Chapter Eleven

14.8K 212 18
                                    

Chapter 11

Want


"I'm starting to hate Syval. How can he be so naive?!" Singhal ni Poly ng magtungo kami sa dancefloor.

"Kayo na?! Ba't wala akong kaalam alam!" Singhal rin ni Vana.

Napailing ako. Malamang wala siyang alam. Hindi ko gustong malaman ng iba. And also, I don't approve of his proposal. Isinuot niya ang singsing at kusang inako na boyfriend ko siya.

"Come on, Vana. Busy ka masiyado doon sa abogado mong fling!" Irap ni Poly.

"Well, he's hot and yummy." She even wigfled her eyebrows to prove her point.

Sabay na ngiwi ang isinukli namin ni Poly sa kanya. Dumampot ako ng isa sa bote ng beer na iginagala ng mga server. Sinunod ng dalawa ang kilos ko. Nasulyapan ko rin si Syval na pinapanood ako mula sa malayong pwesto ng aming sofa. I wiggled my butt to him. Humalakhak ako ng mapansin ko ang pagkunot ng noo niya at pag-ayos ng upo.

Hinila pa ako palayo nila Poly patungo sa kabilang parte ng dancefloor. Mula rito ay hindi na tanaw ang table namin. Malaya na ang kilos ko dahil hindi na ako nakikita ni Syval.

"You have to let lose. Ang hirap mong itakas mula kay Syval!" Saad ni Poly.

"Kayo na ni Syval?" Ulit ni Vana sa pang-uusisa. Hindi pa rin siya nasasagot sa tanong niya.

"Hindi!" Si Poly na ang sumagot at inirapan ang kaibigan namin.

"May kakilala akong gustong magpakilala kay Drinna. He's cute and charming! Bagay kayo!" Saad ni Vana.

"Doon lang ang table nila."

Naging interesado naman kaagad si Poly. Itinuro sa amin ni Vana ang p'westo ng kakilala niya. Tumawa si Poly ng makita ang buong barkadahan ng mga kalalakihan. They are all good looking. Kaso si Syval lang yata ang g'wapo sa paningin ko.

Kumaway si Vana sa kanila at hinila kami ni Poly. One of them stand up to meet us halfway.

"Lucas!" Malakas na tili ni Vana ng makalapit kami.

Yumakap siya sa binata na hindi maalis ang tingin sa akin. Alam ko na kaagad na siya iyong tinutukoy ni Vana kanina. At tama nga si Vana. He's handsome and at the same time cute. May dalawang dimples ang lumilitaw sa pisngi niya sa tuwing ngumingiti.

"Lucas, they're my friends. Poly and Sandrinna." She introduced. "Girls, this is Lucas." Ngiti ni Vana.

"Nice meeting you." Agad na nakipaghandshake si Poly at kaagad ring bumitaw.

Natawa ako ng mapunta sa akin ang atens'yon at hindi kaagad nawala ang hawak ni Lucas. Lumawak kaagad ang ngiti niya sa akin.

"You're really beautiful, Sandrinna." He said while staring at my face.

"Luh." Sagot ko dahil ayoko ng pinupuri ng iba.

"You guys can join us." Tawag ng isa sa kanilang mga kaibigan na nanatiling tahimik sa sofa.

I was about to walk and sit on the sofa when I felt someone's hand on my arms. He yanked me near his body then his scent invades my nostril.

"Napakapasaway mo talaga, Sandrinna." Bulong kaagad ng boses ni Syval habang ang kamay niya ay bumaba sa tiyan ko at nakapwesto lang siya sa aking likuran.

Nakadikit ako sa kanyang harap at nanatili ring harap sa grupo ng mga kaibigan ni Vana. Masama na ang tingin niya kila Poly at Vana kasama ang barkada niya nang tingalain ko siya.

I saw how his jaw clenches while he's glaring at them.

"May problema ba?" tanong ni Lucas ng mapansin ang tensiyon na ibinibigay ni Syval.

The Forbidden FruitOnde histórias criam vida. Descubra agora