16. The Birth of Hwy

Start from the beginning
                                    

"Ano nang nagyari kina Lara? Tiyak lagot tayo nito pagbalik natin."

Gosh! Lagot talaga kami nito pagbalik namin. Nakailang metro pa kami ng lakad nang marating namin ang bungad ng Garon. Nakita kong sinasakay sa strecher si Laurent at si Lara.

Nataranta ako at nagmadaling puntahan sila sa sobrang pag-aalala.

"Lara! Amang Laurent!" Mangiyak-ngiyak kong sabi. Parehas na walang malay ang dalawa habang nasa di kalayuan naman si anghel dela guwardiang Alvis na may benda sa ulo at kaliwang kamay.

Oh gosh!

Marahil ay malala ang nangyari sa kanila habang tulog kami ni Silex. Oh my gosh! I fidgeted. May kasalanan ako sa mga nangyari. Naiyak na ako nang makita ko ang kalagayan ng best friend

kong si Lara.

"Shhh. Magiging okay din sila." A tapped on my back and a sweet comfort made me feel a bit okay. Sweet talaga ng future husband ko. Hihihi.

"Amber," ani Master Uran na nasa likuran pala namin, "sayo ko pinapaalagaan itong hwy."

"Hwy? As in H.W.Y?" tanong ko sa master.

Hawak nito ang isang malaking itlog na kulay puti sa isang gilid at itim naman sa isa pang kalahati nito. Sinlaki ito ng niyog na parang pinintahan ng yin-yang. Hindi ko muna inabot ang yin-yang egg. Hindi ako makapaniwalang totoo pala sila. Akala ko'y sa mga sinaunang alamat lang ang mga hwy.

"W-wait master, i-imposibleng magkaroon ng hwy o yinyang egg sa panahong 'to! Ubos na ang mga lahing may kakayahang magkaroon ng hwy!"

The master slowly and slightly shook his head. Napalingon ito sa kinaroroonan ni Lara na lulan na ng malaking karitela.

I shook my head as well. Hindi pwedeng si master lang ang nagsi-shake ng head, but on some serious matter totoo nga ang lahat. Lara, where have you been all this time? My bloodline has been looking for you for centuries.

Tama nga si Jolly. Tama siya! and on the lighter side... I am holding a yinyang egg at masusulat ito sa kasaysayan ng Cairos. Amber, ang babaeng nagsilang sa kauna-unahang hwy sa kasaysayan ng Cairos!

"Aalagaan mo lang yan Miss Frost hangga't hindi nagigising si Miss Hearthopia. Sisiguraduhin mong malinis 'yan at malayo sa mga matitigas na bagay. Make sure na lagi yang naiinitan at lagi mong tinatabi kay Miss Frost dahil siya ang magsisilang niyan. Hindi ikaw ang magulang." Panira sa moment na sabi ni Fhaun the single and unhappy witch.

"Oh eh di ninang! Ninang Amber!Achuchuchuuu!" Bulalas ko habang yakap ang malaking itlog. Inakbayan naman ako ni Silex na tuwang-tuwa sa fondness ko sa hwy.

Hayyyyyy one big happy family. Naisip ko.

"Big happy family? Eh iisa yang hawak mo. Tapos hindi ikaw ang magulang. Ninang ka lang niyan kamo," bulong pa ni Mistress Fhaun habang papasakay kami ng karitela.

Big happy family kasi nga malaki 'tong itlog! Big as in biiiig! Sigaw ko pa sa isip ko na for sure ay narinig ni Fhaun. Asar talo.

***

Isang lingo na naging routine ko ang lahat ng inutos nina Master Uran at Mistress Fhaun bukod sa pag-attend training ay punasan ang hwy, tabihan sa pagtulog, dalhin sa hindi parin nagigising na si Lara at itabi ito habang mahimbing na natutulog, kantahan, at sayawan.

Lahat na.

Pagkatapos ng isang linggo mas naging kumplikado na ang kalagayan ng itlog. Naninilaw ito kapag hindi naiinitan o natatabi kay Lara, kailangang kantahan o kaya sayawan ng madalas. Madalas si Silex na ang katabi

The Keepers [TKS#1]Where stories live. Discover now