Chapter 25

1.4K 36 0
                                    

Rosana’s Pov:

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising kaya nilingon ko si Kyade  na natutulog pa rin kaya dahan-dahan akong bumaba sa kama namin at kumuha ng dapat atsaka lumabas ng kwarto at magpunta sa banyo para maligo

Ng matapos na ay agad kong kinuha ang damit ko para magbihis ngunit napansin ko wala pala akong nakuhang bra kaya napagdesisyunan ko na lumabas ng banyo na nakatapis lang at pumasok ng kwarto dahil alam ko naman na tulog pa si Kyade

Pagkapasok ko agad akong dumaretcho sa cabinet ko at tumingin ng bra ng makakuha ako ay lalabas na sana ako ng biglang may nagsalita

“oh bat ang aga mo atang naligo?”tanong ni Kyade na gising na pala kaya sa gulat ko ay nabitawan ko ang bra ko

“Ky-kyade ahh ehh bat gising ka na?”tanong ko dito

“eh kase umaga na? Malamang Ana umaga na eh kaya gising na ako atsaka ano naman kung gising na ako?”tanong nito at hinagod ang tingin sa buong katawan ko kay humigpit ang hawak ko sa tuwalyang nakatapis sakin

“ah ehh si-sige magbibihis lang ako”sabi ko dito at aalis na sana ng muli itong nagsalita

“Ana bra mo oh nahulog”mapangasar na sabi nito kaya dali-dali kong kinuha sa sahig ang nahulog kong bra

“wala kang nakita Kyade damit lang yun”sabi ko dito

“huh? Hindi kaya bra yung nakita ko bra yun eh”mapanasar na sabi ko dito kaya lumabas agad ako ng kwarto at sinaraduhan ng pinto rinig ko naman ang tawa nito mula sa loob

Ng makapagbihis ay agad akong naghain ng pagkain sigurado ako na si Ross na ang nagluto ng pagkain dahil maaga ang klase nito

Maya-maya pa ay lumabas na ng kwarto si Kyade na may nakasukbit na tuwalya sa kanyang balikat

“kumain na muna tayo bago ka maligo gutom na gutom na kami ng mga anak mo”sabi ko dito kaya tumango ito at umupo na sa upuan kaya hinainan ko ito ng pagkain

Habang nilalagyan ko sya ng kanin sa plato nya ay napansin ko itong nakatitig sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay

“anong tinitingin-tingin mo dyan?”tanong ko dito kaya napalunok ito

“ehem ikaw naman girl ang aga-aga ang taray mo pinaglilihian mo ba ako?ay nako ayaw ko na ha grabeng pagmamaltrato na ang inabot ko sayo ng paglihian mo ako lagi nalang akong puyat”sabi nito kaya naalala ko ang mga panahon na pinaglilihian ko pa sya lagi syang naliligo dahil ayaw ko sa amoy nya,pagnakita ko sya ay lagi ko syang kinukurot o di kaya ay kinakagat,lagi ko rin sya minimake-upan at ang pinaka ayaw nya sa lahat ng klase ng paglilihi ko ay sya ang nagsusuka,sya ang madalas naghahanap ng pagkain,at sya ang nagiging antukin samin na talagang kinaiinisan nya dahil kulang nalang daw ay sya na ang magdala ng mga anak namin

“eh bakit ka ba kase nakatingin?”tanong ko dito kaya napangisi ito

“hehe wala naman iniisip ko lang kung anong cup size ba ng dibdib mo kase flat chested ka naman pero infairness sayo girl ha medyo lumaki na ang dibdib mo”sagot nito sakin kaya agad ko itong binatukan

“buisit ka talaga kung ano-anong iniisip mo dyan kumain na nga lang muna tayo”inis na sabi ko dito

“geh na Ana pahawak nga para sure kung lumaki na nga ba talaga”sabi nito kaya tinakpan ko ang mga dibdib ko

“che! Napakamanyakis mo talagang bakla ka!”sabi ko dito na nagpataas ng kilay nito

“ay wow pavirgin ka girl? Hoy babae nahawakan ko na yan natikman ko na  nga eh kaya nga kita nabuntis diba para pahawak lang kadamot nito”sabi nito at sumubo na hindi sa ayaw kong ipahawak sa kanyang ang dibdib ko dahil kung pwede lang ay pinahawak ko na sa kanya ito dahil pagmamayari nya ang buong pagkatao ko ngunit ayaw kong masalat nya ang mga bukol ko sa dibdib hanggat kaya ko ay itatago ko sakanya ang sakit ko

My Gay Boss Made Me PregnantWhere stories live. Discover now