Chapter 14

1.6K 51 1
                                    

Rosana's Pov:

Sabi nga nila sa bawat pagsikat ng araw asahan mo rin ang paglubog nito kung baga sa bawat kasayahan may naghihintay na kalungkutan

Parang kay bilis magdaan ng mga araw ng dahil sa sobrang saya hindi ko naalala na pagmamayari na sya ng iba

"Ahh mi-miss?eto na ho ticket nyo papuntang cebu 9:00 ho ng umaga"sabi bigla ng lalaki sakin kaya humingi ako ng paumanhin at kinuha ang ticket ko

Bukas na ang balik ko sa Cebu dahil bukas din ang kasal ni Kyade at gaya ng napagusapan aalis kami ng anak nya sa buhay nya simula bukas

Nagulat ako ng magring ang phone ko

Ross Calling...

Agad ko naman itong sinagot

"Hello ate nasa NAIA ka na ba?nakuha mo na ticket mo?"

"Oo bunso ok na lahat"sabi ko dito habang naglalakad palabas

"Anong oras ang flight mo?"

"9:00 pa ng umaga"

"Osige ate hintayin kita sa airport dito mga 10 siguro nandito kana"

"Teka wag na may pasok ka pa makakaabala pa ako"

"Ate aabsent na muna ako isang araw lang nmn wala pa nmn akong day-off ehh"

"Osya sge bahala ka"

"Sge ate ibaba ko na nandyan na boss ko"

"Sge bye bunso"

Pagkababa nya naghanap ako agad ng makakainan gutom na ako at kumakalam na ang sikmura ko

"Sandali lang anak kakain na tayo"sabi ko sabay himas sa tiyan ko sakto naman may ale na nagtitinda ng mais sa tabi kaya pumunga agad ako

"Ale pabili po isa"sabi ko kaya nginitian ako ng matanda

"Heto iha magingat ka sa pagbubuntis mo masyado kang delikado"sabi nito na ikinabigla ko

"Pa-paano nyo po nalaman?"tanong ko dito

"Iha naka-apat na ako kaya alam ko na yan halata naman dahil sa kakaibang taba mo"sabi nito sabay himas sa tiyan ko

"Sila ang swerte mo iha sya ang magiging tulay mo patungo sa lalaking mamahalin mo hanggang kamatayan mahal ka nya hindi nya pa nga lang alam kaya maghintay ka lang dahil darating ang araw mabubuo rin kayo"daretcho sa mata na sabi nito sakin kaya napakunot ang noo ko at magtatanong na sana ngunit may biglang dumating na matandang lalaki na may buhat na batang lalaki

"Mahal pasalubong namin sayo"sabi ng matandang lalaki at humalik sa matandang babaeng nagtitinda ng mais

"Naku mahal hali ka nga dito pawis na pawis kayo"sabi ng matandang babae napangiti nalang ako at tumalikod para umuwi

Sana ganyan din tayo ng papa mo anak..

Gabi na ng makarating ako ng mansyon dahil nanatili muna ako sa isang parke buong maghapon dahil parang hindi ko kakayanin makibahagi sa kasayahan nila para sa kasal ni Kyade bukas

Madilim na sa buong mansyon ng ako ay makauwi kaya dahan-dahan akong naglakad papuntang kwarto at ng akmang papasok na ng may humawak dito

Pagtingin ko ay si Kyade na madilim ang mukha at nakayukom ang isang kamao habang nakatiim bagang kung sa ibang oras ay baka magwapuhan ako dito ngunit dahil sa dilim ng mukha nito napalunok ako

My Gay Boss Made Me PregnantWhere stories live. Discover now