"Sinong mas maganda saamin nung Kendra anak?" Tanong ko.


"Mommy hindi na po kailangan tanungin yan dahil kahit po naka pikit ako, ikaw po ang pinaka maganda!" Sabi ni Reign at nag thumbs up ako.


"Syempre anak kamukha kita kaya kung pretty si mommy, super pretty ka rin!" Sabi niya at tumango tango pa siya at niyakap ako.


Binasahan ko siya ng story book para maka tulog ng maayos. 


Maaga akong nagising dahil ngayon ang meeting ko kasama ang mag jowang bullshit sa buhay ko.


"Ang napili naming food sa engagement party namin is yung steak, cordon blew, pesto, roasted chicken and yung mga desserts ng restaurant niyo!" Nakangiti pang sabi ni Kendra habang hawak hawak ang kamay ni Reigner 



EWW ANG JEJEMON, AKALA MO NAMAN MAY MANG AAGAW PA DIYAN SA JOWA NIYA. KANYANG KANIYA NA.


"Yes po, noted na po misis." Naka ngiti kong sabi.



"Ui ikaw naman, halata bang mahal namin ang isat isa?" Tanong niya pa sa akin at tumango ako.


"Yes po, sobrang nakakakilig nga kayo eh parang mahal na mahal niyo talaga ang bawat isa!" Plastik ko pang sabi sakaniya at nahuli ko ang pagka titig sa akin ni Reigner


"Kamukha at kapangalan mo yung friend ni hubby ko kaso patay nayon eh!" Sabi niya pa at kumulo ka agad ang dugo ko.


Dumating si ivan na gulat na gulat ang mata at lumapit sa akin para i beso ako.


"Babe, hindi mo naman sinabing may ginagawa ka!" Sabi niya pa sa akin.


"Sorry babe, tulog ka na kasi kagabi at ayaw ko namang gisingin ka!" Sabi ko at tumango siya.


"Balik nalang ako mamaya noh!" Sabi niya at tumango ako.


"I love you, babe!" Sabi niya at nag thumbs up ako.


Umupo na ako ulit at tingin na tingin ang dalawang mag jowa sa akin.


ako:


shet ivan , thank you! hindi na talaga ako mag ka hinga sa dalawang jejemon na toh!



ivan:


i got you! basta tulungan moko kay sunshine!


ako:


okay , ako bahala!



binaba ko ang cellphone ko ng nakangiti dahil kinikilig ako na nagkaka gustuhan ang dalawang kaibigan ko.


"So saan na nga po tayo uli? Sorry po yung boyfriend ko hindi nag pa sabi na pupunta!" Pagsisinungaling kopa.


"Sabi ko kamukha mo si Alyanna!" Sabi pa ni Kendra.


"I am Alyanna miss Kendra!" Sabi ko.


"So hindi ka namatay? That's great, buti naman hindi ka na nanggulo sa amin ni Reigner ko!" Sabi niya pa.


TANGINA NATAUHAN NA AKO, AYAW KO SA LALAKENG AALIS BIGLA DAHIL LANG WALA YUNG GIRL FRIEND.


"Ohh gulat ka ba? Tapusin na natin ang mga away sa past dahil parehas naman na tayong masasaya!" Plastik kong sabi sa kaniya at ngumiti siya.



"Kung sanang ganiyan kana una palang diba edi sana wala na tayong naging problema! and by the way nag jo-joke lang ako nung sinabi kong nag sex kami tas tumawag ka pero nung nawala ka naman na ginawa na talaga namin!" Sabi ni Kendra. 


Alam ko namang hindi niya gagawin saakin yon kaya nga dapat pupunta ako sakaniya eh kaso nga lang ang malas ko lang at na kidnap ako...Alam kong planado ang lahat at malapit konang malaman kung sino sino kayo.


"Ah yun ba? happy ako para sa inyo, sana after namin mag cater sa engagement party niyo next next month ay wag na kayong mag papakita sa akin!" Diretso kong sabi.


"Oo naman, lalayo naman na kami dito kasama ang baby namin eh!" Sabi niya pa at nanghihina na ako dahil nahihirapan akong huminga.



Tinignan ko si Reigner na kanina pa naka tingin sa akin na may malungkot na mata, nginitian ko siya ng mapait at umalis na ako sa harap nila.



Tangina bakit kailangan pa nila pumasok uli sa buhay ko at guluhin ng ganito.

Gone with the Wind (Diary Series 8)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz