13. Between Light and Dark

Start from the beginning
                                    

"Silex is an earth keeper. He's a shape shifter or an animorph. Whatever! May kakayahan siyang magbago ng anyo sa kahit na anong uri ng hayop. At dahil curious siya kagaya ko, he transformed into a mole rat and went underneath the circled ground where the three were talking. Marahil ay sa tao lang ang spell na nagawa ni Mistress Fhaun kaya Silex was able to hear them."

"Kailangan daw munang mangyari ang dapat mangyari Lara bago mo malaman kung bakit ka narito. At sa tingin ko'y ang paggising sa natutulog na enerhiya sa iyong katawan ang tinutukoy nila. 'We need to protect Lara and keep her here' narinig ko pang sabi ni Mistress Fhaun." Silex narrated.

"Protect me from what?" Naguguluhan kong sagot.

"Lara, hindi kaya may kinalaman ito sa nangyari nung selection? Hindi kaya pilit kumakawala ng enerhiya diyan sa katawan mo kaya ka nahirapan? Hindi kaya kailangang magising niyan para masagot ang mga katanungan mo?" Amber asked constantly.

A long period of silence. Then...

"Isa lang ang tanging solusyon diyan." Dinig kong sabi ni Laurent mula sa aking likuran. "Kung hinihintay nilang magising ang natutulog na enerhiya sa katawan mo, gigisingin natin."

Nagulat kami sa sinabi ng lalaki. Hindi ako handa sa sasabihin nito pero pinilit ko paring tanungin. "Sa papanong paraan?"

"Kailangan nating bumalik sa Garon."
Pati si Amber at Silex ay nagulat din. Agad namang nakabawi ang dalawa pero ako'y kinilabutan uli. Ang Garon ang pinakahuling lugar na gusto kong balikan.

"Sasama ako!" Parang naexcite pa si Amber. Umandar na naman ang pagiging weirdo nito.

"Ako rin. Ilang taon na rin nang huli kong makita ang Garon." Si Silex na isa rin palang weirdo.

Mukhang napagtutulungan ako. Pero ayoko na talagang bumalik sa isang bangungot. "Nababaliw na kayo!" Maktol ko sabay lakad pauwi. Nangalahati ako ng lakad sa mahabang kalye nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Laurent sa aking kaliwang balikat. Napatigil ako sa paglalakad. I heard Amber and Silex's footsteps too.

"Lara," I heard Amber, "this is the only way para malaman mo ang kasagutan. Hindi pwedeng mabuhay ka ng may mga nakatagong bahagi ng pagkatao mo."

"Gusto mo ba o hindi?" Laurent half-whispered. Ramdam ko yung gigil niya. Nahinuha kong nakabusangot na naman ito sa gigil.

"Pag-iisipan ko." I answered without looking back. Nang maramdaman kong tinanggal na ng lalaki ang palad nito sa aking balikat ay nagpatuloy na ako sa paglalakad para umuwi. It's been a long day at masyadomg marami nang nangyari sa araw na 'to.

Dapit hapon na nang makatulog ako. It was indeed a deep sleep. Napanaginipan ko pa ang nasusunog maming bahay, ang aking ina't ama pati ang kapatid kong si Cael. Tila hunihingi ang mga ito ng saklolo habang ako'y tumatakbo palayo sa mga kawal. Mabilis ang pagtibok ng puso ko habang habol-habol ko amg paghinga. Kumaripas ako ng takbo pero tila hindi ako makaalis sa lugar. Tila hinihila ako ng lupa. Nagsisisigaw ako pero walang lumalabas sa bibig ko. Pinilit kong sumigaw uli pero wala talagang lumalabas. Nadapa ako... hanggang ss may magliwanag sa aking harapan. Isang liwanag na bigla na lang umusbong mula sa kawalan.

"Lara... kunin mo 'to. Lara!" tawag saakin ng isang babaeng kumikinang dahil sa golden dust na pumapalibot dito. May binibigay itong lumang libro saakin. Napansin kong hindi ito nakaapak sa paa. Nakadamit ito ng puti na lumilipad ang laylayan sa ere. May hawak itong gintong sibat na pinapalibutan ng mga hibla ng kidlat.

"S-sino ka?" Sa wakas ay may lumabas na boses sa bibig ko.

Hindi ito sumagot.

"Sinoka?" Sigaw ko pa. Inulit-ulit ko yung ganong ng pagkalakas-lakas. Hanggang sa maalimpungatan akong nagsisisigaw. Nasa loob lang pala ako ng silid, tagatak ang pawis at hinahabol ang paghinga. Nakailang buga ako ng hangin bago kumalma ng konti.

