Sixth

153 21 2
                                    

"Kingina, SIX hours 'yong una kong klase. Monday na Monday, tsk." Kasabay ng iba pang mga estudyante na nakikipagsiksikan para makita ang schedule ng klase nila sa announcement board, agang-aga, nagrereklamo ka na kaagad. Sabagay, baka gano'n din ang maging reaksyon ko kung may klase akong tatagal nang anim na oras.



"'Yong sa 'kin?!" sigaw ko mula sa gilid. Alam nating pareho na mahihirapan akong makipagsiksikan kaya ikaw na rin ang maghahanap ng schedule ko. Nawala ka ulit sa paningin ko at maya-maya, nakita na kitang lumalabas sa kabilang dulo. Patakbo kang lumapit sa 'kin.



"Magkatabi 'yong buildings natin!" tuwang-tuwa na sabi mo.



"Ano ba 'yan, sawang-sawa na 'ko sa 'yo," biro ko at agad ka namang umakto na para bang na-offend ka sa sinabi ko.



Unang araw natin 'yon bilang college students. Architecture ang kinuha mong course dahil ang sabi mo, bukod sa basketball, sa pagdo-drawing ka lang naman may alam. Ako naman, gusto ko lang na may Engineer sa simula ng pangalan ko. Hindi ko alam kung anong branch ng Engineering ang kukuhanin ko pero desisyon ka noong nagpapa-register tayo at isinulat ang Civil Engineering sa first choice ko.



"Para partners tayo sa trabaho!" katwiran mo pa. 'Di ka na nagsawa sa 'kin. Ako rin naman, never yata akong magsasawa sa 'yo.



Puro attendance at orientation lang dahil first day pa lang. Wala pang isang oras mula nang maghiwalay tayo, nagcha-chat ka na at hinahanap ako. Tanga ka talaga kahit kailan. Malamang nasa loob ako ng classroom.



Ellina
8:34 AM

Ellina
Di pa kayo tapos?
Ano na?
Nandito ako sa labas
ng building nyo ha
Baka kung san ka
pa magpunta
Gutom na ko
Pumirma ka na lang
sa attendance milliot
Milliot
Pumuslit ka na kaya

Gago
Di ako katulad mo
Mauna ka na sa canteen
Wala ka pa bang kasama?

Ellina
Meron



Napataas ang mga kilay ko nang mabasa ang sagot mo. Ganiyan ka talaga ka-epal, unang araw pa lang may kaibigan ka na. Normal naman sa 'yo 'yon, mabilis ka talagang nakakasundo ng lahat dahil sa ugali mo. Pero kasi, hindi ko pa rin maiwasan na mapaisip. "Marami bang babae sa archi..."



"Sakto lang."



Napalingon ako sa likuran ko nang may sumagot sa tanong na hindi ko sinasadyang maibulong. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang babaeng nakangiti sa 'kin. "Ven—" Tinakpan ko ang bibig ko at nahihiyang sumulyap sa harapan. Buti na lang hindi ako narinig ng prof namin. "Magkaklase tayo?"



Mas lumawak ang ngiti niya. 'Yong ngiti niya na nakukuha ang atensyon ng lahat noong high school pa tayo. "Buti na lang. Wala akong ibang kilala dito."



"Nasa labas lang din si Eli. Nagyayaya na nga kumain. Sabay ka na rin sa 'min ah."



"Sure."



Sabay na kami ni Venus na bumaba ng building noong i-dismiss kami ng prof namin. After lunch pa ang sunod naming klase kaya nag-uusap kami sa kung anong gagawin namin sa vacant time habang bumababa kami ng hagdan—nang may biglang humarang sa pagitan namin.



"Ven." Likod mo lang ang nakikita ko noon pero sigurado akong ngiting-ngiti ka nang tawagin mo siya. Rinig din naman ang magkahalong gulat at saya sa tono ng boses mo. Crush mo pa rin nga pala siya.



"Eli," nakangiti rin na binati ka niya.



Ni hindi mo naipakilala sa 'min ang dalawang lalaking kasama mo na pareho ring nakatingin kay Venus. Hanggang sa makarating tayo sa canteen, magkausap kayo. Sinubukan ko namang balewalain. Ano bang karapatan kong magselos? Ano ba tayo?



Magkababata. Magkapitbahay.



Pero hindi lang basta lumubog ang puso ko nang makaupo tayo. Nalunod din dahil umiiyak na ako sa loob-loob ko. Bakante naman sa kabila ko, bakit sa kaniya ka tumabi? Hindi ako sanay. Kahit siguro noong hindi ko pa naaamin sa sarili ko na gustong-gusto kitang bwisit ka, maninibago ako na hindi ka sa 'kin nakadikit. Unang araw sa college, may nagbago na ba agad sa 'tin?



Pabilog ang lamesa at lima lang ang upuan. Ako, si Venus, ikaw. Hindi ko na pinansin kung sino sa mga kaklase mo ang umupo sa kabila ko. Pero looking back now, talking about change, sa maling direksyon pala ako nakatingin.



– M

25 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon