CHAPTER 6

7 4 0
                                    

"ANO? Wala ka talagang balak sumama?" Nakapameywang na tanong ni Mavic kay Rose na nakahilata sa kama niya at busy sa cellphone niya.

Bagot itong tumingin kay Mavic. "May lakad nga ako, di ba?"

"Sino kasama mo? Si GIGA 50?"

Humagalpak kami ng tawa na ikinasama ng tingin ni Rose. Hindi pa rin pala nakakalimutan ni Mavic ang bagay na yan. Ginawa na talagang pang-asar kay Rose na inis na inis naman.

Kahapon pa namin pinipilit si Rose na sumama sa'min pero nanindigan talagang may lakad siya. Tanong ng tanong na rin ang dalawa kung sino ang kasama niya pero nananatiling tikom ang bibig niya kaya inaasar nilang yung kachat daw niya ang kasama niya o mas kilala sa tawag nilang GIGA 50.

Bumangon si Rose at naupo nalang sa kama niya. "GIGA 50 ka ng GIGA 50!" Inis na sabi niya kay Mavic. "Saan ba kasi punta niyo?"

"Kina Chance lang naman," sagot ni Mavic. "Maglalaro ng vo---," napatakip ito sa bibig niya gamit ang kaliwang palad niya at nanlalaki ang matang nakatingin kay Rose.

Nagkatinginan naman kami ni Dada dahil alam na alam namin kung bakit ganun ang naging reaksyon niya. OA man pakinggan pero naba-badtrip si Rose kapag usapang volleyball na. Ang sabi ni Dada at Mavic, volleyball player daw kasi ang huling ex ni Rose at ito pa daw ang pinaka-matagal na naka-relasyon niya. To make the story short, nagloko ang boy at volleyball ang nakakapagpa-alala sa kanya sa taong yun kaya naiinis siya.

"Hindi na kita pipiliting sumama," ani Mavic. Wala na ang nang-aasar na tono at ngisi niya. "Kontakin mo nalang kami kung may problema. Alam mo namang kapag may nangyaring masama sa'yo, wala na kaming aasarin."

"Letse ka talaga!" Inis na sabi ni Rose bago tumayo. "Magsilayas na nga lang kayo." Binunggo niya ang balikat ni Mavic bago tuluyang tinungo ang banyo.

Naghagalpakan kaming tatlo ng maisara niya ang pinto. Nahampas pa ako ni Dada dahil tawang-tawa na ito. Si Mavic naman ay nakahawak na sa tyan niya.

Hindi na namin hinintay na lumabas siya sa banyo dahil tumawag na si Chance kay Mavic na nasa baba na raw ito. Si Chance lang ang sumundo sa'min na pinagpapasalamat ko. Ang sabi kasi ni Mavic kagabi ay kasama daw si KD na susundo sa'min. Muntikan na akong mag-back out pero ayaw ko namang magtampo si Mavic dahil lang sa ayaw kong makita si KD.

And speaking of that guy, hanggang sa social media, naghahasik ng lagim. Kahit hindi ko siya nakikita, naiimagine ko yung nakaka-inis na ngisi niya dahil sa chat niya. May ginawa kasing GC si Aki at inadd niya kami. Sobrang ingay nila na hindi na ako makasabay kaya naging seener na lang ako.

Rereplayan ko na sana ang chat ni Aki dahil minention niya ako ng may biglang tumabi sa'kin sa kama ko. I inhaled her scent and I already knew that it's Mavic. Hinarap ko siya dahil nqkatalikod kasi ako sa kanya kanina. "Waeyo?"

"Dito muna ako," aniya at itinakip ang kumot niya sa lower body part niya. Dinala niya pala ang unan at kumot niya at ang mas maliit na teddy bear niya. Iniwan niya ang mas malaki dahil hindi na kami kakasya sa kama ko. "Nag-chat daw si KD sa'yo."

"Huh?" Tanong ko pero tumalikod na ito sa'kin. "Ano sabi mo?"

Did I heard her right? Si KD, nagchat?

"Tignan mo nalang message request mo."

Tumalikod ako sa kanya at tinignan ang message request ko. And she's right. May chat nga si KD. Pero bakit?

KD: Tomorrow. 1 PM sharp.

Awtomatikong napataas ang kilay ko. And then I remembered about the 'friendly volleyball game'.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DIAMOND HEART (Lady Engineer Series 1)Where stories live. Discover now