind (Diary Series 8)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora