"Oh bakit late ata natapos ang dinner niyo?" tanong ni mommy sa akin.


"Ah, yes po, hinahanap parin po ni kuya cedrik si chai eh!" Sabi ko.


"Hindi pa ba siya nakikita?" tanong ni daddy sa akin.


"Opo daddy eh!" sabi ko.


"Pero tito and tita parang pong may alam si poula pero hindi niya sinasabi!" Biglang sabi ni Janine.


"Paano mo nasabi Janine iha?" tanong ni daddy sa kaniya.


"Palagi po kasi siyang may katwiran pero ewan baka delulu ko lang po yon!" sabi ni Janine.


"Hindi ka ba hinahanap ni doctora?" natatawang tanong ni mommy sakaniya.


"Nako tita Sachi, palagi nga po eh pero sabi kopo gusto ko bantayan palagi si Reign!" sabi ni Janine at nagulat kami sa sumisigaw na si Reign.


"Mama mama mama!!" Sumisigaw siya dala dala ang manika niya.


"Hi anak! miss mo naman kaagad ako!" Nakangiti kong sabi sa kaniya.


"Siyempre mama palagi po kitang miss!!" sabi niya pa at tumalon sa akin para yakapin ako.


"Balik kayo dito reign ah! kwentuhan mo ulit si lola ng maraming fairytale stories!" Sabi ni mommy sakaniya at nag thumbs up naman ang anak ko.


"Bye po lolo! bye po lola! see you tomorrow po!" Sabi ng anak ko at sumakay na kami sa kotse.


Umuwi na kami para makapag pahinga na rin kaagad.


"Mama pag laki ko gusto ko pong maging katulad niyo! Yung nag ko cook po ng yummy foods!" Biglang sabi ni Reign habang nag tu-tooth brush siya


"Alam mo ba? sinabi din ni mama yan kay lola nung baby pa si mama. Tignan mo ngayon katulad kona ang lola mo na nag luluto ng yummy foods!" sabi ko at tumango siya.


Noong natapos siya ay binihisan ko na rin siya kaagad.


"Mama kailan po kayo mag ba bati ni dada?" Bigla niyang tanong sa akin at nanlamig ako.


"Hmm baby kapag naman bati na kami ay ipapakilala na kita sakaniya eh pero ngayon na hindi pa, mag wait kana lang muna noh!" paliwanag ko sakaniya at nag pout siya.


"Mama gusto ko na po siyang makilala eh!" Sabi niya pa at paiyak na.


"Sige sige anak gagawa ng paraan si mama para diyan pero habang wala pa mag wait ka nalang muna noh!" Umaasa kong sabi sakaniya at tumango siya.


"Good night po mama!" Sabi niya.


"Good night, anak! love you," sabi ko at hinalikan ko na ang kaniyang noo.


Noong naka tulog na siya ay lumabas na ako kaagad ng kwarto para makapunta sa kwarto ko.


"Narinig ko na nagtatanong na si Reign, kailan mo ba sasabihin sa kaniya?" Tanong ni Janine sa akin.


"Paano ko ba sasabihin sa kaniya na baka kasal na ang daddy niya sa iba? Paano ko eexplain sa kaniya na malayong malayo na na mabuo kami?" Naluluha kong sabi at niyakap lang ako ni Janine.


Maaga kaming nagising dahil mayroon akong kliyente na mahalaga kaya naman iniwan kona agad si Reign kina mommy at kasama niya si Janine.


"Miss Esguerra, nasabi naman na siguro ng Attorney na gusto po ng boss namin na kayo po ang mag cater sa kasal nila!" Nakangiting sabi saakin noong babae na sekretarya.


"Ah oo  alam kona kung ano. Siguro punta nalang dito para pumili ng mga food na ise-serve sa wedding at para rin ma meet kona in person ang bride and groom natin!" Nakangiti kong sabi.


"Ah opo, sa katunayan Miss Esguerra ay on the way na po sila dito!" Sabi noong sekretarya.


"Ah buti po pala!" Sabi ko.


"Si miss Esguerra po talaga ang pumili sainyo para sa catering sa kasal nila kaya sigurado naman po ako na magkakasundo kayo, dito raw ho kasi sila palaging kumakain!" Sabi noong sekretarya at ngumiti ako.


Noong bumukas ang pinto ng VIP room ay medyo inayos kolang saglit ang sarili ko para presentable ako sa big time naming client. humarap na ako para makipag kamay ngunit nawala ang ngiti sa aking mga labi.


"Miss Esguerra, sila po ang boss namin!" Sabi noong sekretarya.


"Harvin Reigner Velez!" Pakikipag kamay niya pa sa akin.


Ikakasal ka na pala Reigner, Ikakasal na pala ang ama ng anak ko sa iba.


"Alyanna Esguerra po!" Pagpapakilala ko habang naka tingin sa wedding rings na suot nila.


"Long time no see Yanni!" sabi ni Kendra at ngumiti ako.

Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now