"Palagi po kasi kaming nag aaway ni mommy tita lahat naman po ginagawa ko pero parang hindi pa po ako enough sa kanila ayaw kona pong mamuhay kasama sila."malungkot na sabi ko mabuti nalang iniba ni tita ang topic.

"Oo nga pala mag senior high school kana sa pasokan diba?"na kwento ko kasi sa kanya na kaka graduate kolang.

"Opo tita balak ko pong mag aral sa St.lawrence university tita kahit alam ko pong mahal dito ay may naipon naman ako galing sa binibigay ng magulang ko noon at mag tatrabaho po ako tita."

"Hindi mo kailangang maghirap sofia dahil kaya kong ibigay sayo lahat na gusto mo."nagtataka talaga ako bakit sobrang bait niya kahit hindi niya pa ako lubusang kilala.

"Tita sinabi ko naman sayo diba ito lang ang tulong tatanggapin ko galing sayo dahil desisyon ko pong umalis samin kaya kakayanin kong buhayin ang sarili ko."hindi nalang siya nagsalita at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Inagaw ni tita ara ang hugasin kaya nanood nalang ako netflix sa sala at napagplanohan kona ring mag papaenroll na bukas dahil rinig ko na maaga silang nag papaenroll para sa incoming senior high.

Habang nanonood ako naisipan kong mag online dahil simula kagabi pala ay hindi ko nabuksan ang cellphone ko.Pagkabukas ko ng cellphone ko madami akong natanggap na text galing kaya yaya kaya nireplayan konalang siya na okay lang ako at ligtas para naman mapanatag siya.Pag open ko sa messenger madaming chat galing kay marga pero hinayaan ko muna at una kong binuksan ay ang convo namin ni sylvister pero naka deactivate na siya.

"Sofia kamusta kana?sinabi samin ni tita emily na lumayas ka daw saan kaba okay kalang ba diyan?"napangiti naman ako dahil inaalala parin ako ni marga kaya nireplayan ko siyang okay lang din ako at wag na siyang mag alala pagkatapos non ay nag deactivate na rin ako wala na rin akong ichachat kaya bakit pa ako mag oonline.

Nagluto ako ng dinner ng chicken adobo at niyaya kona ulit si tita na kumain pero naka bihis na siya aalis na yata pero nang makita niya na nagluto ako pumunta parin siya at kumain.

"Sofia sobrang sarap ng luto mo pero konti lang kakainin ko ha may dinner kasi kami ng mga magulang ko sa bahay wag kang mag alala bukas dito ako mag didinner."hindi naman ako nakaramdam ng sama ng loob dahil nga mas mabuti pa si tita kesa kina mommy dahil kahit may dinner sila ay kumain parin siya ng luto ko.

Miserable lifeWhere stories live. Discover now