"Mag iingat ka Alyanna ah!!" Sabi niya bago pumasok ng kotse.


"Oo alam ko!! Stay healthy ahh!!" Sigaw ko at tumango siya.


Kumaway kaway pa ako sa kaniya kahit naka alis na siya. Pumasok na ako ng building dahil tapos na ang lunch break namin.


"Uy Alyanna , sino yung lalakeng kasama mo kanina?? Ang gwapo ah!" sabi pa ni Kathleen sa akin at tumango tango ako


"Siyempre walang panget sa lahi namin noh!" Sabi ko pa at nanlake ang mata niya.


"Don't tell me ikaw ang babaeng anak ng mga Esguerra?" Gulat na gulat na tanong ni Kathleen sa akin.


"Sige hindi ko sasabihin!" Sabi ko at nanlake ang kaniyang mga mata.


"Grabe Alyanna sobrang yaman ng pamilya mo tapos dito ka nag tatrabaho bilang janitress??" Tanong sa akin ni Kathleen.


"Diba sabi ko naman sayo, may kailangan lang ako gawin dito dahil ayaw kong manghinayang sa huli!" Sabi ko sakaniya at tulala parin siya mukhang hindi maka paniwala.


"Ah so crush na crush mo lang talaga si sir Reigner kaya nag trabaho ka dito? Nag paalam ka ba?" Tanong niya pa.


"Yun lang talaga ang dahilan ng pag ta trabaho ko, hindi ako nag paalam kaya nga gulat na gulat din si kuya sa akin!" Sabi ko pa.


"Secret ba ito?" Tanong niya at tumango ako.


Nagulat ako noong biglang may nag lalakad papasok ng building at kilala ko yon.


Tumalikod ako para hindi makita pero mukhang nakita ako.


"Ate!" Narinig ko ang boses ni Sandro at humarap na ako.


"Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko .


"Sinabi ni kuya Cedrik , ano pa ba? Nandito rin ako kanina pero hindi kita napansin! Ate alam mo magagalit talaga sayo si daddy kapag nalaman niya kung ano ang trabaho mo!!" Sabi niya pa pero niyakap niya rin naman ako.


"Wag kanalang mag sumbong! Tutuo naman yung sinabi ko na may tinatrabaho ako dito diba!" Sabi ko.


"Ate umuwi kana kasi! yung crush mo lang naman dahilan bakit ka andito eh!" Sabi niya pa.


"Nako miss mo lang ako baby bro eh!" Sabi ko at tumango siya.


"Hayaan mo dalawang linggo nalang naman tapos babalik nako tutal napansin naman na ako ng crush ko eh yun lang naman ang gusto kong mangyare!" Sabi ko pa.


"Sige ah ate sabi mo yan!! Miss kana ni daddy at mommy kaya tumawag ka pagka uwi!! Aalis narin ako kasi may pupuntahan pa akong party ng kaibigan, dinaanan lang kita kasi miss na kita". Sabi niya pa at tumango ako.


"Love you baby bro! mag ingat ka sa daan ah!!" Sigaw ko at tumango siya.



"Ayon yung kapatid mo 'diba?" Tanong ni Kathleen at tumango ako.



Nag simula na kaming nag trabaho at buong araw nag focus sa ginagawa. Medyo nanibago ako dahil hindi ako pinapunta ngayon ni sir harvin sa opisina niya para mag linis.



Umakyat na ako dahil 6 na , nag ba-baka sakali na naroon pa si sir at nag tatrabaho.



Naka ilang katok na ako pero wala paring sumasagot kaya pumasok na ako, siguro umalis na siya dahil nakakapagod naman talaga ang araw na ito para sa kaniya.


Pag ka pasok ko ay nagulat ako na medyo amoy alak kaya naman niligpit ko iyon, nag mop ako habang naka tingin sa imahe ni sir Harvin na natutulog dahil sa kalasingan.


Paano kaya toh makakauwi? O dito nalang siya matutulog sa kuwarto niya sa opisina?


Noong natapos na akong mag mop ay lumapit ako sakaniya at tinignan ang seryoso niyang mukha habang tulog.


"Ang gwapo gwapo mo talaga noh!" Bulong ko at nagulat ako noong dumilat siya.



"Akala ko ako na tapos may iba naman pala. Alam mo? paasa ka." Nagulat ako sa biglaan niyang sabi at nakatulog na uli.


Parang tambol ang puso ko sa sobrang bilis ng mga tibok nito at sigurado akong dahil yun sa mga sinabi niya bago tuluyang maka tulog muli.

Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now