Chapter Twelve

14.3K 201 10
                                    

Chapter 12

 Kawala


Tinitigan ako ni Poly na tila tinubuan ako ng isa pang ulo. I wasn't in the right mind yeaterday. Nagtungo ako sa isang salon at nagpakulay ng ashgray sa dulo ng aking buhok. I curled it in the end, making it unusual of my everyday look.

"God! Heartbreak did good to you!" agad na gatong ni Poly sa pang-aasar.

Sumimangot ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko.

It's been a week since the last time I saw Syval inside that Café. Minsan ko lang silang nakita sa school at iyon ang naging puno ng usap-usapan sa school. Kalat na may relasyon sila ni Harlyn kaya ang ilang nakakakilala sa akin ay tinatanong ako kung totoo baa ng usap-usapang gayong dati ay ako ang lagi nilang nakikitang kasama ni Syval.

Naging school at bahay nalang ang pinupuntahan ko pagkalipas ng ilang araw. Mommy pushed me on practicing my ballet dancing. Pumayag ako dahil isa rin ito sa paraan para makalimutan ko ang mga nakita ko. I don't want to accept the fact that I am so jealous of Harlyn. Hindi ko kalianman kayang tanggapin ang katotohanang iyon.

"Your turns are not good! Did you hurt your foot?" mommy scolded me after falling from performing Hearts variation grand pas classique.

Hinawakan ko ang aking paa. It doesn't hurt that much but when I am putting my weight on it, I can feel the needle pain.

"I think I made a wrong turn." saad ko habang pilit na pinapakiramdaman ang sakit sa tuwing inaapak ko ang paa.

"You can have a break. Bukas na ulit tayo magpractice. Kapag nagtuloy tuloy pa iyan paano na iyong offer sa iyong prestigious ballet school." She scoffed. I only sighed.

Inalis ko na ang pointe shoes ko at naglakad na palabas ng practice room. Nakatulog ako matapos magshower. Kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa school. Si Alexis kaagad ang sumalubong sa akin. Hindi pa ako nakakapasok sa gate ng school, nakalapit na siya. May dala dala siyang kape mula sa café at donuts. Nasa bibig niya ang isang buo at kagat kagat iyon habang ang isa ay inaabot niya sa akin.

"May nagpapabigay." Saad niya saka inilapit sa bibig ko ang almond donut. Hindi pa gaanong maintindihan ang sinasabi niya.

Bahagya akong lumayo at tinitigan siya. How did he know that I like this donut?

"Sino?" tanong ko kaagad ng matanto ang posibilidad kung sino ang p'wedeng nag-utos sa kanya na ibigay ito sa akin.

"Si Polymer." Saad niya. Tumawa pa siya sa biro niya.

Nagbuntong hininga ako. Si Poly lang pala. Umasa ako. Umasa na nag-aalala pa rin sa akin si Syval.

"Ang ganda mo raw sa bagong kulay ng buhok mo, may nagpapasabi." Saad ulit ni Alexis saka nagsimulang maglakad.

"Sinong nagpapasabi?"

"Si Vana." Saad niya saka kinagat ang donut niya. Umismid ako.

"Totoo ba 'yan, Lexis?" pang-aakusa ko.

"Saka may nagpapasabi rin na huwag mo masiyadong lubos-lubusin ang pakikipag-usap sa ibang lalaki kasi---"

"Alexis!" inis kong saway sa mga kalokohan niya. Napairap na ako.

"Shit! Tanginang Syval kasi, e!" gulat niyang malakas na saad.

Umilag siya sa akin ng akmang hahampasin ko siya. Tsk. Hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi niya. As if Syval would use someone to represent his feelings.

"Huwag mo akong niloloko." Irap ko sa kanya.

"Hay naku! Hindi! Hindi siya ang nagsabi. Just nobody." Umirap siya sa akin saka nauna ng maglakad.

The Forbidden FruitWhere stories live. Discover now