Nasa kwarto pa ako ng tumawag siya, nag aayos para sa pag simba. Kasama ko si papa at deresto kami sa puntod ni mama para doon mag celebrate ng pasko.
"So kanus-a ka magplano nga moadto dinhi?" Tanong niya na kung kailan ko daw planong pumunta sa kanila. Na akala mo nama'y napakalapit ng bisaya.
"Wala 'yang balak, may shota na 'yang hindi maiwan." Tumawang biro ni Uno. Tumawa lang din ako ng hinampas siya ng kapatid. He really knows how to annoy his sister. Nakakamiss lang at ilang taon ko na silang hindi nakakasama, through communication nalang talaga .
Nagpaalam din sila pagkatapos bumati. Wala si Tita Sandy dahil kahit pasko busy parin siya sa mga kliyente.
Pagkatapos ng bente minutos nakarating kami ni Papa sa simbahan. Pinag pasalamat ang mga biyaya at ang panibagong araw. Pagkatapos noon dumeretso na kami kung saan nakalibing si mama. Dala dala ang dalawang paper bag na may lamang pagkain na binili namin sa isang fast food. Hindi kami nagluto dahil matatagalan pa at baka hindi maabutan ang pang umagang misa. Tsaka may maliit na celebration din mamaya sa hall na pinag kasunduan ng mga kagawad.
Santilla R. Crisostomo.
Paulit ulit ko 'yong tinignan ng makarating kami sa harapan ng puntod ni mama.
"Merry Christmas ma." Ngiti ko bago balingan si Papa. He's smiling but I know deep inside he's still on process...moving from what happened to my mom.
"Merry Christmas Atilla." Masayang sabi ni papa bago ako akbayan at sabay naming tignan ang puntod ni Mama.
Nilatag ko ang maliit na blanket para makaupo kami ni Papa at maiayos namin ang pagkain. Nagsisimula narin kami agad at nagkwentuhan ng masasayang bagay.
I never get tired of celebrating this kind of Christmas with them. And I guess... this is how I celebrate my simple but special Christmas.
Naging masaya ako sa araw na iyon. Binati ko ang mga kaibigan at mga malalapit na tao saakin bago ako pumunta sa Hall.
"Merry Christmas." Huling taong binati ko pa text.
Hindi siya nag reply pero batid kong na receive n'ya iyon. Nag aalinlangan pa akong mag text dahil nabati ko na siya kagabi bago kami mag hiwalay galing sa simbang Gabi.
Unknown number:
MERRY CHRISTMAS!, How's 'ur Christmas?
2:14pm
Napangiti ako sa hindi ko malamang dahilan. Tsaka kolang din si-net ang pangalan niya sa inbox ko. Wondering kung saan niya nakuha ang number ko. Matagal narin huh? Hindi ko manlang natanong.
These past few days mas lalong lumakas ang impact niya saakin. Hindi ko alam kung pansin niya 'yon pero.. bahala na.
Nagreply ako at masayang tinungo ang Hall. Maraming tao sa daan kaya as usual nag lakad nalang ako papunta roon. Parang fiesta din dahil maingay ang bawat bahay, may kani kaniyang pakulo pa sa disenyo ng Christmas lights.
"Lori! " Napalingon ako ng may tumawag saakin.
Hindi ako nagkamali ng makita ang babaeng halos buwan ko ring hindi nakita.
"Ariel." Ngiti ko sa kaniya. Lumapit siya kaya huminto ako. Nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin.
"Hi, Merry Christmas." Sabi niya habang yakap ako.
"Merry Christmas!, Antagal mong nawala ha."
"Ah, iyon ba? Pasensya na biglaan. Kailangan kasi naming lumipat ni Lola. Alam mona.. hindi na bumabata ang lola mo.. "natatawang sabi niya.
"Kaya ayun... kailangan ko ng katulong mag alaga sa kaniya. Doon narin kami titira." Mahabang explanation n'ya. Muka siyang malungkot pero alam ko namang para 'yon sa ikabubuti nila tsaka ng lola niya. Sino ba namang hindi naghangad ng kabutihan?
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 9
Start from the beginning
