"Oh Kathleen hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kaniya.


"Dito ako natutulog eh, wala akong pera para sa apartment!" Sabi niya at nagulat ako roon.


"Pero diba matagal ka na dito?" Tanong ko sa kaniya at tumango siya.


"Bakit hindi ka pa nakaipon pang apartment?" Sinsero kong tanong sa kaniya.


"Tinapos ko muna kasi ang pag aaral ko kaya baka after niyan ng sweldo ay maghanap na ako ng matutuluyan sabi niya!" Nakayuko na siya sa akin mukhang nahihiya siya.


"Puwede bang kunin mo na ang lahat ng gamit mo?" Sabi ko sakaniya at nag angat siya ng tingin sa akin.


"Huh bakit?" Tanong niya sa akin.


"Saakin kana tumira!" Pagka sabi ko noon ay nanlake ang mata ni Kathleen.


"Pero Alyanna! hindi mo pa ako ganon ka kilala!" Sabi niya.


"At ako rin, hindi mo rin ako ganon ka kilala. Mag tiwala ka nalang, may bahay naman ako pero maliit nga lang. Sa sala ka nalang matulog, may sofa naman ako doon!" Sabi ko at ngumiti siyang tumango sa akin.


Tinulungan ko siyang dalhin ang mga damit niya at pumunta na kami sa apartment ko.


"Ang lake naman ng apartment mo!" Mangha niyang sabi sa akin, ngi eh maliit nga lang kaya nga ito ang binili ko para hindi mukhang may kaya ako.





"Hindi naman, diyan ka nalang sa sala. Meron akong extra bed kaya ilalabas ko para sayo!" Sabi ko at niyakap niya ako bilang pasasalamat.


Naalala ko si Charibelle sa kaniya kaya tinulungan kona agad. 


Maaga kaming nag pahinga dahil maaga ang aming trabaho kinabukasan.


Sa loob ng isang linggo ay hindi ko man lang nakikita si sir Reigner dahil sa set up, medyo naiinis ako pero okay lang.  Ako naman ang nagka gusto kaya hindi niya naman kailangan tugunan yon.


Ako ang nagka gusto, ako ang na fall at ako lang ang humahanga kaya hindi niya responsibilidad na ibalik sa akin ang nararamdaman ko dahil sa una palang ako lang naman ang nagka gusto hindi siya.


"Teka Alyanna, bakit nga pala isang buwan ka lang mag tatrabaho?" Tanong sa akin ni Kathleen habang nag mo mop sa floor ni sir Reigner.


"Ah kasi aalis na rin ako after isang buwan." Sabi ko at lumungkot ang itsura niya.


Isa-sama nalang ata kita don eh!! Lagot kasi ako kay mommy kapag nalaman niyang nag tatrabaho ako dahil lang sa crush ko!


"Huh saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.


"Sa malayo, nag trabaho lang naman ako dito para wala akong pagsisihan sa buhay ko!" Nakangiti kong sabi.


"Pina pa lungkot mo ako Alyanna!" Sabi niya at ngumiti nalang ako.


Nauna na siyang bumaba sa akin dahil kailangan kopang linisin ang office ni sir Reigner, pagka pasok ko ay nagulat ako noong napaka kalat doon. Ang dami namang papel!!


"Jusko makaka uwi pa ba ako sa kalat dito!! Nakakairita naman!" Reklamo kopa at sinimulan konang pulutin ang kalat na papel sa sahig.


"Okay pa sana sa akin kung nandito naman siya pero wala naman kaya hindi ako inspired sa paglilinis!" Bulong bulong kopa at nagulat ako noong nag vibrate ang cellphone ko kaya naman kinuha ko agad yon.


HALA MAY IG STORY UPDATE SIYA !! OMG KILIG!!


Nagulat ako na yung ig story niya ay huh?? Itong floor na toh kung saan kami unang nagkita?? minsan ang weird na talaga ng mga ina ig story ng crush ko! Makabalik trabaho na nga, mamaya nako kikiligin!


"Sinong nag sabi sayo na puwede mag cellphone sa trabaho?" Nagulat ako sa baritonong boses na iyon at nanghihina akong napa tingin kung saan ko narinig ang malamig na boses.


"hehehe!" iyon nalang ang nasabi ko habang naka peace sign pero si sir Reigner ay masama parin ang tingin.


Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now