Nagdesisyon akong magpahangin sa labas ng draco. Maganda ang tanawin sa hardin at maliwanag doon kahit malalim na ang gabi. Suot ko ang kulay abong roba na binigay ng academy. Paglabas ko ng gusali ay humampas pa sa buo kong katawan ang malamig na hangin. Tinangay nito ang nakalugay kong buhok. Tanging ang mga kulisap na lamang ang naririnig sa buong paligid. Nakakapangulila ang mga awitin nito na siyang nagsilbi kong musika maliban sa boses ng ina ko bago ako matulig sa gabi. Naalala ko na naman ang aking ina. Napahinga ako ng malalim at kasunog nun ang pag-exhale ko rin ng malalim bago naupo sa bench malapit sa isang malaking puno.

"Ang lalim ng pinaghuhugutan mo..." biglang singit ng isang boses mula sa aking likuran. Si Alvis, na nakasuot din ng pantulog. Napakaaliwalas paring tignan ng itsura nito kahit na ilang bahagi lang ng mukha nito ang tinatamaan ng liwanag mula sa buwan dahil sa mga punong nakaharang. Umupo ito sa tabi ko pagkatapos magpasintabi.

Ngumiti lang ako.

"Malalim na ang gabi... madami ka sigurong iniisip." Simula nito.

"Medyo." Tipid kong sagot.

"Huwag muna nating pag-usapan yan para mapanatag ka kahit saglit lang. Ipagpasabukas mo na... Everybody deserves a peaceful night." Gently he delivered. Tila pulitiko ito na marunong makisama at kumuha ng kiliti ng publiko.

"Sabagay tama ka."

Awkward silence.

"I'm sorry." Dinig kong sabi ng lalaki.

"Para saan?"

"Malakas yata yung pagkakabagsak ko sayo nung dinukot kita."

Natawa ako ng bahagya. Naalala ko nung magising ako dahil sa pagkakabagsak ko mula sa ere. "Medyo. You owe me one."

Natawa naman ang lalaki. Parang napakanatural dito ang tumawa at ngumiti. Isa nga siyang anghel. "Yeah I owe you one."

Makwento si Alvis. Maingat sa mga salita pero nandoon parin yung humor habang nagsasalita. Marami kaming napag-usapan. Kung dati'y isa siyang estranghero, ngayo'y isa na siya sa mga tinuturing kong kaibigan.

Pabalik na kami sa house of draco habang masayang nagkukwentuhan. Pagkapasok na pagkapasok namin sa pintuan ay napansin namin bukas ang cafeteria. Ito kasi ang nasa bungad pagkatapos ngs lobby. Mula sa lobby ay makikita mo ang kabuuan ng cafeteria.
"Gusto mo maggatas para mahimbing anb tulog mo?" Maginoong tanong saakin ni Alvis nang mapansing bukas ang cafeteria.

Tumango ako at sumunod sa kanya nang nagpatuloy ito patungong doon. Pumasok kami sa cafeteria. Hindi ko inaasahang makikita ko dun si Laurent na umiinom ng tsaa. Mabilis lang ako nitong pinasadahan bago bumalik ang tingin sa iniinom. Marahil ay nasa gana na naman itong magsungit.

"Laurent..." bati ko sa lalaki pero hindi ako nito pinansin. Nag-iinit naman ng tubig si Alvis para sa gatas. Self service kasi sa cafeteria at bawal ang magic. Kahit papano'y gusto ng pamunuan ng academy na maging normal parin ang pamumuhah ng mga estudyante sa mga lugar na hindi kailangan ng magic.

"Lara, here's your glass of milk." Si Alvis na may dalang dalawang baso ng gatas. Naupo ito sa harap ko.

Napansin ko ang biglaang pagtayo ni Laurent. Akmaang aalis na ito.

"Thank you..." mahina kong sagot sa kaharap.

Bago pa makalagpas sa kinauupuan namin ay nag-iwan ng isang bilin ang nagsusungit na si Laurent. "Inumin mo lahat ng gatas na yan. Pero siguraduhin mong gising ka ng alas kwatro dahil maaga tayong aalis."

Yun lang at umalis na ito nang hindi pa inaantay ang sagot ko. Nagdesisyon na siya para saakin. Babalik kami sa Garon Forest!

###

The Keepers [TKS#1]Where stories live. Discover now