Jusko! Simpleng kilos Lori!
"Akala mo ba hindi ko nakita yung kanina." Pang aasar ni Pia habang sabay kaming naglakad papuntang lamesa.
Namula ako pero nagawa kopang mag maang maangan. " Alin?" Pilit ko pang ikinunot ang noo ko.
Tinusok niya ako gamit ang mata ng umupo kami sa tapat ng lamesa. She even seat beside my father! Para magkatabi kami sa upuan ni Hanz.
"Gusto mo sabihin ko?" Sabi niya habang kumukuha ng pagkain. Ganoon din ang ginagawa ko pero sumama ang mukha ko sa sinabi niya.
Alam niya talaga kung kailan ako gagantihan!
"Ano 'yon Pia?" Tanong ni papa ng marinig. Nag uusap sila ni Hanz tungkol sa mga gawain ni niya sa baranggay pero nakuha parin ni Pia ang atens'yon niya!
Tumawa ang babae bago sinabing joke lang daw 'yon at secret, pero nakatingin sa lalaking katabi ko!
Hindi ko makita ang muka niya dahil nga nasa gilid ko siya. Buti naman at nagtuloy ang usapan nila ni Papa!
..
Nakatulog si Pia sa hindi malamang kapagudan. Nandoon siya sa kwarto at sinabi niya lang kanina na magpapalit siyang damit pero pagpasok ko sa kwarto para sana itabi ang binigay niyang regalong underwear!, tulog na siya hawak ang cellphone.
Buti nalang ng buksan ko ang regalo paakyat ako ng kwarto!
Past 2am na hindi parin umuuwi si Hanz, antiyaga niyang makipag kwentuhan kay Papa. Nakaupo ako sa high chair ng kusina at ang dalawa ay nasa sala umiinom.
Hindi ko alam kung saan nila 'yon nakuha pero batid kong Isa 'yon sa mga dala ni Hanz na paper bag. Napairap nalang ako sa pag aakalang hindi siya umiinom.
Ano pa ba Lori? May ganoon pabang lalaki? E ikaw nga na babae ang lakas mo! Sigaw ng utak kong negatibo palagi!
Sa halip na matulog, nakapagalumbaba akong nag scroll sa Facebook na mukhang nag cecelebrate talaga ng new year.
Tumunog ang cellphone ko sa tawag. Video call to be exact.
"Panget mo." Tawa ko ng masagot ang tawag ni Tessa.
"Hindi ko naabutan ang bag-ong tuig." Utas niya natatawa.
"Nakatulog ako." Dagdag pa niya.
"Halata nga, mukang may muta ka pa e" birong tawa ko. Tinignan sila papa at namataan kong mariin ang tingin saakin ng Hanz kaya nawala ang ngiti ko.
"Hindi nila ako ginising!, Parang hindi pamilya." Reklamo niya at narinig ko ang pagbukas niya ng pinto. Kita ko rin naman na lumabas siya ng kwarto.
"Gising na ang sleeping early!" Rinig kong pang aasar ng nakakatanda niyang kapatid na si Uno.
Nagsumbatan pa silang dalawa at inawat iyon ni tita Sandy. Iniharap ni Tessa ang cellphone kay tita kaya nakita niya ako.
"Malipayong bag-og tuig." Bati niya saakin ng nakangiti. Suddenly I saw my mom in her. Mas mukang strikto nga lang siya dahil sa eye glasses.
" Malipayong new year." Tawa ko dahil halos mautal pa akong sabihin 'yon.
"Kailan ka pupunta dito?" Ngumiti nalang ako at itinaas ang dalwang balikat. Wala akong maisagot dahil hindi ko naman alam kung kailan ulit ako makakapunta ng iloilo. Palagi niya akong tinatanong tungkol doon at palaging ganoon lang ang sagot ko.
Halos kinse minuto lang ang itinagal ng usapan naming 'yon. Nagpaalam din agad ako dahil may incoming call na bumabagabag sa cellphone ko. Saktong pagkapatay ko ng tawag nawala narin ang Isa pang tumatawag. Nag vibrate lang 'yon dahil sa message sa inbox.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 9
Start from the beginning
