CHAPTER 2

21 13 1
                                    

Hello ophelia_cordelia, hope you'll going to like this story. Lovelots, missy❤

》♡《

INAAYOS ko ang mga damit kong iuuwi ko sa bahay ng pumasok si Mavic mula sa balcony. Sabado bukas kaya uuwi ako sa bahay. Pwede naman akong umuwi ngayon dahil wala pa namang alas singko pero ayaw kong makipagsiksikan sa sasakyan.

"Uuwi ka ngayon?" Tanong niya pagka-upo niya sa higaan niya.

Dalawang double deck bed ang nandito. Kaming dalawa ang nasa lower deck at yung dalawa naman sa upper. Kami ni Dada ang magkasama sa isa tapos sila naman ni Rose.

Medyo may kalawakan naman ang room. May sariling cr at nakahiwalay ang liguan para kahit may gumagamit ng cr ay pwede pa ring may maligo. May space din na ginawang study area na pwede ring sala. Dito na rin kami minsan kumakain kapag may gumagamit sa mesa sa kusina. May sariling kusina kasi ang second floor.

"Bukas para hindi siksikan."

"Malapit lang pala yung bahay niyo sa pupuntahan ko mamaya," aniya. Minsan na kasi siyang sumama sa'kin pauwi noong nagkaroon kami ng long weekend. Ayaw niya kasing umuwi sa bahay nila sa Cagayan kaya sumama. "Sumabay ka nalang tutal may susundo naman sa'kin."

"Sure ka? Ano sasakyan niyo?" Tanong ko. Baka kasi naka-motor sila pero alangan namang yayain niya ako kung alam niyang hindi kami kasya.

"Kotse niya."

"Sino susundo sa'yo?"

"Naalala mo yung lalaking pinuntahan natin sa may guard house noon?"

I nodded.

"Siya ang susundo."

"Kaanu-ano mo yun? Boyfriend mo?"

Napa- nganga ito at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin. "Seryoso ka sa tanong mo?"

I nodded.

"Ni hindi nga kami magkaibigan tapos boyfriend pa?" Napa-iling ito. "Hindi kami talo, sis."

"Hindi mo kaibigan? Bakit sasama ka sa kanya?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Pa'no kung mapahamak ka?"

Alam kong OA na pero hindi naman bawal mag-alala, di ba? Lalo na at sinabi niyang hindi naman daw niya kaibigan.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay tumayo ito. "Ayusin mo na yang gamit mo dahil on the way na sila."

Tumango nalang ako at sinunod ang sinabi niya. Inihanda na rin niya ang mga gamit niya.

Gaya nga ng sinabi niya, sumabay ako sa kanila. May kasamang isang babae yung lalaking sinasabi niya kaya naging panatag ako na magiging safe siya. Sinabi kong sa may terminal nalang ng bus ako bababa pero nagpumilit silang ihatid ako mismo sa harap ng bahay namin.

"Sunduin ka namin sa Sunday ng alas singko," ani Mavic na nakadungaw sa bintana pagkababa ko ng kotse. "Icha-chat kita para makapag-ready ka."

Tumango nalang ako dahil wala naman akong magagawa kundi pumayag. Pagharap ko sa bahay ay si Mama agad ang bumungad sa'kin na nakatayo sa may pintuan.

"Akala ko ba ay bukas ka pa uuwi?"

"Sinabay na ako nina Mavic kasi malapit lang naman daw ang pupuntahan nila dito."

"Magpalit ka na at kakain na tayo mamaya."

Dumiretso ako sa kwarto ko para magbihis. Habang hinihintay ang pagtawag nila para kumain ay nanood na muna ako sa youtube.

"MAY WASHING MACHINE naman tayo."

Napatigil ako sa pagkusot sa isang short at tiningala si Mama. "Konti lang naman ang lalabhan ko."

DIAMOND HEART (Lady Engineer Series 1)Where stories live. Discover now