Ika-Labing Tatlong Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang makaalis sa kadiliman at tumama ang liwanag ng buwan sa kaniyang mukha ay doon ko lamang napagtanto kung sino ito.

"Ikaw po pala iyan, Prinsipe Hyeok." Sambit ko at agad na yumuko bilang pagbigay-galang. Bahagya ko ring inayos ang aking sarili.

Napansin ko ang pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang paa at bahagyang sumingkit ang kaniyang mga mata nang makita ang aking suot. Tila nagkaroon siya ng pagtataka nang makita itong puro itim.

Binalik niya muli ang kaniyang tingin sa akin at nagsalita. "Oras na ng kurpyo. Bakit nandito ka pa?" Seryoso niyang giit.

"A-ano... nais ko lamang pong magpahangin."

"Kung ganoon, bakit ganiyan ang iyong kasuotan?"

Bigla akong natahimik at napalunok. Kung saan-saan ko rin binabaling ang aking tingin, makahanap lamang ng maisasagot.

'Hays! Bahala na."

"Ito po kasi ang binigay sa akin na pamalit kanina kung kaya't wala akong nagawa kundi ang suotin na lamang ito."

Lalong sumingit ang kaniyang mga mata at halatang hindi naniniwala sa aking sinabi. Tila nagkaroon pa ito ng hinala. "Talaga bang magpapahangin lamang ang pakay mo rito?... o 'di kaya naman may iba ka pang ibig na gawin bukod doon?"

Wala sa sarili akong tumango. "O-opo, Kamahalan. Iyon lamang ang aking ibig na gawin."

Hindi siya nagsalita, bagkus tinignan niya lamang ako ng maimtim. Wala akong nagawa sa pagkakataong iyon kundi ang yumuko lamang.

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Kanina, habang kaharap si Ryeo, para akong tigre na sobrang tapang at hindi man lamang nagpapakita ng kahit anong takot. Subalit, ngayon, habang kaharap si Prinsipe Hyeok, bigla na lamang akong naging tuta. Siguro dahil iyon sa presensyang dala ng prinsipe. Base sa aking pag-oobserba, may matalas na pag-iisip ang prinsipe at madali niyang nababasa ang galaw ng isang tao. Kaya naman nagiging maingat ako dahil ayaw ko na mabasa niya rin ang aking galaw at malaman ang tungkol sa akin.

"Alam mo, sa tuwing nakikita kita, tila may kakaiba akong nararamdaman... tila may kakaiba sa iyo na s'yang dapat na tutukan." Bigla akong natahimik at hindi nakapagsalita.

'Ito na nga ba ang sinasabi ko.'

"O'siya, bumalik ka na sa iyong silid."

"Opo, Kamahalan." Nagawa kong yumuko muna bago umalis. Subalit, hindi pa ako nakakalayo nang tinanaw ko muli siya. Hindi ko alam kung ako lamang ba ito o ano, sapagkat napapansin kong may kakaiba sa kaniyang mga tingin kanina... tila sinasabi nito na nagkakaroon siya ng hinala sa akin.

~ ~ ~ ~ ~

"ANONG meron? Bakit may maraming mga kawal?" Nagtataka kong tanong kay Lynn. Napadaan kasi kami sa Gyeongbokgung at nakita ang mga kawal na nakalinya sa harap ng gusali. Ang gusaling iyon, doon ginaganap ang mga pagpupulong ng hari at ang mga mahahalagang opisyal. Malaki at malawak ang loob no'n at unang pasok pa lamang ay makikita kaagad ang trono ng hari na s'yang inuupuan nito. Minsan na akong nakapasok doon noong inutusan kaming dalhan ng tsaa ang hari.

Bumalik ang tingin ko sa mga kawal. Nakatayo lamang sila at hindi iniinda ang sikat ng araw. Sa harap nila ay nakatayo si Haring Sejoong habang nasa likod naman niya ang kaniyang kanang-kamay. Sa likod ng kanang-kamay ay makikita ang ilang ministro na tahimik na nakatayo. May isang lalaki naman ang tumayo sa gilid ng hari at kasulukuyang binabasa ang nakapaloob sa hawak niyang hanji.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Imperial ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon