"Nasa labas ka ng bahay namin?!" Gulantang tanong ko. Lumayo sa niluluto at baka sa sobrang gulat sa sinabi ay mapahampas ang kamay ko doon.
" Yes...So if you don't mind, please tell me where are you.. mukang walang tao sa bahay niyo.." mahabang alintana niya. Mukhang nawawalan ng pasensya.
Gusto kong matawa dahil para siyang boyfriend kung makaasta. Pero sa ibang punto natutuwa ang puso ko sa simpleng bagay na sinabi niya.
Hindi ko napigilan ang sarili at sinilip ang sasakyan niya sa labas. At pota! Hindi ko manlang namalayan na dumating ang sasakyan niya! Edi sana nabuksan ko ang pinto. Nangingiti akong humarap sa salamin at inayos ang buhok sa gilid ng tainga.
"Hey? Are you there?"
" Yes I'm here. " Sagot ko kahit alam kong hindi niya nakuha. Lumakad ako sa pinto at binuksan 'yon. Tumayo ako sa labas para mas lalo niya akong makita.
Rinig ko sa kabilang linya ang mahinang mura niya bago binaba ang tawag. Hindi ko makita ang reaksiyon niya dahil nga tinted ang sasakyan niya.
Ngayon kolang pinagsisihan na tinted 'yon!
I just stand there, knowing that he's coming. Hindi na maawat ang ngiting nakapaskil sa mukha ko kahit hindi ko pa naman siya nakikitang lumabas.
Fudge! Nahawa na ata ako ng kapokpokan ni Sopia!
"I thought you weren't there." Simangot niya saakin pagkalapit.
"Akala mo lang 'yon. " Iwas tingin ko at naunang pumasok. Sumunod din naman siya pagkatapos.
Napamura pa ako sa isip ng makitang umaawas na ang pasta, kaya dali dali ko 'yong tinakbo. Pinatay ang stove.
"What's happening?" Hindi ko namalayang nakasunod na siya saakin. Hinalo ko ang pasta at nakitang okay na 'yon.
"Wala! Doon kana muna." Sabi ko at tinalikudan siya paharap sa sink at salain ang tubig ng pasta.
"Now I get it." Sagot niya. Napakunot ang noo ko pero hindi nalang ako nagsalita. Akala kopa ay umalis na siya ng humarap ako!
Potangina.
He's firmly seating on the high chair in front of the sink. Besides from being handsome, his dark eyes lingering on my back. With a thin grim line lips ,hands on his chin.
Kaya paghumarap talaga ako doon, siya ang makikita ko!
Nagulat ako ng nilingon siya pero hindi ko pinahalata. Agad ulit akong tumalikod sa kaniya at kumuha ng pinggan. Mabuti nalang at nagluto ako. Kung hindi, parehas kaming tutunganga rito . Malay ko pating pupunta siya rito!
"Nag luto ako." Sabi ko kahit alam ko na namang alam niya. Napalunok ako at parang katulong na pinagsilbihan siya.
Pinatong ko ang pinggan sa harapan niya at nilagpasan siya papunta sa sala.
Agad agad kong hinipan ang sarili dahil unti unti nanaman akong kinakabahan. Binuksan ko ang tv para kahit papaano may ingay na namumutawi sa paligid.
Bakit kasi ganito palagi!
"It's delicious." Tugon niya ng dumaan ako malapit sa kusina para sana umakyat sa hagdan at magpalit.
Hindi ko rin alam kung bakit naisipan kong magpalit ng damit kung kailan may bisita! Bahala na plano ko nanaman iyon kanina pa!
"P'wede na mag asawa." Bulong niya bago mapaderetso sa taas ng namumula ang pisngi.
**
Pagkababa ko ay kitang kita ko na ang malapad na likod niya, nagulat pa ako ng makitang naghuhugas siya ng pinagkainan!
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 9
Start from the beginning
