Chapter 17

1.5K 36 0
                                    

Rosana’s Pov:

Pagkatapos ng nakapakahabang biyahe narating na rin namin ang bahay namin sa Cebu agad kong pinaparada ang sasakayan kay Kyade pagtapat sa bahay

“ayan lang ang bahay nmin Kyade kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sayo mahihirapan ka lang dito napakatigas din kasi ng ulo mo eh”sabi ko dito kaya kinurot ako nito sa pisngi

“ikaw ang matigas ang ulo basta sinabi ko na pananagutan ko kayo ng anak ko kaya ayos lang yan dito na tayo magsisimula ng panibagong buhay”sabi nito at hinalikan muna ako sa noo bago lumabas kaya lumabas na din ako ng kotse

Tumingin muna ako sa buong paligid ng aming maliit na tahanan na wala namang ipinagbago pagkalipas ng ilang buwan agad kung kinuha ang susi sa bahay at agad binuksan ang pinto ng bahay

“Kyade maupo ka muna dyan pagpasensyahan muna kung kawayan lang ang upuan nmin ha”

“It’s ok Ana kuha mo nlng muna ako ng maiinom”sabi nito kaya agad akong nagpunta sa kusina upang makakuha ng maiinom at bumalik agad sakanya

“maya-maya lang nandito na ung kapatid ko sigurado buti nalang may event sa resto kaya hindi nya ako nasundo sa airport”sabi ko at nagulat ako ng biglang nabilaukan si Kyade

“ayy kyade jusko ayos ka lang ba ha?”sabi ko habang hinihimas ang likod nito tumango-tango naman ito saking

“A-ana diba babae naman ang kapatid mo?”tanong nito sakin na parang kinakabahan pa

“huh?hindi lalaki bakit?”tanong ko dito at nakita kong napalunok ito sa sagot ko

“pero bata pa nman diba?”tanong muli nito kaya napailing ako

“naku Kyade hindi rin binata na yun dalawang taon lang ang agwat nmin”sabi ko kaya napabuntong hininga ito at lumapit sa mga litrato namin

“sya ba ung kapatid mo?”tanong nito kaya tumango ako at napangiti  at lumapit sakanya

“oo,ito naman si mama at si papa”sabi ko dito kaya napatango ito

“if you don’t mind Ana anong ikinamatay ng magulang nyo?”tanong nito kaya napabuntong hininga ako at tumingin sa litrato ng mga magulang ko

“umuulan nung araw na yun pauwi na sila galing ng trabaho ang tatay ko jeepney driver samantala ang nanay ko nman ay may puwesto sa palengke habang umuwi sila sa hindi inaasaahan may bumangga sa kanilang 10 wheeler truck na nawalan ng preno na ikinasawi ng 7 tao kasama na ang magulang ko”mahabang sabi ko dito at hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko kaya agad akong hinila ni Kyade palapit sakanya at niyakap ako

“shhhh sorry if I ask about it but stop crying makakasama yan sa baby natin”sabi nito kaya tumango ako at kumalas sakanyang pagkakayakap at pinunasan ang mga luha ko

“pasensya ka na ha…naku sandali maglalaga lang ako ng mais siguradong gutom ka na sa maghapong biyahe natin pati narin si bunso ang mabuti pa magpahinga ka muna sa kwarto ko”sabi ko dito at tinuro ang kwarto

“hindi ba dapat ikaw ang nagpapahinga dahil ikaw ang buntis?”tanong nito kaya napangiti ako dito

“Kyade buntis lang ako hindi lumpo ano ka ba tsaka di ako sanay na walang ginagawa eh”

“fine ako ng magaayos nitong mga dala natin”sabi nito kaya napatango ako at dumaretcho sa kusina upang maglaga ng mais para may makain sa mirienda dahil alam ko pauwi na rin ang kapatid ko

Ngayon ang nasa isip ko ay kung kakayanin ba talaga ni Kyade na manirahan dito kasama ako eh sanay yun sa masaganang buhay na hindi nya kailanman matatamasa dito sa aming probinsya

My Gay Boss Made Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon