Prologue

19.4K 230 34
                                    

"Ma'am alyanna, saan po yung order na toh?" Tanong sa akin ng isa sa mga kasama ko.


"Sa may cg village number 24," sigaw ko at tumango naman ito para ihatid na ang order.


Lumabas na ako at pumunta sa vip room ng restaurant kung saan naroon ang mga kaibigan ko.


"So hindi mo pa nga nakikita si Chai? It's been 7 years kuya ced pero siya parin talaga?" tanong ni janine kay kuya cedrik.


"Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko! Ang hirap hanapin ng ayaw mag pakita," malungkot na sabi ni kuya Cedrik at biglang pumasok si Poula na kakarating lang.


"Anong pinag uusapan ninyo?" tanong ni Poula saamin.


"Ah si Chai, hinahanap parin pala siya ni kuya Cedrik." Sabi naman ni ivan, ang kakambal ni Janine.


Hindi pinansin ni Poula ang sinabi at umupo lamang.


"Bakit mo pa ba siya hinahanap? Eh di'ba si Cindy naman ang nandiyan!" Si Poula.


Dati pa talaga ay alam kong may tensyon sa kanilang dalawa ni kuya Cedrik dahil pinipilit ni Poula na si Cindy ang mahal ni kuya Cedrik.


"Poula pwede bang kung walang magandang lalabas sa bibig mo ay tumigil kana lang okaya manahimik kana," pikon na sabi ni kuya Cedrik sa kaniya.


"Ohhh, okay! Basta ako Cedrik, kung ako ang nasa kalagayan mo, gagawin ko muna ang lahat para malayo sa taong ugat ng problema para kung sakaling makita ko na ang hinahanap ko ay maging mapayapa nalang kami!" Sabi ni Poula, kung tutuusin may point talaga lahat ng sinasabi niya pero lahat lumalabas na asar.


"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ni kuya Cedrik kay Poula at di na siya pinansin neto.


"Teka Alyanna, nasaan na pala si Reign?" tanong sa akin ni Janine.


"Ah nasa bahay, kasama ni mommy at daddy!" Sabi ko at tumango sila.


"Ilang taon na kasi si Reign?" Tanong ni kuya Cedrik sa akin.


"5 na siya kuya!" sabi ko habang nakangiti.


"Gusto ko na rin mag ka anak at bumuo ng pamilya, pero gusto ko si Chai ang kasama!" Napa buntong hininga siya.


"Hindi mo sure!" biglang pag singit nanaman ni Poula, nako pasalamat talaga minsan tong si Pou ay natitiis siya ni kuya Cedrik.


Noong natapos na kaming kumain ng dinner ay nag si uwian na ang mga kaibigan ko at natira naman si Janine dahil halos sa amin na tumira dahil gustong gusto niyang nakikita si Reign, spoiled si Reign sa tita Janine niya.


"Good evening mommy!" bati ko kay Mommy.


Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now