13. Between Light and Dark

98.9K 3.4K 278
                                    

I didn't expect it to be quick and so did Laurent. Ang lalaking nagpakilalang Alvis is undeniably my abductor. Siyang siya nga ang dumakip saakin noong gabing yun. He revealed hinself but he remained mysterious.

"Ba't parang napabilis ang pagpapakita mo?" Laurent questioned Alvis. It sounded like a warning. Yung tipong magkamali lang ng sagot ang estranghero ay ipapalapa nito sa halimaw ang kausap.

Nagpabalikbalik ang tingin ko sa dalawa. Isang halatang nagpipigil at isang kampante na nakangiti.

"Nalaman kong hinahanap niyo ko kahit noong isang araw pa. Lady Moondane told me. Kaya minabuti kong magpakilala." He assured with a smile that sealed all the doubts.

Nagpabalik-balik uli ang tingin ko sa dalawa. Mahinahon lang si Alvis at halatang nagpipigil si Laurent. Total opposite.

"Lara, why don't you ask him?" Laurent plainly said. Tila isa yung wake up call na kailangan ko palang tanungin so Alvis tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pagkakadukot ko. Nailang pa akong tumungin sa estranghero. But I tried to deliver, "B-bakit mo ako dinukot? Gayong hindi ako kasama sa listahan?"

Biglang sumeryoso ang kanina'y maaliwalas na itsura ng lalaki. Hinawi pa nito ang nakawalang hibla ng buhok sa pisngi. Tumikhim ito bago nagsalita. "Nasa listahan ka. Kasunod ni Cael. Tingin ko alam niyo na spell protected ang royal scroll sa archive. That' something I no longer know. Hindi ko na yun kontrolado. At kung alam ko man, tungkulin kong tuparin ang sinumpaan ko sa kapitolyo."

"May alam ka?" Bahagyang tumaas ang boses no Laurent.

"Ang pagkakaalam ko, kailangan mong madala dito para maligtas sa kapahamakan. Pero wala na ako sa posisyon Lara na magkwento ng tungkol diyan. Hahayaan ko nang si Master Uran ang magsabi sayo kung ano ang mga nangyayari. Nasa kanya ang lahat ng kasagutan." Alvis said calmly.

Marahil ay tama nga si Alvis. May mga bagay na hindi niya kontrolado at sumusunod lamang ito sa utos ng nakakataas. Nauunawaan ko ito, kahit kami ma'y magiging ganun din ang kalagayan dahil nasa poder na kami ng kapitolyo. Wala kaming karapatang sumuway sa mga sagradong utos.

"Pa'no ba yan, mauna na ako." Pamamaalan ng arkanghel. Nakailang hakbang na ito palayo nang tumigil ito at lumingon sa kinalalagyan namin. Hinangin pa ang lagpas balikat nitong buhok. "Lara, kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako. Nasa initiates section lang ako ng house of draco. It's my pleasure to finally meet you... awake" Yun lang at umalis na ito.

Hindi ako nakakibo pati si Laurent. Hanggang sa tuluyan na itong makalayo. Tinatahak nito ang kahabaan ng road of moondane nang makita namin ang tumatakbong bulto ng isang babae at isang lalaki. Nang makalapit ito'y napagtanto naming si Amber ito at marahil ay isang bagong kaibigan. Mabilis na nakarating sa kinalalagyan namin ang dalawa.

"Lara... Laurent, sino 'yon?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang nakasalubong na si Alvis bilang pambungad habang hinahabol ang paghinga. Hinihingal din ang kasama nitong lalaki. Puti rin ang buhok nito at asul ang mga mata. Parang lalaking bersyon lang ni Amber. Marahil ay napansin ni Amber ang nagtatakang tanong namin dahil sa kasama nitong lalaki kaya nagboluntaryo na itong ipakilala siya. Huminga pa ito ng malalim. "Ahh guys, this is Silex, apprentice from house of monceros taga Westeros din siya obviuosly. Kasama ko siya kanina nang may narinig kami sa may bulwagan ng monceros."

Nagkatinginan kami ni Laurent bago ako nagsalita. "A-anong narinig mo?"
Nagsalita so Silex nang pandilatan siya ni Amber. "Nag-uusap si Phobus, ang head namin at si Master Uran kasama si Mistress Fhaun. May pinag-uusapan sila tungkol sa natutulog na enerhiya sa katawan mo Lara."

"Guys, Silex said na spell protected and area kung saan sila nag-uusap usap. Wala ni isa ang makarinig maliban sa kanya." Paliwanag ni Amber.

"H-how is that possible?" I asked.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon