Tumikhim ako. "Door." Tinuro ko ang pinto. "Please open open because I'm hungry." Nagpa-cute ako ulit. "Please?"

Tumaas naman ang isang sulok ng labi niya at umupo. Bakit kahit nakaupo siya ay mukha pa rin siyang higante?

"I can eat fox meat." Nanlaki ang mata ko.

"Ho-hoy! Akala mo ba magandang biro 'yan?!"

"You look tasty."

"Ahhh!! Lana!" Naiiyak kong sigaw.

"Fei?! Anong nangyayari?!" Finally!

"Help! Kreyos is going to kill me!"

"Uh..." Ano?! Waaah!

"Lana!"

"Sorry baby Fei." Taksil!

"Ok fine! Let's have a deal!" Buong tapang kong hinarap si Kreyos. " I-"

"No deal." Hayop wala pa nga!

"Kapag pinagpatuloy mo pa 'to sasama ako kay Quinn." Siya 'yung school President dito at mas magiging maganda ang buhay ko sa kanya.

"As if." Napasimangot ako.

"Bubuksan lang kasi ang pinto e!" Inis kong pinadyak ang paa ko.

"Pfft. Fine." Binuksan na ni Kreyos ang pinto kaya dali-dali akong tumakbo palabas.

"Oh! Buhay si Fei!" natatawang sabi ni Mira kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Are you okay?" Mabilis akong lumayo kay Lana ng akma niya akong bubuhatin.

"Don't touch me, I'm gold." Inirapan ko ito bago tumungo sa maliit na plato.

May laman itong steak, bacon at sa tingin ko ay lettuce. Buti naman at nilagyan na nila ang pinggan ko.

Hinintay naman namin si Kreyos na lumabas. Tsk, pa importante.

Paglabas ni Kreyos ay nakasuot ito ng plain gray shirt at short. Basa pa ang buhok nito at may nakasabit na tuwalya sa leeg. Dumako ang tingin nito sa 'kin kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

"Okay, what happend between you two?" natatawang ytanong ni Nana.

Walang sumagot saamin kaya napagdesisyunan nilang kumain muna bago mag usap-usap. Mabilis natapos ang pagkain namin at lahat sila ay nagtipon sa sala.

"Jack," tawag ni Kreyos kay Jack kaya napatingin kami sa kanya.

Teka, bakit ang seryoso nila ngayon?

Iniabot ni Jack ang isang folder kay Kreyos kaya bahagya kong sinilip 'yon pero hindi ko makita. Ang taas naman kasi masyado.

"Three high ranked monster?" kunot-noong tanong ni Kreyos at inilipat tinignan ang isang papel.

"Yes. Ayon kay head master, mukhang kinuha nila ang pagkakataon na wala tayo rito," sabi ni Jack.

"How come? I mean, I am sure our school barrier is strong," takang sabi ni Mira.

Umiling naman si Luca. "It's been a thousand year since the Goddess casted the barrier. Sa paulit-ulit na pag atake ng mga kalaban ay sa tingin ko ay humihina na 'to."

"And maybe there's a traitor," sabi naman ni Nana.

Napahinga na lang ako ng malalim. Wala akong alam sa pinag uusapan nila.

"Napakadaming estudyante sa paaralang 'to, paano natin mahahanap 'yon?" Mira.

"For now, we need to go to Kreyos's palace to ask the Queen and King to put some barrier. Hindi man ito kasing lakas kagaya sa binigay ng Diyosa, makakatulong din 'yon para kahit papaano ay mapigilan ang mga halimaw sa pagpasok," sabi ni George na sinangayunan naman nila.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Where stories live. Discover now