Twenty-fourth

148 19 7
                                    

"Dapat TWENTY-FOUR ang date," you said when we were choosing our wedding date. "Kasi 24 tayo ipinanganak."



"Kung ano-anong naiisip mo." Nagliligpit tayo ng pinagkainan noon at hindi ko na matandaan kung bakit biglang nagplano tayo ng petsa ng kasal. I like it that we just talk about it whenever it crosses our minds, or kung kailan tayo komportableng i-bring up 'yon. Ang lahat tungkol sa kasal natin ay tungkol sa ating dalawa.



"Gusto kong special lahat," sabi mo saka hinawakan ang kamay kong puro sabon. "Kasi special ka."



"Tigilan mo 'ko." Hinila ko ang kamay ko mula sa 'yo saka winisikan ng tubig ang mukha mo. Sa halip na magreklamo, nanatili kang nakangiti habang nakatingin sa 'kin. "Ba't ngiting-ngiti ka?"



"Malapit na kitang mapakasalan."



Napangiti rin ako. "Excited yarn?"



"Oo naman!" sagot mo kaagad.



"Tsk. Intindihin mo muna 'yong conference. Sa isang araw ka na aalis, 'di ka pa nag-aayos ng mga gamit," paalala ko saka nagpatuloy sa pagsasabon ng mga pinggan.



"Mas importante ang kasal natin."



"Eli." Nag-angat ako ulit ng mukha at binigyan ka ng makahulugang tingin.



"Milliot," sabi mo sa parehong tono pero hindi nagbago ang ekspresyon ko. Sumimangot ka at bumuntong hininga. "Oo na," para bang napipilitang sabi mo saka nagpatuloy sa paghuhugas ng mga baso. Maya-maya ay huminto ulit ang mga kamay mo at lumingon ka ulit sa 'kin. "'Wag na lang kaya ako sumama?"



Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. "Tagal mo na 'yang hinihintay ah?"



"Mula no'ng nag-thirteen tayo, hinihintay ko nang maikasal sa 'yo," paalala mo na para bang sinasabing mas importante ako kaysa ano mang bagay.



"Patay na patay ka talaga sa 'kin." Pabirong umiling-iling ako habang hindi na maitago ang ngiti ko.



"Talaga," taas-noo mong sabi habang nakangiti rin.



"Ewan ko sa 'yo, Eli." Bumalik ulit ako sa pagliligpit. Tumahimik ka naman. Pero hindi pa ako natatapos, nagtanong ka ulit.



"Ano sa tingin mo, 'wag na lang ako sumama?"



"Papakasalan pa rin naman kita kahit unahin mo muna ang mga pangarap mo," ipinagpag ko ang basang kamay ko saka pinunasan. Humarap ako sa 'yo at hinawakan ang magkabilang pisngi mo. "Go. Hindi naman ako mawawala."



Ngumiti ka. Hinawakan mo ang isang kamay ko at hinila papalapit sa mga labi mo saka 'yon hinalikan. "I love you."



Sana pala nag-I love you too ako, Eli.



Huli na pala 'yon.



– M

25 StepsWhere stories live. Discover now