15. Lara's Feat

98.1K 3.5K 152
                                    

Isang kilometro na ang nalalakbay namin papasok ng Garon Forest. Bawat sulok nito ay tila nababalot ng hiwaga. Mataas ang tirik ng araw nang magpasya kaming tahakin ang kagubatang binabalot ng misteryo at lagim ngunit parang ngayo'y gabi na dahil sa kapal ng dahon mula sa matatandang puno na humarang sa sinag ng haring araw. Tanging mga alulong ng lobo, tunog ng kulisap, mga insekto, mga mabangis na ibon at iba pang hayop ang maririnig.

Sa gitna ng katahimikan ay umagaw ng atensyon ang tili ni Amber. "Ouccchhh!!!"

"Amber?!" Magkasabay naming turan ni Silex.

"Nakaapak lang ako ng something hard. Medyo nahurt yung paa ko but I'm fine!" Amber redeemed herself habang hirap na hirap sa pagbuhat ng maleta.

"Nagdala ka pa kasi ng maleta. Hindi tayo nagbabakasyon o kaya magsiswimming sa beach!" Sermon ni Laurent na nagpipigil ng pagkairita kay Amber. Napansin ko ang pagkuyom ng mga palad nito na tila may pinaghahandaang pag-atake. Mas lalo akong kinabahan.

"Ano ba kasing balak mo amang Laurent? Hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa gusto mo kahit hindi ko alam kung anong gusto mong gawin kay Lara dito sa gubat na 'to. Ipapalapa mo ba siya sa lobo hanggang sa magalit siya, itatapon sa hukay na puno ng ahas para magising ang tapang niya o dito mo lang siya balak i-date?" Amber recited spontaneously. Nakakatawa ang mga naiisip nito pero medyo kinabahan ako sa idea.

Hindi ko rin alam kung bakit ako sumama at kung anong binabalak ni Laurent pero alam kong alam ng lalaki kung bakit dito niya ako dinala. Marahil ay may nakita ito noong kami ay nasa pagsusulit pa lang.

"Amber just shut up. Okay? Trust me."

Trust me. Mga katagang nakapagpalubag saakin kahit papano. Bakit kapag siya ang nagsabi nun ay naniniwala ako. Gaya na lang ng pagpayag kong sumama sa lugar na kinatatakutan ko.

"Oh gosh! Ohh gosh!!!" Dinig na naman naming bulalas ni Amber habang nakakapit kay Silex na himalang nagulat at tahimik din. Nabato ang dalawa.

"Amber! Silex! What's-" akmang tatakbuhin ko na ang dalawa nang pigilan ako ni Alvis.

"Lara, shhhhh" mahina nitong sabi, "don't move."

Natigilan ako sa sinabi ni Alvis. Nagtaka ako kung bakit biglang nabato sina Amber at Silex. Hindi na gumalaw ang mga ito at hindi na rin nagsalita. Nanatili kaming tahimik ay hindi gumagalaw sa loob ng halos dalawang minuto. Sa kalagitnaan ng katahimikang iyon ay ang sunod-sunod na pagsulpot ng mga pares ng matang mula sa iba't ibang sulok. Hanggang sa napapaligiran na kami ng mga mapupulang pares ng mata. Pigil ang aking paghinga habang nanginginig ang tuhod ko lalo na nang marinig ko ang paghaginit ng mga tuyong kahoy at dahon. Ibig sabihin, may mga yapak saaming paligid. Tagatak na ang pawis ko. Hindi ko alam kung anong mga uri ng nilalang ang nakapaligid saamin.

Isang marahang pag-alulong ang narinig ko mula sa di kalayuan. Mga lobo? Mga lobo?!! Tarantang sabi ng isip ko. Ilang saglit pa, habang nangangawit na ako sa pagtayo ay iniluwa ng madilim na paligid ang mga taong lobong namumula ang mga mata at nangingintab ang mga pangil. Hindi ito anyong hayop kundi para silang mga taong tinubuan ng balahibo at ulo ng lobo. Matutulis ang kanilang mga kuko. Nakalapit na ang mga ito saamin. Inaamoy-amoy kami. Itinuro ng isang lobo ang matulis nitong daliri saaking pisngi. Hanggang sa dumiin ng dumiin ang pagkakadikit nito. Naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa aking pisngi. Si Laurent na nakikinita ko sa di kalayuan ay tila hindi na nakapagpigil sa nangyayari. He's already angry. He clutched his fist together. Napaiyak ako sa hapdi pero pigil parin ang paggalaw at paghinga.

"Ahhh" Kumawala ang i!sang malakas na sigaw ni Laurent kasabay ng isang malakas na daloy ng itim na enerhiya sa kanyang katawan. Galit ito! Galit na galit! Napasuntok ito sa lupa at lumikha iyon ng isang malakas na paikot na pwersang umabot ng ilang metro. Gumawa iyon ng isang malaking butas.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon