Dark 34: Get me out

Magsimula sa umpisa
                                    

Dagdag sakit sa ulo lang kasi ang mga babaeng iyon.

Pero kung minamalas ka nga naman, nandoon na sila nang dumating kami. But they look serious kaya mukhang seryoso din ang usapan nila.

Mukhang hindi naman nila kami napansin kaya napangisi ako. Pumunta ako sa likuran nila at bahagya pang yumuko.

"Serious much?"

Kaagad silang napalingon at halatang nagulat sila. Halos matawa na lang ako dahil sa panlalaki ng mga mata nila.

Kumunot naman ang noo ni Alex at nagpameywang pa pagkatapos tumayo.

"Paki mo ba?"

"Galit kaagad? Nagtatanong lang naman."

"Tanong your face."

Ngumisi ako. "My face is handsome, hindi tanong."

"Oh really? Where?"

"Everywhere."

"Pffft...Para kayong magjowang may LQ."

Sabay naman kaming napatingin kay Kiana dahil sa sinabi niya. Mukhang natatawa pa nga siya kaya nagkatinginan kami ni Alex at sabay pang sumigaw.

"Never!"

"Destiny daw ang dalawang taong sabay magsalita."

"Yuck!"

Mas lalo lang siyang natawa. Fuck. Sa kakatawa niya, nagsisimula na akong isipin na baliw ang babaeng ito.

"Umupo ka na, Alex. Hayaan mo na 'yan. May saltik lang talaga 'yang mga 'yan."

Inirapan lang naman ako ni Alex pagkatapos iyon sabihin ni Kaye. Halos masira nga iyong upuan dahil sa marahas niyang pag-upo.

Mukhang napikon ko siya, ah? Galing ko talaga!

"Sinong may saltik?"

Napatingin naman kami kay Kapre na kunot noong nagtanong. Tignan niyo 'to. Nagsalita lang si Kaye, sumabat na din.

"Ako?"

He smirked. "Okay."

Umirap lang naman si Kaye habang nanatiling tahimik si Yumi. Ngumiti lang naman si Kiana habang nagkibit balikat ako at umupo na din.

Mabuti naman at mukhang ayaw na nila ng gulo. Panira lang sa araw ang mga pangit na ito eh.

Maya-maya pa, dumating na din iyong teacher namin. Pero pinalabas niya din kami ng room at pinapunta sa gym dahil magba-volleyball daw kami.

P.E pala namin ngayon. Tsk.

Dahil nasa back row kaming apat kasama ang Queens, halos sabay-sabay kaming tumayo. Nagkatinginan pa kaming walo and in a snap, nahanap ko na lang ang sarili kong nakikipag-unahan sa kanila sa paglabas.

Aba syempre. Kahit mga babae ito, hindi ako magpapatalo.

Napadaing naman ako nang itulak ni Alex ang mukha ko sa may pinto. Nauntog tuloy ang noo ko kaya bahagyang natawa sila Ethan.

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon