Eighteenth

123 24 5
                                    

EIGHTEEN seconds kong pinag-isipan, but of course, I said yes. Though we didn't get married right away.



Kahit pa tuwang-tuwa ang mga mama natin at iyak nanaman nang iyak si papa, marami pa tayong kailangang asikasuhin. Inuna na natin ang pagkuha ng unit. Tutal nasa plano na rin naman nating magpakasal, hindi na naging big deal sa mga magulang natin nang sabihin natin na magsasama na tayo sa iisang bubong.



"Bakit dalawa ang kwarto?" tanong mo kaagad no'ng maglilipat na tayo. "Dapat magkasama tayo! Lumipat tayo, 'wag dito."



"Para sa magiging anak na lang natin, okay na?" sabi ko para lang tumahimik ka.



"Bakit isa lang ang kwarto para sa mga anak natin?"



"Eli!" Tinawanan mo lang ako.



Hindi na tayo kumuha ng moving service o nagpatulong pa kina mama. Pinili natin na tayong dalawa lang mismo ang maglipat at mag-ayos ng lahat. Bukod sa dagdag na bonding time, mas gusto nating makita na pinagpaguran natin ang lahat sa unit na 'yon.



"Nasa'n 'yong mga kitchen supplies?"



"'Yong pinakamalaki raw na box sabi ng mama mo."



Nilapitan ko nga ang pinakamalaking kahon habang busy kang ina-assemble 'yong vanity table para sa kwarto natin. Binuksan ko 'yon at napangiti na lang sa kung gaano kaayos na nakasalansan ang lahat. Iniangat ko ang isang clear na baso na maganda ang hubog. "Sana baso na lang ako," hindi ko napigilang sabihin.



25 years old na tayo pero wala pa ring nagbabago sa katawan ko. Alam ko namang tanggap mo ako pero ako kasi, hindi pa rin. I mean, mahal ko ang sarili ko pero kung may choice ako sana hindi ako ganito. I know. I'm so cruel to myself.



"Ano 'yon?" Lumapit ka sa 'kin, bitbit pa ang screwdriver na ginagamit mo.



"Wala. Sabi ko sana baso na lang ako."



"Bakit?" curious mong tanong.



"Wala lang."



Bumalik ka na no'n sa ginagawa mo. At akala ko doon na natapos ang usapan na 'yon. 'Di ko alam na hindi pala 'yon nawala sa isip mo. 'Di ko alam na ginawa mo palang big deal 'yon.



Wala pang isang linggo ang lumipas, na-late ka ng uwi. Akala ko nag-overtime ka pero pagdating mo, proud na proud kang ipinakita sa 'kin ang braso mo.



"Nagpa-tattoo ka?" gulat kong tanong at ngising-ngisi ka namang tumango. Pinaningkitan ko ng mga mata ang kakaibang drawing hanggang sa sumuko na akong isipin kung ano 'yon. "Ano 'yan?"



"Cupholder," taas-noo mong sagot.



"Ha? Cupholder, bakit?" litong-lito kong tanong. Sinong matinong tao ang magpapa-tattoo ng cupholder?



Cupholder, Eli. Sinong makakaisip no'n?



"Para 'pag baso ka na, ako ang cupholder."



Hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatawa. You really have your own—even the weirdest ways of being sweet, Eli. And I really appreciate you for that.



– M

25 StepsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora