Sa pag uusap naming dalawa ni sunshine ay marami akong na realize. tama siya , kaya ko toh at kakayanin ko dahil hindi nalang ito para sa akin, para narin ito sa anak ko.


"Paki asikaso yung function hall para sa darating na event in two months, gusto ni miss esguerra na maging perfect ang lahat kaya hanggat maaga ay gagawin na natin ng maganda ang trabaho. Ayoko na silang makita pa kaya mas okay na kung aayusin natin ang una at huli nating serbisyo sa kanila!" Sabi ko at tumango ang sekretarya ko.


May pumasok sa office ko kaya naman humarap ako sa pinto.


"Oh Ivan, anong ganap natin?" Tanong ko sa kaniya kaya naman lumapit siya sa akin at umupo sa upuan sa harap ng lamesa ko.



"Tulungan mo akong bumili ng mga pang surprise ko kay sunshine at patulong na ring mag organize ng villa. Kasama naman ang iba nating mga kaibigan sa pag aayos pero tayo na raw ang pumunta ng mall para bumili!" Sabi niya kaya naman sinara ko agad ang laptop ko.



"Hoy sige tara na! Excited talaga ako sa panliligaw mo kay Sunshine!! Grabe ka ah hindi mo na mapigilan! kilig na kilig ako kaya tutulungan kita diyan!" Sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya para mahila na siya palabas ng office ko.



Siya ang nag drive papunta ng mall at ako naman ay nag ce-cellphone lang.


Noong naka rating kami ng mall ay bumili kami ng color black and white na balloons, color black and white na mga pang design at iba pa. Halata naman sa kulay na paborito ni Sunshine ang itim at puti.


Noong nabili na namin lahat ng kailangan ay nag punta na kami kaagad sa villa kung saan namin ide-design lahat at kung saan niya isusurprise mamayang gabi si sunshine.


Nag tulong tulong kaming lahat na mag ka kaibigan para sa plano ni ivan, kami ni Janine ang nag ayos ng dinner table kung saan sila mag di dinner mamaya.


"Grabe alam mo ba , akala ko hindi makaka move on sayo yang kakambal ko!" Bulong sa akin ni Janine at nanlake ang mata ko.


"Huh anong move on?" Natatawa kong tanong sa kaniya.


"Halata namang may gusto siya sayo noon eh pero masyado kang bulag sa tatay ng anak mo kaya hindi mo na halata!" Sabi niya at tumango nalang ako.


Atleast naka move on na siya dahil hindi ko masusuklian ang pagmamahal na gugustuhin niyang ibigay sa akin.


Noong natapos ang pag dedesign namin ay umuwi narin kami kaagad dahil gusto ni Ivan na maging magical ang moment nilang dalawa.


"Mommy kailan po kayo mag ba bati ni daddy?" Nagulat ako sa tanong ng anak ko habang sinusuklayan ko ang kaniyang buhok bago matulog.


"Ah hindi ko alam eh anak, mag sleep kana!" Mabilisan kong pinuputol ang usapan kapag patungkol dito ang sinasabi niya.


"Mommy papatulugin niyo nalang po ba ako palagi tuwing tinatanong kopo sainyo ang daddy ko?" Seryoso niyang sabi at napa buntong hininga ako.


Ganitong ganito ako kay mommy dati noong tinago niya ako kay daddy pero iba toh eh, may iba ng mahal ang daddy ng anak ko at hindi ko iri-risk ang kasiyahan niya para lang sa saglitan na pagpapakilala. masasaktan lang ang anak ko kapag pinakilala ko siya at malaman niyang hindi naman kami mahal ng daddy niya.


"Sleep kana, bukas nalang natin pag usapan yan!" Sabi ko.


"Sure ka po ah! Bukas po!" Sabi niya at tumango ako.


Sabay kaming natulog ng anak ko at mag kayakap sa isat isa. Naging cycle na namin ang maagang pag gising at sabay na breakfast bago ko siya iwan kina mommy at magtungo na ako sa trabaho.


Gustong gusto siya nina mommy at daddy dahil kamukha ko raw, mabuti na yon atleast napaka ganda ng anak ko. HAHAHA CHZ.


Habang nasa office ay pumasok ang secretary ko at si kuya Cedrik na mayroong bandage ang kamao.


"Kuya anong?" Magsasalita na sana ako ngunit naputol ito dahil sa pag sasalita ng sekretarya ko.


"Ma'am parating ho sina mister Velez at miss Esguerra, may urgent daw ho!" Sabi nito at kumunot ang noo ko.


Kinuha ko ang coat ko dahil naka tube lamang ako dito sa loob ng opisina pero sa sobrang malas ko ay natapon ang kape ko rito dahil sumagi.


Naku! ang suot ko ngayon ay kulay itim na tube at puting pantalon. Bahala na hindi naman special ang mga pupunta.


"Kuya balikan kita ah!" Sabi ko at tumango siya.


Lumabas na ako para kitain ang mag jowang buang sa restaurant namin at wala pa sila kaya naman nauna na akong umupo sa VIP seats.


Noong narinig kong may pumasok na ay tumayo na ako para tignan sila.


Nagulat ako sa bugbog na mukha ni reigner at hindi na ako nagulat sa naka kapit sakaniya.


Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako na nakita kong bugbog sarado siya kaya pinagmasdan ko ang mukha niyang puno ng sugat ngunit mas nagulat ako na kanina pa niya ako pinagmamasdan.

Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now