"You have short tempered didn't you?."
"O tapos?, Huwag mo nangang sabihin--"
"Cute."
Napahinto ako sa sinabi n'ya. Ang inis ay unti unting bumaba. Jusko lord anong mayroon sa kaniya!
"Ate Lori" tawag saakin ng bata ng hindi pa ako nakakabawi. Pumasok siya sa loob bitbit ang platic bag at regalo. Kung titignan ko parang limang taon palang ito.
"Bakit?" Sabi ko. Binaba ang cellphone sa lamesa , pero hindi pinatay ang tawag.
Yoon ang akala ko'y mabilis lang dahil kailangan ko nang magpaalam sa kaniya. Nai-ihi ang bata at akala niya siguro nandito ang banyo, kaya kahit gusto ko pang makipag usap sa lalaki ay nag paalam ako para samahan ang bata kung nasaan ang banyo. Maraming tao kaya hindi narin naasikaso.
"Asa'n ang mama mo?." Tanong ko sa bata matapos ko siyang samahan. Inintay ko siya sa labas ng pinto ng comfort room bago kami lumabas ng hall.
Tinuro niya ang malayong banda,noong una mejo nakitaan ko ng takot ang mata niya ng hindi makita ang hinahanap. Pagkuwan nakangiting bumaling saakin. Woman with her thirties carrying one little kid, nakangiti siya habang sinusubuan ang isa pang bata.
Doon palang naiintindihan kona ang dahilan ng hindi niya pagsama sa anak. But if I were her, sasamahan ko ang anak ko kahit alam kong mahihirapan ako dahil may bitbit akong bata pero alam ko rin na may ibat ibang way ang magulang.
Natapos ang simpleng party at gaya ng dati tumulong ako sa pag liligpit, umalis na rin ang ibang councilor dahil may kani kaniya rin silang ganap ngayong pasko. Ang iba pa ay mag ce- celebrate ng Christmas Evening at Reunion.
Past four thirty na nang umuwi ako. Naisipan ko ring magluto ng kahit kaunti para sa Christmas Eve. Wala naman akong gagawin kaya ganoon ang ginagawa ko. I'm actually thinking of cooking pasta and menudo. Mabuti naman at may mga stock kaming ingredients. Mamaya pang six siguro ang uwi ni Papa at sigurado akong gutom 'yon.
Ewan ko ba.. kahit pasko nasa barranggay parin. Hindi manlang bigyan ang araw ngayon.
Luto na ang sauce ng pasta at malapit nang maluto ang menudo. Naramdaman kong nagba- vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Hindi ako nagpalit ng pambahay na damit at napag desisyonang mamaya na pagkatapos dahilan ng pananatili ng cellphone ko sa loob ng bulsa.
Hindi ko agad 'yon sinagot dahil kulong kulo na ang tubig para sa pasta, kaya imbes 'yon ang inuna ko.
Iniisip kong baka si papa 'yon o kung sino man sa mga kaibigan ko o si...Hanz.
Nagmadali pa ako kaya natalsikan ng kumukulong tubig sa braso! Dali dali kong hinipan 'yon, hindi nagtagal namula. Mabuti naman at hindi natuklap ang balat!
Jusko! Katangahan Lori!
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at hindi nag alinlangang sagutin ang tawag ng makitang si Hanz 'yon. Napaisip tuloy ako kung matagal ba akong hindi sumagot. Nabanlian na ako't lahat, naisip ko parin kung nag iintay siya saakin!
"Hi." Masayang sagot ko. Hinipan ang braso.
"Hi. Where are you?." Mahinahong tanong n'ya. I can sense his smile while saying those words. Parang excited na ano.
"Bakit?" Sabi ko nilapitan ang niluluto at hinalo.
" What are you doing?" Tanong niya ulit. Huminga pa ng malalim.
"Bakit?" This time nakangiti na ako na parang tanga. Hindi ko alam kung bakit!
"I'm inside my car and in front of your house."
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 9
Start from the beginning
