"Mahal na mahal mo talaga si Reeve, ano?"

"Yeah, I love Kuya. He's my number one supporter. He's all that I have kasi nandyan siya sa tuwing kailangan ko ang tulong niya. Kuya may rebel against my father but he'll do everything to make me happy and that's why I want him to stay."

Napalunok ako. Hindi ko alam na ganito ang aabutin ng pagmamahal ni Isidore sa kaniyang Kuya. Gusto niyang manatili ito rito. Gusto niyang nandito lang si Reeve kasi pakiramdam niya ay nag-iisa pa siya.

"Isidore..." sambit ko sa kaniyang pangalan. Inangat niya naman ang tingin sa aking mukha.

Ang lambot niyang tingnan. Si Isidore ang klase ng taong mukhang madali lang maloko at madali lang paikutin pero alam kong matalino siya. Siya ang klase ng tao na hindi magdadalawang-isip na bigyan ka ng kahit ano kasi kailangan mo. Kaya ang makita si Isidore na ganito ay parang nalalambot ang puso ko. Alam kong gusto ko si Isidore at parang mas nagustuhan ko pa siya dahil sa pagiging malinis ng kaniyang puso.

Alam kong hindi ako babagay sa kaniya. Sobrang buti ni Isidore at gusto ko palaging nakikitang masaya siya. Ayaw ko siyang maging malungkot.

"Kapag ba sinagot ko ang Kuya mo ay sigurado kang mananatili na siya rito?" tanong ko pa rin.

Nagkibit-balikat siya. "If he likes you a lot, why would he leave you, right? I'd probably hate him if he leaves you. Ayaw ni Kuya na magkagalit kami kaya kung sasaktan ka niya, ako ang makakalaban niya. But there's no pressure on you, Ada. If you don't like my brother, it's fine."

"H-hindi ko naman gusto si Reeve."

Tumawa siya nang mahina. "You always say that yet you still talk to him. Kuya can be unlikeable sometimes but you just need to get to know him more. He's nice."

"Pero magiging masaya ka ba kapag naging boyfriend ko ang Kuya mo?"

"To tell honestly? Yes! My best friend and my brother, in a relationship together? I'll be glad. I can trust my brother with you. He may be a suplado but I know he can take care of you. And I'm more confident with you because I know how supportive you are. I feel that you're right for him."

Pero agad ding sumeryoso ang mukha ni Isidore. "But don't just like my brother because I said so, Ada. Malulungkot ako. If you don't like him, then don't like him. You don't have to like my brother for me."

"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, Sid. Gusto ko lang malaman ang opinyon mo. Kasi syempre, kaibigan kita. Gusto ko ring malaman kung ano ang magpapasaya sa'yo."

Nangalumbaba ako. Tumanaw sa malayo para hindi na matingnan ang maaliwalas niyang mukha.

Bakit ba ako umaasa na magugustuhan niya? Ano bang pumasok sa isip ko? Syempre, hindi ako magugustuhan ni Isidore. Kaibigan niya ako at iyon lang ang magiging turing niya sa akin. Wala na rin naman siguro akong magagawa kung iyon talaga ang gusto niyang maging lugar ko sa buhay niya.

Siguro mananatili na lang talaga akong kaibigan niya habang buhay. Masaya naman ako at kuntento kahit papaano. Ililihim ko na lang din itong pagkakagustong nararamdaman ko sa kaniya dahil wala ng pag-asa. Sigurado naman akong mawawala lang din itong pagkagusto ko kapag ibinaling ko na ang atensyon sa ibang bagay.

"Good morning, Little Ada." Kumindat sa akin si Reeve nang batiin niya ako pagpasok pa lang sa kanilang mansyon. Nakaupo siya sa pang-isahang sofa at may hawak na libro. Ang mga binti niya ay nakadekwatro.

Agad na sumimangot ako sa bati niyang iyon. "Walang——

"Walang good sa morning mo kapag ako na ang bumati," putol niya sa aking sinabi at sinarado ang libro.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon