Chapter 20

1.4K 36 5
                                    

Rosana's Pov:

Lumipas ang mahigit 2 buwan mula ng dito tumira si Kyade at mula ng araw na yun walang tigil ang pagpaparusa ng kapatid ko kay Kyade lagi namang walang angal tong Kyade paginuutusan sya

Nagpasya na akong bumalik sa bukurin para kunin ang mga baunan nila ngunit muli ko na naman naramdaman ang sakit ng aking dibdib kaya napaupo ako at naiyak

“panginoon ko kung ano man po ito ay sana wag madamay ang anak ko dito”dasal ko habang tinitiis ang kirot sa mga nagdaan na araw,linggo,at buwan mas napapansin kong napapadalas ang pagkirot at pagsakit ng aking dibdib na ikinakabahala ko dahil baka kung anong mangyari sakin dahilan para madamay ang anak ko

Tumayo na ako ng maramdaman kong medyo nabawasan na ng kirot ang aking dibdib

Pagdating ko sa sakahan nakita ko si Kyade na nagaararo sa gitna ng tirik na araw dahil tanghali na ng tignan ko si Ross ay na sa may silong ito at pinapanood lang ang kanyang kuya kaya agad akong lumapit dito

“hoy Ross ano bang nangyayari dito?”inis na sabi ko dito sabay batok

“aray naman ate ano ba?, malamang pinagaararo ko yang tatay ng anak mo”sagot nito kaya napabuntong hininga ako at napatingin kay Kyade na hirap sa pagararo at nakasuot pa ng pambabaeng damit na ikinailing ko

“di ka ba naawa kay Kyade? eh hindi naman marunong maagararo yan eh”tanong ko dito kaya napalingon naman ito sakin

“oh eh bakit ate nung pinanganak ba tayo marunong ba tayong magararo agad?di ba natuto lang din naman tayo”pabalang na sagot nito kaya napailing nalang ako

“oh my goodness! Oh my goodness gracious! I’m tired!”reklamo ni Kyade kaya akmang bibigyan ko sya ng tubig ng hilain muli ako ni Ross paupo

“meron bang nagararong nagrelax?”pabalang na sagot sa kanya ni Ross

“pinakain mo man lang ba sya ng pananghalian?”

“oo ate pero ayaw nya ang sabi nya mamaya na daw edi bahala sya”sagot nito sakin kaya napailing nalang ako

“ewan ko sayo Ross basta mamaya eh pakainin mo na ang kuya siguradong gutom na yan uuwi na ako at babanlawan ko  pa ung mga damit ng kuya mo”sabi ko dito kaya tumango ito tumingin muna ako Kyade bago umalis

Kyade’s Pov:

Gabi na ang inabot ko sa pagaararo ngunit hindi pa rin ako pinapayagan huminto ni Ross wala pa akong kain simula tanghali hanggang nagyon

“hindi pa ba ako matatapos dito? wala ng araw”tanong ko dito kita ko naman ang pagngisi nya

“baket diba uso sa Manila ang salitang OVERTIME?”tanong nya sakin kaya agad akong napairip

“ikaw ang OVERTIME, OVER ka na this TIME! Naikot ko na nga yung buong bukid naararo ko na I’m so tired”inis na sabi ko dito

“kaya mo yan puro kalang kasi arte kami nga ni ate araw-araw namin ginagawa dati yan eh”sagot nito sakin kaya napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy pati ata kalabaw ay pagod na rin

“jusmiyo!Ross hanggang ngayon pinagaararo mo pa rin yang kuya mo ha?!…halika ka na Kyade umahon ka na dyan kumain na tayo ng hapunan”sabi nito at hinila ako paalis sa putikan akmang aangal pa sana si Ross ng tignan sya ng masama ng ate nya kaya umalis na laman ito

“pasensya ka na sa kapatid ko ha”sabi nito sakin kaya napalingon ako dito at ngumiti sakanya kanina pa ako nakakaramdam ng hilo marahil ay dahil hindi pa ako kumakain

“ayos lang Ana kung para naman sainyo ng anak ko magtitiis ako”sabi ko sakanya saka hinawakan ang tiyan nito na napakalaki na ngunit 3 buwan palang

My Gay Boss Made Me PregnantWhere stories live. Discover now