16. The Birth of Hwy

92.4K 3.3K 627
                                    

Thank you for your interest in this story. This story can also be viewed on Dreame app.

You can also download the DREAME app to enjoy other exciting stories.

***

AMBER

"Expergiscimini!" Yun ang una kong narinig. Tila binuhusan ng malamig na yelo ang mukha ko. Gosh. Sino ba namang gagawa non?

"Amber, Silex... gising!"

Teka teka... boses 'yon ni Mistress Fhaun! Huwaaat? Oh gosh! Mistress Fhaun is in Garon!

"Amber!" Galit nang sabi ni Fhaun. Muntik na akong napakurap ng di oras. Akala ko natutulog lang ako ng mahimbing sa kama ko. Naalala ko

nasilaw pala kami ni Silex sa mga pulang mata ng lobo. Tapos... hindi na kami makagalaw... tapos nakatulog na ako at hindi ko na alam ang mga nangyari. Pinakamahimbing na tulog ko yun tas parang pinakamalalang bangungot ang paggising ko kasi ang pinakakinatatakutang preceptor ang gumising saakin sa pinakakinatatakutang forest! Lahat nakakatakot! Wala akong nagawa. Gusto ko mang magkunwaring tulog hanggat hindi umaalis sa harapan namin si Mistress Fhaun ay parang hindi ko mapapanindigan.

"Amber, gising na. Ligtas na tayo!" Dinig ko si Silex habang niyuyugyog niya ang balikat ko. Ang loko, hindi ko nasabihang mag-playdead muna hangga't di nakakaalis ang istriktang preceptor.

Kunwari'y tulog parin ako at hindi nagising. Papanindigan ko na 'to! Saka na ako gigising kapag nasa academy na kami. Magdadrama muna ako para kunwari'y kalunoslunos ang naging kalagayan ko. Yung tipong mahahabag

saakin si Mistress Fhaun at mangangako itong ituturo niya saakin ang lahat ng nalalaman niyang spell lalo na iyng mga sinaunang spell.

"Ayaw mong gumising Amber? Baka gusto mong itabi pa kita sa ahas habang natutulog ka para mahimbing ang tulog mo!" Dinig ko uling sabi ni Fhaun.

Ang masungit, hindi parin pala sumusuko sa kaartehan ko. Teka, ahas? Ahas?

"Oo ahas!" Sagot ni Fhaun na marahil ay narinig ang sigaw ng utak ko.

"Ahhhh! Ahas!" Sigaw ko at biglang bangon. Nagtatatalon-talon pa ako kasi sobrang takot at nandidiri talaga ako sa ahas! "Ahhhh! Ahhhhh! Ahas!"

Nang mamataan kong nakapameywang na sa harapan ko si Mistress Fhaun at hindi ko namalayang nakaturo ang daliri ko sa kanya habang sinisigaw ko ang 'ahas' ay bigla akong nanlamig. Naputol yata ang dila ko. Nakita ko

na lang na napapakamot sa ulo si Silex. "Ayyy sori Mistress Fhaun. Nagulat lang ako sa ahas. N-nasaan po ang ahas or snake or serpent?"

Binalewala ako. "Umalis na tayo dito. Dalhin mo na 'yang gamit mo." Tumalikod na ang babae.

Tumandang dalaga na kasi kaya masungit. Siguro iniwan ng boyfriend at pinagpalit sa mas maganda at mas malaki ang hinaharap kaysa sa kanya. Hmm. Hanapan ko kaya ng nobyo si Mistress Fhaun?

"Yan ang huwag na huwag mong gagawin Miss Frost." Sagot ni Fhaun na nasa harapan ko lang habang naglalakad.

Nasa tabi ko naman ang poging si Silex na hila-hila ang maleta ko habang nakasakbit ang bag nito. "Sabi ko sayo huwag kang nagsasalita sa isip mo eh. Maririnig ka niyan kahit tulog ka," sermon ng lalaki habang nakatitig ang deep blue eyes nito. Hay ang cute mo Silex. Manligaw ka na kasi! Napakatorpe mo!

"Hindi ko kasi mapigilan. Kasalanan niya nangingialam siya sa iniisip ng iba," sagot ko sa kausap.

Bahagyang lumingon si Fhaun na marahil ay narinig na naman ang sinabi ko loud or silent.

The Keepers [TKS#1]Where stories live. Discover now