Chapter 4

1.7K 60 2
                                    

Rosana's Pov:

5:30 ng ako'y magising kaya naligo agad ako at nagbihis ng mga binigay na damit ni ser Kyade at dumaretcho sa kusina

Binuklat ko ang meal plan nya at nakasulat dun na ang breakfast lang nya ngayong sabado ay Caesar salad lang at berries at ang drinks naman nya ay tea lang

6:11 ng umaga ng matapos ko na ang lahat nilagay ko muna ito sa ref at pumunta sa kwarto para magayos

Habang sinusuklayan ang aking buhok di ko maiwasan mapabuntong-hininga

"Kung maganda kaya ako at hindi kuba magugustuhan kaya ako ni ser?"tanong ko sa sarili ko pero agad ding umiling "bakla pala yun hay nako basta crush ko sya"muli sabi ko at sinabit na ang towel at nagtungo sa kwarto ni ser

"Ser gising na ho 6:30 na ho"sabi ko habang kumakatok

"Ms.Tiana bangon na ho!"medyo malakas na sabi ko

Nagulat ako ng bumukas ang kabilang kwarto at lumabas si Ser Kyadel

"Pumasok ka nalang rosana tulog mantika talaga yan"sabi ni ser Kyadel

"Hindi ho kaya ako pagalitan ng kambal nyo ser?"tanong ko dito

"Drop the po and the sir just call me Kyadel and sya naman ang nagutos sayo diba kaya kung magalit sya sermunan mo"nakangising sabi nito kaya napilitan akong tumango may tinatago rin palang kagaguhan si ser

"Osige Ky-kyadel"utal na sabi ko kaya pumasok na uli ito sa kanyang kwarto

Hindi naman ako siguro ako mapapagalitan

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto nya at nakita ko syang nakadapa ang gwapo nya pag walalang make-up wag ka nga lang tumingin sa bandang dibdib at sa mahaba nitong buhok

Ng makalapit ako hinawi ko ang ilang buhok na tumatabig dito grabe nakakainggit ang haba ng buhok nya

"Alam ko na mandidiri ka pero wala eh crush na yata talaga kita ser kyade"bulong ko dito at tinapik na ito

"Ser ay este Ms.Christiana bangon na ho lagpas 6:30 na ho oh"

"Hmm Ana Im still sleepy"husky na sabi nito kaya kinilig ako dahil napakaganda ng boses lalaki nito ang laki at buong-buo tulad sa kanyang ama at kambal kaya nakakapagtaka pano nya un naiipit

"Ms.Christiana 6:41 na ho bahala ka"sabi ko at dahil dun napabalikwas ito

"Ana naman I told you to wake me up at exactly 6:30 am"inis na sabi nito tumaas naman ang kilay ko at napasimangot dahil balik babae na naman ang kanyang boses

"Eh sir kanina ko pa ho kayo kinakatok mukhang nagising na nga ho pati magulong nyo pero kayo ho nakahilata pa rin"sabi ko kita ko pano tumaas ang kilay nito

"Ehh bat ka nagagalit?gusto mo ng masesante Rosana?"

"Ayy hindi ho nagpapaliwanag lang kayo naman ho,atchaka Ms.Christiana may binubuhay pa ho akong kapatid kaila-"natigil ako sa pagsasalita ng takpan ni Ser Kyade ang bibig ko

"Enough Ana I was just joking maliligo na ako and you ready my breakfast make sure na masarap un"sabi sakin ni ser habang naghahanap ng damit

"Ayy yes naman Ser este Ms.Christiana with love po un"sabi ko kaya napatingin ito sakin at ngumisi habang dahan dahan na lumalapit sakin

"With love?so it means you love me Ana?"tanong ni ser sakin at kinorner ako gamit ang magkabilang braso

"Ah ehh S-ser e-este Ms.Christiana love as a f-friend po un hehe yun nga po"utal na sabi ko kaya lalo pa nitong nilapit ang mukha sakin

My Gay Boss Made Me PregnantWhere stories live. Discover now