Twenty-third

130 22 6
                                    

December TWENTY-THREE, umuwi tayo sa 'tin. Tuwang-tuwa ang mga magulang natin nang sabihin natin sa kanila ang mga plano natin. Kinabukasan, inimbitahan nating dumalaw ang mga kaibigan natin.



"Hindi kayo um-attend ng kasal ko," nagtatampong bungad ni Gray pagkapasok niya pa lang sa gate. "'Di rin ako a-attend sa kasal n'yo kung 'di ako best man."



"Gago, eh nasabihan na kitang ikaw ang best man ko." Sinalubong mo siya ng pabirong suntok sa braso. Nagtawanan kayo at nagyakapan.



Napatakbo naman ako sa gate nang dumating din si Venus. "Ven!"



"Millie!" Tumakbo rin siya papalapit sa 'kin at sinalubong ako ng yakap.



"Nasa'n ang girlfriend mo?"



Ngumiwi siya. "Naghanap ng lalaki."



"H-Ha?"



"'Wag na nating pag-usapan 'yon. Kumusta? Ikakasal ka na ba talaga?" pag-iiba niya sa topic kaya hindi na ako nang-usisa pa. Inangat ko lang ang kamay kong may nakasuot na singsing sa ring finger at napatalon naman siya sa tuwa. "Sabi ko sa 'yo, iba tingin ni Eli sa 'yo eh!"



"Salamat pala do'n, Ven," sincere kong sabi. "Naging turning point namin 'yon."



"Do'n niya 'ko ipinagpalit," pagsali ni Gray sa usapan at napatawa ka na lang. "Ikaw pala, Venus, ang dahilan."



"Gago, kasal ka na, 'di ba?" paalala ko sa kaniya.



"Oo, mahal ko misis ko ah," dire-diretsong sabi niya na nakapagpatawa na lang sa 'ting lahat.



"So, kailan ang balak n'yo?" tanong ni Ven nang makapuwesto tayong apat sa nakahandang table sa garden sa likod ng bahay namin.



"Wala pa kaming exact date," sagot mo. "Pero next year, pagkabik na pagkabalik ko galing conference."



"Aalis ka pala, pre, dapat nag-aasikaso na kayo ng mga kailangan," sabi naman ni Gray na agad ding sinang-ayunan ni Venus.



"Oo nga. Ikaw, Millie, may gown ka na ba? Balita ko diyan natatagalan ang mga babae eh."



"Oo. Sinuyod yata ng asawa ko ang buong bansa bago nakahanap ng gusto niyang suotin," kuwento ni Gray.



"Wala pa eh," napapangiwing sabi ko. "Isipin muna natin kung may magkakasya sa 'kin."



"Ano ka ba, hanggang ngayon ba hindi ka pa rin confident sa sarili mo?" nakakunot ang noong tanong ni Ven. "Millie, tulad nga ng sinabi ko sa 'yo noon, kagusto-gusto ka."



"Ako nga, nagustuhan din kita eh," pagsang-ayon naman ni Gray.



"Hoy, gago, 'wag ka na ngang gumaganiyan sa fiancé ko," reklamo mo na tinawanan lang nilang dalawa. Ako naman, napangiti lang. 'Yon ang unang beses na tinawag mo akong fiancé. Sarap sa pandinig. "Walang nagkagusto diyan nang higit sa 'kin."



"Oh, 'di ba, sabi ko nga lang din sa 'yo noon, tingin pa lang sa 'yo ni Eli, bumabakod na," paalala ulit ni Venus na nakapagpailing na lang sa 'kin.



"Hindi lang talaga siya nakatadhana sa inyong lahat," katwiran mo pa. "Akin 'yan."



Kinakantyawan tayo n'ong dalawa habang ako, nakatitig lang sa mukha mo. Bigla kong naalala kung paano ka umamin sa 'kin.



"Akin ka na lang."



Tanginang 'yan, Eli. Paganon-ganon ka lang, at naging sa 'yo nga ako. Kaunti na lang, magiging official na.



Kaunti na lang sana.



– M

25 StepsWhere stories live. Discover now