Chapter Fifteen

12.7K 173 21
                                    

Chapter 15

Expected


Naging mahirap ang paglabas ko sa bahay. Syval knows that my mom is pissed off by me. Sinubukan niyang kausapin ito noong nalaman niyang hindi ako p'wedeng umalis ng bahay maliban nalang kapag may pasok. He tried to sneak in every other night.

"Don't you miss me?" Tanong ni Syval ng salubungin niya ako mula sa gate ng school.

Nasa likod niya ang barkada namin na abala na sa kanya kanyang kwento. Poly waived her hand on me. Ibinalik ko iyon sa kanya.

"Tsk. Tingnan mo naman ako, Sandrinna." He called my attention.

Ngumiti ako sa kanya. Mukhang nagtatampo nanaman siya dahil wala sa kanya ang buong atens'yon ko.

"Saan na iyong hinihingi ko sa'yo?" Tanong ko sa kanya.

Kinuha ko ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri namin. His mood instantly escalates upward. Ngiting ngiti na siya ngayon habang naglalakad kami patungo sa building namin.

"Iniwan ko sa kotse. Kunin natin mamaya kapag tapos na ang klase mo." He said still smiling so wide.

Napasimangot ako. I want to eat the fresh mango from their plantation. Kahapon pa ako natatakam doon kaya ng sabihin ko sa kanyang gusto ko iyon ay agad siyang bumiyahe kagabi para kumuha sa kanilang taniman.

"Don't worry, I bought more for you to eat at home." He stares at me with a glint in his eyes. "Is this a sign?" Bulong niya sa sarili pero narinig ko naman.

"Ano?" Tanong ko.

"Wala. It's just... Sana lang talaga." He smirked proudly of himself.

Kahit na naguguluhan ay ipinagsawalang bahala ko nalang ang sinabi niya.

"Kamusta ang exam niyo?" Tanong ko sa kaniya dahil nagkaroon sila ng surprise exam kahapon noong pauwi ako.

Kadalasan ay nakaconvoy siya sa kotse namin at kahapon lang hindi natupad dahil nga pinilit ko siyang unahin nalang ang exam niya kaysa sa ihatid ako. I was surprised when I saw Harlyn watching me from afar. Nakita ko ang pagkorte ng ngiti sa kanyang labi. Nagtataka naman akong tumingin lang sa kanya bago tuluyang sumakay sa kotse.

"Mahirap." He said.

Kung hindi ko lanv kilala itong si Syval. He won't admit that he's intelligent. Ayaw na ayaw niyang pinupuri siya ng iba sa mga kakayahan niya. Sa akin lang yata siya tuwang tuwa sa tuwing may puri siya mula sa akin.

"Pasado 'yan." I smiled at him.

Pagkarating sa room ay nagsabay sabay ang tingin ng ilang kaklase ko. Syval pulled my hand then planted a kiss on my temple. Napapikit ako. Wala na nga yata akong magagawa. I can't stop him from doing that. Ayoko ring mag-away kami.

"Bye. See you later." Bulong ko sa kanya.

"I love you, baby." Aniya sa isang malamyos na bulong.

Hindi ko pa man ipinakita ang ngiti ay hindi ko naman mapigilan ang pag-iinit ng pisngi ko. Napangiti na ako ng malawak ng makatalikod na ako sa kanya. Umalis na rin siya at nagtungo sa kanilanh department.

"Ew. H'wag kang dumikit baka mahawa ka." Rinig kong bulong ng isa kong kaklase.

Napalingon ako sa kanila pero hindi naman sila nakatingin sa kung saan. Disgust is showing on their faces.

"Mang-aagaw pala iyan. Angelic face with a demonic attitude!" Someone from their group said to the one of them.

Mukhang may kaaway silang kung sino. Nagkibit balikat ako at nagtungo nalang sa aking p'westo.

The Forbidden FruitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon