Chapter One

23.6K 310 6
                                    

Chapter 1

Lust


It feels like the longest time of my life. Nakatayo kami sa arriving area sa airport habang sinusuyod isa isa ang mga lumalabas. Syval is standing so tall beside me. His dark eyes are shifting to every person.


My heart beats faster.


Why does he seem excited? Did he miss her?


Harlyn left the country for her college degree. Simula ng umalis ito ay hindi na ulit sila nagkita ni Syval. Kampante ako na walang gusto si Syval kay Harlyn noon dahil kita ko namang wala siyang interes sa kanya. Pero ngayon ay hindi na ako sigurado dahil sa nakikita. I don't have the rights to complain or feel threatened because I am just his best friend. I should just support him.


"Bibili ako ng tubig, antayin mo rito si Harlyn." Paalam ko sa kanya ng ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin namin nakikita si Harlyn.


"I'll come with you." He said.


Akmang tatalikod na sana siya at sasama sa aking ng pigilan ko siya. I pushed his chest so he would stop. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakalapat sa dibdib niya saka umangat sa aking mata.


"Ano?" Nakakunot ang noo niyang tanong sa akin.


He didn't like me doing things like this. Gusto kasing lagi kaming magkasama kung saan ako, dapat ay nandoon rin siya. Para siyang langaw ta's tae ako.


"Maiwan ka nalang dito, Syval. Baka lalabas na si Harlyn ta's hindi ka niya makikita."


"So? Sasama pa rin ako sa'yo, Sandrinna." Seryoso niyang saad.


Umirap ako sa kanya. Wala na akong magagawa. Ipipilit niya lang ang gusto niya at kailanman ay hindi bibigay.


"Antayin nalang pala natin siya rito." Suko ko.


Ngumisi siya saka humarap ulit sa labasan ng mga pasahero. I felt his hand snaked on my waist. Tumingala ako para tingnan ang mukha niya at nanatili ang ngisi niya habang nakatingin sa harap. Hindi ko napigilan ang ngiting kumawala sa labi ko.


Nang matanaw niya si Harlyn ay kumaway siya.


 I tried to pulled his hand away from me. Ayokong makita ni Harlyn na nasa ganoon kaming posisyon. She would think of something she shouldn't if that will happen.


Masungit na lumingon sa akin si Syval dahil sa pag-alis ko sa hawak niya. Nagkunwari akong may kukunin sa sling bag ko para kunwari ay hindi ko sinadya ang ginawa ko.


Lumapit sa amin si Harlyn at patalon na niyakap si Syval. Napalayo ako sa kanila ng bahagya akong matulak dahil napaatras si Syval sa ginawang yakap ni Harlyn. Hindi man lang iyon napansin ni Syval at nanatiling nakangiti kay Harlyn.


"You grew up, Harlyn!" He said excitedly.


The Forbidden FruitWhere stories live. Discover now