Chapter 05

5.4K 94 1
                                    


Hinintay ko lumabas ng kumpanya si kuya cedrik para malagot siya sa akin!!


Noong natapos ang meeting nila ay lumabas siya kaagad kaya naman hinila kona agad siya palabas.


"Bakit ka naman umasal ng ganon!! Bawas points ako sa crush ko niyan eh!!" Sabi ko pa at natawa lang siya.


"Ikaw ah! Alam ba ni tita Sachi na ganito ang trabaho na sinasabi mo sa maynila??" Tanong niya sa akin at umiling ako.


"Wag mo nalang sabihin! Kasi naman alam niyo naman diba na matagal konang crush si Harvin, highschool pa. Naisip kona baka may pag asa kung mapapalapit kami sa isat isa kaya nag trabaho ako, wag ka mag alala kasi isang buwan lang naman pag tapos non tama na!" Sabi ko at tumango siya.


"Sige hahayaan kita, naiintindihan ko. Siguro nga ako kung makikita ko si Chai baka kidnapin ko siya para hindi na siya maka alis pa eh!" Sabi niya.


Pumunta kami sa isang restaurant sa tapat ng kumpanya.


"Feel ko kasi hindi kana kumakain ng nakasanayan mong pagkain eh!" Sabi ni kuya Cedrik habang kumakain kami ng steak.


"Alam mo ikaw talaga ang best cousin in town kaya kapag nakita ko si chai , sasabihin ko agad sayo!!" Sabi ko at ngumiti siya.


"Miss na miss ko na siya Alyanna!" Bigla niyang sabi kaya naman napa tingin ako sakaniya.


"Kuya Cedrik, alam ko mahal na mahal ka ni Chai promise! Malay natin diba may dahilan naman lahat kaya wag kana malungkot!" Sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya.


"Dalawang taon palang ang naka lipas simula noong umalis siya chai, sobrang sakit pa rin!" Nabasag ang boses niya at nalukot ang puso ko na makita kong ganon ang sitwasyon ng best cousin ko.


"Kuya, wag kana malungkot malay mo kapag in time diba makita mo na siya! At tyaka tama rin kasi si Poula, ayusin mo muna problema mo kay Cindy para pag nag kita kayo ni Chai ay wala ng hadlang!" Sabi ko pa.


"Inaayos kona, sa ngayon kailangan ko muna siyang ipahanap. Mahirap hanapin ang ayaw mag pa kita eh!" Sabi niya at tumango ako.


"Kuya kumain na tayo, baka masayang ang foods!" Sabi ko at tumango siya.


Nakita kong pumasok si sir Harvin sa restaurant at naka tingin siya sa amin ni kuya Cedrik, minus points nanaman ako niyan sa kaniya!


Mas mahalaga naman si kuya kaysa sakaniya kaya okay lang.....


Noong natapos kaming kumain ay aalis na rin siya kaya niyakap kona siya.


"Balik kana ah!! miss na miss kana namin!" Sabi niya habang nakayakap pa sakin.


"Opo isang buwan lang toh remember!! Miss ko na rin kayo!!" Sabi ko at umalis na ako sa pagkakayakap niya at ginulo niya ang buhok ko.


Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now