Noong dumating na ang secretary ko ay binilin ko na sa kaniya ang lahat ng aasikasuhin kaya naman lumabas na ako.


"Tangina non, ipapahamak pa ata ako sa obsess niyang mapapang asawa." Bulong ko habang papunta sa office ko. noong naka pasok na ako ay nakita kong naroon si kuya Cedrik at umiinom ng kape.


Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang kamao niyang may bandage.



"Anong nangyare dito kuya?" Tanong ko 


"wala, napaaway lang ako." malamig niyang sabi



"Kanino kuya? Kay Reigner ba?" Tanong ko at napa tingin siya sa akin.


"Paano mo nalaman? Nag sumbong siya?" Mapakla niyang sabi at umiling ako


"Nakita ko ang mga bugbog niya kuya. Bakit mo ginawa yon?" Tanong ko sa kaniya.


"Hayaan mona yon, problema ko na yon okay! Wag kana mag alala don dahil niloko ka niya!" Sabi ni kuya at umiling iling ako.



"Hindi magugustuhan ni Chai kung malalaman niyang nag kaka ganyan ka." Sabi ko at tumingin siya



"What do you mean? May alam ka ba na hindi ko alam? Alyanna tell me! Nasaan si chai?" desperado niyang sabi.


"Wala akong alam kuya, sigurado lang ako na hindi niya magugustuhan na maging ganyan ka." Sabi ko at tumango siya.


"Ginawa ko lang naman yon kasi ayaw kong guluhin ka niya uli lalo na may mapapang asawa na siya!" Naka yuko nitong sabi sa akin.



"What do you mean?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya

"Pumunta siya sa akin at nag eskandalo na hindi ko raw sinabi sa kaniya na buhay ka. Para saan pa diba? Eh niloko ka na niya kaya hindi niya na pwedeng malaman na buhay ka kaya sa sobrang inis ko ay nasuntok ko siya!" Sabi niya at tumango tango pa ako.


"Hayaan mo na siya kuya, wala naman na akong pakelam lalo na off limits na siya." Sabi ko at tumango siya.


Mayroong kumatok sa aking pinto kaya naman tinignan namin iyon ni kuya cedrik.S


"Ah tita kayo ho pala!" Gulat kong sabi kay tita Chryssant na mommy ni Poula.


"Ah, kanina ko pa kasi hinahanap itong si Cedrik. Mayroon lang sana akong ipapasuyo sa kaniya kung pwede lang!" Sabi ni tita.


"Sige po tita upo po kayo at dito niyo nalang ho pag usapan!" Sabi ko kaya namantumayo na ako para pumunta sa sarili kong swivel chair.





"Cedrik iho, ipapasuyo kolang sana sayo si Poula. Nasa pampanga sya iho at may ipapapirma lang akong kontrata sa kaniya kaya gusto ko sanang ipasuyo sayo na ibigay mo sakaniya ang mga papeles na ito!" Sabi ni tita at nakaramdam ako ng kaba.



Paano kung makita ni kuya Cedrik si Chai doon??



"Ah wala pong problema tita, ngayon ko na rin po ibibigay dahil wala naman na ho akong gagawin niyan!" Sabi pa nito at tumayo.


"Salamat iho ah!" Sabi ni tita Chryssant at nag wave na saakin para maka alis.


"Sige na Alyanna, Punta na muna akong pampanga para puntahan si Poula!" Sabi niya at tumango ako.



Oras naman na rin siguro para mag ka alaman na, naaawa na ako kay kuya Cedrik na hindi niya man lang nakikita si Chai dahil tinago ni ate Poula.


Accidentally ko lang nalaman noong nag punta ako ng pampanga for business trip at binisita ko si Poula, nangako ako na hindi ako mag sasalita para sa safety ni Chai at ng anak nila ni kuya Cedrik.



Buong araw ay nag trabaho lang ako at noong lumabas ako ng office ay naroon na si Ivan para sa dinner namin.



"Oh paano mo napa oo?" Tanong ko sakaniya.


"Siyempre naman ang gwapo ko lang!!" Sabi niya pa. Nagulat ako na hindi man lang kami lumayo na restaurant at sa restaurant kopa talaga sa tapat lang ng hospital.


"Treat mo ako sa sarili kong restaurant eh noh!" Natatawa kong sabi at tumango siya.


Noong paupo na kami ay nagulat akong may humawak sa akin.



"Oh , what a coincidence!" Nagulat ako sa boses na iyon ni Kendra.




"Bakit hindi nalang tayo mag double date?" Tanong nito at kinukurot kurot kona si Ivan.



"Sure!" Sagot ni Ivan



"Hayaan mo na toh! Sakyan mo nalang para marealize nila na kaya mona talaga!" Sabi niya kaya naman umupo na kami. magkatabi kami at katapat namin ang dalawang jejemon.



Naiirita ako dahil katapat kopa talaga si Reigner, eww.



"Babe, cr lang ako noh!" sabi ni Kendra at tumango si Reigner


Umakbay sa akin si ivan at bumulong.



"Kapag ako nakita ni Sunshine mukhang bawas pogi points ako!" Bulong niya sa akin at tumango ako


"Lagot ka talaga naku!" Sabi ko pa at natawa siya.



"Pwede bang alisin mo ang kamay mo sa kaniya! bitawan mo siya." Nagulat ako sa malamig na boses na narinig at napa tingala ako at napa tingin kung kanino iyon nanggaling.


Galit at pait ang nababasa ko sa kaniyang mata at tinignan ko iyon ng masama.



Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now