"Ako na," Sabi ko at lumapit sa tabi niya. Naramdaman ko ang paglingon niya pero sa pinggan ko pinaskil ang tingin ko.

"I can do this. Just sit there." Sabi niya. Binawi ang pagkakatingin ko sa pinggan.

"Bisita ka." Untag ko. Umupo sa inupuan niya kanina. Ginaya ang ginawa niya.

Thinking of him like this every morning, warming my whole system! Para kaming mag live in kung titignan. Pero hindi.

"Hindi porke bisita...Siya na ang pagsisilbihan." Utas niya habang bakatalikod parin. If I were the water, I don't want to leave his hands!

"Ganon?" Ngiti ko dahil alam kong hindi niya naman 'yon  makikita.

"Yeah. " Tugon niya matapos itaob at punasan ang pinggan. Humarap saakin matapos ang lahat.

"Kung ganon...dapat nung pumunta ako sainyo naghugas din ako ng pinggan?" Sagot ko na nakangiti.

Kitang ko kung paano niya ako samaan ng tingin. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"We have maid's to do that--"

"E ako ang maid rito?" Putol ko sa sinabi niya.

His brows furrowed once more. Tuwang tuwa akong sumagot sa kaniya. I felt comfortable everytime I'm doing this.

"Ang kulit mo" He only said before groaning loudly. Nauna pa itong lumagpas saakin, sinundan ko siya ng tingin at prente siyang naupo sa sofa.

Tumawa ako sa paraang maririnig niya.

"Enough with that." Seryosong sigaw niya.

Tumayo na ako at kumuha ng pinggan. Kakain ako at bahala siya diyan, Hindi manlang ako inintay!

...

Days have passed like how people excited for next new year. Next newlife and next new challenges.

Huling araw para sa taong ito. Mamayang gabi ay may bago nang taon. Hindi naman 'yon bago, iba lang talaga ang pakiramdam kapag sasapit na ang panibagong taon. Ang iba sa ngayon ay naghahanap na ng magandang view para makita ang mga fireworks.Pero para sa taong ito, usual lang kami ni papa. Unlike last year, well spent our new year with his relatives. Masaya dahil may mga pinsan pala akong noong araw na yon kolang nakita.

"Attitude nung cashier ampota." Rinig kong reklamo ni Pia pagkalabas namin ng isang grocery store ng bayan.

Mas pinili naming rito mamili kaysa doon malapit saamin, sa pag aakalang kakaunti ang tao rito. Pero mas doble pa ang nangyari. Maraming tao at halos makipagbanggaan na ang mga cart namin sa loob ng grocery.

Sumakay kami ng trysikel pauwi saamin, inabot kami ng halos dalwampung minuto. Kasama ko si Pia dahil doon siya saamin mag cecelebrate ng new year. Naiintindihan ko naman at mabuti rin 'yon, para naman maingayan ang bahay namin at baka hindi na namin kailanganin ng torotot o kung ano mang bagay na makakapag paingay.

Si Pia palang sapat na.

I stared at her half face. Nakatingin siya sa labas at nag dadaldal. Mukang ayos siya ngayon kaysa noong nakaraang araw. Hindi ko siya nakita noong pasko, pero binati n'ya naman ako at nakikipag communicate siya saakin. Kaya siguro panatag ang loob ko para sa kaniya.

"Inggitin natin sila Chloe." Sabi niya matapos naming magluto. Inayos ko sa lamesa ang mga niluto. Habang siya kinakalikot ang cellphone at sinabing tatawagan niya sila Chloe.

And a few minutes more. Narinig kona ang boses ni Chloe at Ivan sa cellphone. Sumama ako sa camera at ininggit ang mga kaibigan sa kabilang linya.

"Excited kayo masyado." Sabi ni Chloe sa kabilang linya, tinignan ang pambisig na relo.

String ConsequenceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora