Chapter Fourteen

12.7K 171 11
                                    

Chapter 14

 Rejection


Kung kanina ay galit lang si Syval, ngayon naman ay galit na galit na siya. Sunod sunod na mura ang pinakawalan niya habang nakasunod ang masamang tingin niya kay Jace. I tried to get his attention to me and I succeed by pulling his chin so he would look at me.

"Huwag mong pansinin iyong sinabi niya." Saad ko.

Kunot ang noo niya ngunit malamyos na ang tingin niya sa akin. Binuksan niya ang labi niya na tila akmang may sasabihin ngunit itinikom niya lang iyon ulit pasara.

Umiling siya. The anger in his eyes faded. He intertwined our fingers then pulled me back to my seat. Pumungay ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. By the kind of gaze he's giving me, it feels like he is digging through my soul. Pakiramdam ko ay kitang kita niya ang kabuuan ko.

"What does he mean by that, Drinna?" Tila nagsusumamo ang boses niya.

I sighed. Sumandal ako sa aking upuan at nagdiretso ng tingin sa mga naglalaro sa harap namin.

"It's just nothing." kibit ko sa aking balikat.

Thankfully, he doesn't push more on that conversation. Hindi ko gusto na pag-usapan iyon ngayon. I will definitely find a way to stop what my Mommy wanted me to do. Ayokong makasal kay Jace. I didn't know him and I have no feeling s for him. Para sa akin ay hindi magiging tama na tanggapin ko nalang ang gustong kasal ni Momny. It will only bring more problems to me in the future.

Kumain kami sa isang restaurang kasama si Hunter. Pawang tungkol sa business ang usapan nila kaya nanatili nalang akong tahimik habang nakikinig sa kanila. I am also half preoccupied of thinking an escape for the engagement. Sa susunod na linggo nga iyon gaya ng sinabi ni Jace. I should talk to him first then.

Iyon nga ang sa tingin kong tamang proseso. Una kong kakausapin si Jace at sasabihin sa kanya na hindi ako sasang-ayon sa gaganaping engagement. I am sure that he also doesn't want the engagement to happen. That will be the first step. Kapag natapos ko iyon ay saka naman si Daddy ang kukumbinsihin ko para tulungan akong kumbinsihin si Mommy na huwag ng ituloy ang kasunduan.

Syval seemed to be distracted by something. Tahimik siya sa biyahe namin. Bihira lang siya umakto ng ganiyan at sa tuwing ganiyan, alam kong may malalim siyanh iniisip. I think I have the reason of his deep thinking but I can't still say the whole thing to him. Knowing his attitude towards me. Baka sugurin niya si Jace at siya pa mismo ang kumausap dito para itigil ang kasunduan. Hindi ko nga lang sigurado kung madadala niya sa pagkumbinsi si Mommy. My mom is really hard headed and stubborn. Kapag may napagdesisyunan na ito ay mahirap ng baliin iyon.

I am a mommy's girl that's why I wanted to get her approval and attention. Iyon nga lang ay nakakasakal ang pagmamanipula niya sa aking buhay. I also wanted to learn independent life. I want to know what I have to know which I can use for my future family.

Hindi na ako nagulat ng sa Condo niya ako iuwi. Hindi ko na kailanman tinanong ang tungkol sa engagement nila ni Harlyn. Hindi ko rin alam kung kaya ko pa siyang pakawalan gayong hulog na hulog na ako sa kanya. I'm crazy for him.

"I texted your mom. She wants you home for tonight. May bisita raw?" Bungad ni Syval habang nasa kusina siya, hawak ang phone sa isang kamay at nakapamaywang ang isa. Kunot ang noo niya habang nakatingin sa screen ng phone.

Naglakad ako palapit sa kanya. Humawak ako sa braso niya para silipin ang pinagkakaabalahan niya. He's really texting my mom.

"What's the matter with your mom?" Nakakunot ang noo niyang tanong sa akin, hindi pa rin nag-aangat ng tingin. He seems pissed off.

The Forbidden FruitWhere stories live. Discover now