Gusto ko pa sanang makipag kwentuhan sa kaniya pero paprehas kami may gagawin. Tsaka... naiintindihan ko naman siya . Nagpaalam siya at sinabing ituloy nalang ang chikahan sa Facebook. Malaking bagay din na friend ko siya doon, At least p'wede ko silang makumusta ni Lola.

Hindi pa ako nakakalayo tumunog na ang cellphone ko dahil sa text. Inasahan ko pang si Hanz 'yon pero reply ni Calihl ang na receive ko.

Calihl: 

Kung sino ka man, happy Christmas:)
2:23pm

Napatawa ako at nagpatuloy maglakad. Dahil hindi ko naman alam ang Facebook niya, pinabati ko siya kay Ivan kanina pero dahil si Ivan 'yon lokoloko. Binigay niya ang number ni Calihl saakin ng wala manlang paalam sa may ari. Kaya sinave kona at nilagyan ng pangalan.

Isa pa, hindi ko rin naman siya mababati sa personal dahil bukod sa hindi kami  close dahil masyado siyang masungit, nakaalis na pala siya days after namin mag gawa ng final project!

Ang isang 'yon, wala manlang pakialam sa mundo.

Tumulong ako sa pag aasikaso ng pagkain. Tuwang tuwa ang mga bata dahil may palaro at simpleng regalo para sa kanila.

Nagmadali akong pumasok sa hall ng mag ring ang cellphone ko. Maingay sa labas dahil bukas ang malaking speaker dala ng tugtog pampasko.

"Hello." Sagot ko sa tawag ni Hanz. Ewan ko ba, ilang beses ko na siyang nakausap sa call .. pero kinakabahan at nahihiya parin ako!

"Hi." Mahinahong sagot niya. Walang akong marinig sa background kundi ang boses n'ya.

"Bakit?." Kunot ang noo ko kahit hindi niya naman 'yon makikita.

"Wala..just want to hear your voice.." mahinang sabi niya. Tinamaan ako ng kilig pero hindi ako nag reac sa paraang maririnig niya.

"Ha? Hatdog." Nangingiti kong utas. Walang masabi.

I heard him chuckled. Habang ako hindi rin mapigilang matawa sa sariling kalokohan. Tumingin ako sa buong hall at hindi ko alam kung bakit sa telepono dumapo ang mata ko,Kasabay no'n ang pag alala kung saan niya nakuha ang number ko!

"May tanong ako." Sabi ko matapos makipag tawanan sa kaniya. Alam kong nakakahiya at mag mumukha akong assuming, pero bakit ba?

P'wede ko namang ibaba kung sakaling mapahiya ako. T'saka...magtatanong lang naman.

"Ano?" Alertong tanong niya.

"Kase..." Nag aalinlangan pa ako. Ganito rin ba kahirap kung sakaling mag confess ako?

Pero hindi ko 'yon gagawin! Bawi ng utak ko.

"Hm.."

Gusto kong suntukin ang sarili ko sa isiping nakikinig at nag aantay siya sa sasabihin ko.  Umupo ako sa swivel chair at inihanda ang kahihiyan.

"I wonder..kung saan mo nakuha ang number ko?" Deretsang sabi ko na parang normal lang.

Natahimik siya sa kabilang linya. Akala ko nga ay wala na pero maya mayay tumawa.

Ano nanaman ba?

"Why?"Saad niya, rinig ko parin ang tawa.

"So pagtatawanan mo nanaman ako na ikaw lang ang nakakaalam?" Kunot noo ko, nawawalan ng kaba at napapalitan ng inis.

Kung babae lang to na gaganto ganitohin ako ay sha, baka masabunutan ko'to.

"Woah easy."

"Ano nga kasi?" Sa pagkakataong 'yon naiinis na ako. Lalo pat naririnig ko parin ang nang aasar na tawa niya sa kabilang linya.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now