Si kuya Cedrik talaga ang likas na kaya akong intindihin dahil alam kong alam niya kung ano ang nararamdaman ko.



"Ito oh, uminom ka na kasi sabay pa tayong babalik sa resort." Sabi niya at tumango ako.



Sumakay ako sa kotse ni Kuya Cedrik para maka punta na sa resort. Habang nag lalakad kami papasok ay nakita namin si Shan at Cherry na magka holding hands.



Buti pa ang dalawang toh, walang problema.



"Hui, tama na harutan!" Natatawang biro ni kuya Cedrik sa dalawa at kumunot ang noo nila.



"Mag kasama lang pala kayo! Kanina pa nababaliw si Harvin kakahanap sayo!" Si Cherry.




"Yeah right na mayroong mga pulis doon ngayon sa sobrang OA niya." Si Shan.



Nag ka tinginan kami ni kuya Cedrik at tumakbo na ako paalis para puntahan ang villa naming dalawa ni Harvin.



Nakakita ako ng mga pulis doon at nanlake ang mata ko dahil naroon na si Kendra kausap ang mga pulis.



"Ayon na siya oh!! Kaya wag nga kayong OA dahil hindi pa naman ako baliw para ipa kidnap yang malandi na yan!" Sigaw ni Kendra kaya naman nakita ako ni Harvin at nagulat ako sa pag talon niya sa teresa ng villa at tumakbo papunta sa akin para mayakap ako.




"Akala ko iniwan mo na ako ulit." Nanginginig na sabi ni Harvin habang yakap yakap ako at nanginginig ang kaniyang buong katawan.



"Hindi kita iiwan, nag punta lang ako kay kuya Cedrik " sabi ko at tumango siya.




"Wag mong sasaktan yang pinsan ko Harvin dahil ako ang makakalaban mo kung sakali." Sabi ni kuya at tumango si Harvin.



Nag lakad kami papunta sa villa.



"Bakit ka ba kasi nandito Kendra?" Sinubukan kong hindi ipahalata ang kaba ko.



"May sasabihin lang ako saglit kay Harvin , masyado ka namang takot na iwan ka niya eh! At hello hindi ko naman kayo guguluhin dahil nandito rin ang best friend kong si Cindy kaya hindi ko isisiksik sainyo itong gorgeous sexy body ko!" Sabi niya pa



Ah kaya pala parehas kayong buang, mag kaibigan kayo.



"Ano ba ang sasabihin mo?" Malamig na tanong ni Harvin kay Kendra.



"Mag pakita kana dahil ang mommy mo inatake sa puso. Kailangan ka ni Tita Hanna , hinahanap ka niya at sa akin ka niya pinahanap." Sabi ni Kendra at nakita ko ang bakas ng pag aalala sa mga mata ni Harvin.



"Paanong, anong nangyare?" Nag aalala niyang tanong.



"Bigla bigla kang umaalis sa family dinner niyo tapos tatanongin mo kung bakit hindi aatakihin? Tapos isang buwan kang hindi makita?" Pabalang na sagot ni Kendra.


"Sino ba ang gugustuhing makinig sa family dinner kung pag papakasal mo saakin ang usapan?" Sabi ni Harvin at doon talaga ako napa nganga sa gulat.



Ipinapa kasal silang dalawa.



Umalis din kaagad si Kendra at pumasok na kami sa villa.



"Harvin , puntahan mo ang mommy mo." Ako na ang nag umpisa ng usapan dahil nakikita ko ang alala sa mata ni Harvin.




"Ayoko, iiwan mo ako kapag umalis ako sa tabi mo " sabi niya.



"Ganon ba ang tingin mo sa akin? Mahal kita okay! Hindi kita iiwan. Kailangan ka ng mommy mo ngayon." Sabi ko at tumango siya.




"Pupunta lang ako kung sasama ka sa akin sa Manila , tayong dalawa ang bibisita at ipapakilala kita sa kanila." Sabi niya at tumango ako.



Nag impake kaming dalawa para maka byahe patungong manila.


Papasok na kami ng ospital dala dala ang mga prutas at bulaklak na ibibigay namin kay tita.



Pumasok kami at nakita naming naroon si Kendra at inaasikaso si tita.


Hindi ko alam kung bakit naka ramdam ako ng kirot na nakikita kong masaya at naka ngiti ang ina ni Harvin habang inaasikaso ito ni Kendra.


"Mommy!" Tawag ni Harvin at niyakap ito ng kaniyang ina.


Si Kendra na naka ngiti sa kanila pero bakas ang iritasyon sa presensya ko.



"Mommy si-"



"Wag mo na siyang ipakilala sa akin dahil ayaw ko siyang makilala." Sabi ng ina ni Harvin at nakaramdam na ako ng sakit



"Girlfriend ko po si Alyanna." Sabi ni Harvin na ikinagulat ko.



"Oh yeah yeah flavor of the month! I know you son , hindi ka nag stay dahil kay Kendra dear ka parin naman uuwi." Sabi ni tita Hanna at hinawakan pa ang kamay ni Kendra.


"Si Tita talaga!" Nakangiti pang sabi ni Kendra.



"Stop the bullshit mother!" Si Harvin.




"What bullshit? Ayaw mo bang malaman niya na kapag nakuha mo na ang virginity niya ay iiwan mo na siya? Na hindi ka umuulit makipag sex unless its Kendra?" Natatawa pang sabi ni tita Hanna at nakita ko na ang iritasyon sa mukha ni Harvin.



"Tita, tama na po. Naririnig po kayo ni Alyanna." Sabi pa ni Kendra



"It's okay dear, pinaparinig ko talaga sa kaniya." Sabi ng ina nito.



"Mommy tama na , aalis kami kung hindi kayo titigil!" Sigaw ni Harvin.


"Araw-araw non naririnig kong may ungol sa room mo anak,making babies huh? And naalala mo nung nahuli kong naka kandong sayo si Kendra and you two were kissing wildly. Oh Ghosh." Si tita


At hinila na ako ni Harvin para umalis.


"Son, saan ka pupunta?" Nagulat kami sa ama ni Harvin.



"Aalis na po kami." Malamig niyang sabi habang mahigpit na hawak ang kamay ko.


Kanina pa ako naka yuko dahil ayaw kong mabasa nila ang ekspresyon kong sawing sawi , kanina pa masakit ang puso ko pero hindi ito ang oras para masaktan at umiyak ako. Kailangan ni Harvin ng oras sa mga magulang niya at hindi pwedeng umepal ako, ayaw na nga sa akin baka lalo pa akong ayawan kung eepal ako.


Kinausap saglit ni Harvin ang ama kaya naiwan ako sa loob kasama si Kendra at tita Hanna.



"Didiretsuhin na kita iha." Nag salita si tita Hanna at tumingin ako sakaniya.



Ngayon lang ako naka kita ng matang naka tingin sa akin na para bang kinadidirian ako at kinamumuhian.



Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman.


Akala ko magugustuhan ako ng lahat , akala ko mabuti naman ang ugali ko para mahalin ng iba, at akala ko sapat ako bilang isang tao na nagpapaka tutuo sa sarili para magustuhan ng ibang tao ang tunay na ako pero mali ako dahil ito ako ngayon. Nakatayo sa harap ng nga taong kinamumuhian ako at kung ituring ako ay parang isang daga.



"Hindi kita gusto para sa anak ko, at hinding hindi kita magugustuhan." Sabi ni tita Hanna at kumawala na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan na tumulo.

Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now