Kunot noo kong tinungo ang messages.

Hanz:
2:46am 

What are you doing?

Napatingin ako kung nasaang direksyon siya. Hindi siya nakatingin saakin at nakikipag tawanan kay papa. Batid ko ring may tama na sila pareho pero base sa istura ng Papa ko, Mukang siya ang mas tinamaan.

Tumayo na ako, Alam kong bukas pag gising naman nito...hindi nanaman siya magpapahinga bilang punong baranggay. Kailangan n'ya ng pahinga.

Tinulungan ako ni Hanz na akayin si papa punta sa kwarto niya sa taas. I just smile at him when we finally in front of the door. Hanz didn't bother to go inside for some privacy, and even in this situation ... i admire him for that simple gesture.

Ako na mismo ang umakay kay papa papasok ng kwarto. Tahimik lang ito at tinitigan ako habang pinapahiga siya sa kama.

The door was firmly open. Andoon si Hanz sa labas ng mapabaling ako,His hands is now on his pants pocket , bahagyang nakatagilid at hindi nakatingin saamin.

"Namiss kona ang mama mo..." Napatingin ako kay papa ng sabihin niya 'yon. Nakangiti ngunit nakapikit. A hint of sadness filled me, ako din pa.. miss na miss kona si Mama.

Maya maya lang ay naramdaman konang tulog ito. Inayos ko ang kumot niya at binuksan ang ceiling fan para mas komportable siya.  Tinitigan ko pa siya saglit bago tumalikod at hayaan siyang matulog.

Nang nakitang wala ang lalaki sa labas ng silid ay bumaba ako.

And for the second time in my life, I saw him washing dishes. Agad agad akong bumaba at inagaw sa kaniya ang panghugas ng pinggan. Hindi niya siguro  inexpect 'yon kaya madali niyang nabitawan.

"Kaya ko na'to." Sabi ko hindi siya tinignan.

Hindi rin siya nagsalita. Narinig kolang ang mahina niyang paghinga sa likuran ko. Nakatayo.

Thinking of him in my back giving me so much  nervous. Talo ko pa ang nasa giyera sa sobrang kaba.

"Umaga na... Hindi ka pa ba uuwi?." Maingat na tanong ko. Nakatalikod parin sa kaniya.

"No.." Sabi niya, napapaos.

"Lasing ka pa.." dagdag ko.

"I'm not."

"Oo kaya. Nakita ko madami kading nainom." Sagot ko pa.

Isa lang ang narealize ko...Anlakas ng loob ko kapag hindi siya kaharap. Nice Lori

"I'm not, I said." Rinig kong bulong niya.

Hindi ko nakikita kung anong ginagawa n'ya. Basta ang alam kolang malapit s'ya saakin.

"P'wede ka namang matulog sa--"

"I can manage... In fact, i can still see your face.. blushing." Halos bulong nalang ang huling salitang sinabi niya!, Mahinahon at madilim  na boses. Pagkuwan nagkalikot ng kung anong tumutunog.

Napahinto pa ako sa pagsasabon ng pinggan para iproseso ang mga 'yon, pinigilan kong mag react at nagpatuloy nalang sa ginagawa. 

"I have a gift for you." Utas niya maya maya, itinigil ang pagpupukpok ng kung ano mang bagay na maingay. Naramdaman konalang na naglakad siya palayo. Hindi ako nakasagot, muli ay nagulat at agad nilingon siya, ibinalik din agad sa ginagawa ang mata  dahil baka maabutan niya.

"Here." Sabi niya at narinig ko ang paglapat ng kung anong bagay sa lamesa.

"Para saan?" Tanong ko. Isa isang binabanlawan ang mga plato.

"Nothing.. just a gift. New year gift."

Natagalan ako sa pagpupunas ng pinggan at kahit pupwede ko na naman siyang lingunin ay hindi ko ginawa. Hindi dapat ako nagmamadali na gawin ang mga bagay na ito dahil lang masyado akong excited para buksan ang regalo niya.

Wala naman sigurong masama kung regaluhan niya ako diba? Gaya ng sabi niya New year's gift...May occasion naman, kung wala ay tiyak hindi ko talaga 'yon tatanggapin.

Mejo tahimik narin ang paligid at kung tatansiyahin ko... Siguro'y alas tres na ng madaling araw.

"Buti hindi ka hinahanap sa inyo?, New year pa naman."  Tanong ko ng sa wakas ay natapos akong magpunas ng pinggan. Binalingan ko siya at nakita kong dapa na ang mga kamay niya sa mesa habang pinaglalaruan ang dalawang kubyertos na dahilan ng kaunting ingay. Sa kabilang banda nadoon ang maliit kukay asul na kahon. May maliit na puti itong ribbon.

"Nagpaalam ako."

"Na?.."  Utas ko, sumandal sa lababo. Naglaro ang mga tingin ko sa kilay niyang nakakunot habang nakatingin sa nilalarong kubyertos.

" Don't ask.  just open my gift. " Frustrated niyang sabi at umupo ng maayos, tinignan ang maliit na kahon. Muka na rin siyang pagod at antok.

"Sabihin mo, hindi kayo ganito mag celebrate ng new year." Rason ko pa. Hindi pinansin ang sinabi niya.

Totoo naman e, Isa ang village nila sa pinaka boring na lugar. Masyado kasing private ang lugar nila. Puros mayayaman lang ang magkakahilerang bahay. Siguro nakakasawa nga naman kapag ganoon? Mayayaman nga naman.

" Of course" ngumiti siya na s'yang iniwasan ko.

"So can you please don't change the topic and open the gift?" Madilim na matang baling niya saakin. Lalong napaos ang boses niya.

Hindi ako nararamdaman ng kahit takot o kahit katiting na kaba. Sahalip ngumiti ako at nag peace sign sa kaniya. Nagiwas siya ng tingin at huminga ng malalim.

"Okay. Chill kalang ." Utas ko. Prenteng inabot ang kahon na nasa lamesa.

"Ano ba "to?" Sabi ko bago buksan ang kahon.  Pero ng tignan ko siya ay nakatungo na ang ulo niya sa lamesa.

Inintay ko pang ilang segundo siya mag salita pero hindi na ako nakarinig ng kahit ano sa kaniya.

Napangiti ako bago binaba ang kahon.

Mukhang tinamaan din siya ng antok.

__________________________________________________________________________________

:)

String ConsequenceWhere stories live. Discover now