CHAPTER 3

24 12 0
                                    

Sabi ko sa sarili ko na pagkatapos na ng Final Examination Week ako maga-update pero dahil naka-pasa ako sa Long Exam 6 namin sa Mech 107, na-inspire akong magsulat😂 Enjoy reading!

》♡《

DATI ay enjoy na enjoy pa ako sa Mathematics dahil pabilang-bilang ka lang ng numbers, addition, subtraction, multiplication at division. Nang mag-high school naman, nadagdagan ng letters ang simpleng nakasanayan noong nasa elementary palang. Nakakalito pero kinaya namang ipasa kahit papaano.

Pero ngayong college? Pwede bang bumalik nalang sa pagiging kinder para kulay-kulay nalang ang ginagawa? Yung tipong hihintayin mo nalang na sunduin ka dahil tapos na ang klase. Yung wala kang iintindihing complicated equations.

Pero wala tayong magagawa kundi tiisin ang consequences ng daang pinili nating tahakin. Hindi dahil gusto nating bumalik sa kinder para hindi mahirapan sa pag-aaral, magagawa na natin.

We are not living in a fairytale where we can ask our fairy godmothers to give our wishes in an instant. We are living in reality where we should work hard in order for us to get what we want.

Inis na nilukot ko ang papel na sinusulatan ko kanina ng solution dahil hindi ko makuha-kuha ang sagot na sinabi ni Sir kanina. Bago kami na-dismiss ay nagbigay ito ng equation at sinabi ang sagot. All we need to do is to show the solution and prove that the answer he said is the real answer.

"Sayang ang papel, Engineer."

Pinukol ko ng masamang tingin si Rose na nasa harapan ko at busy din sa pagsagot. May nakakalokong ngiti ito kaya mas lalo lang akong na-badtrip.

"Pareho lang kayo ng papel, Mary Rose Vera," naka-ngisi itong nakatingin kay Rose, "sinasayang." Humagalpak ito ng tawa kaya natawa na rin ako. Nasa mood na naman na mang-asar ang bruha.

"Panira ka talaga ng mood!"

"Atleast hindi panira ng relasyon," agad na depensa nito na ikinatawa namin ni Dada.

And with that, nawala ang pagka-badtrip ko dahil sa equation na assignment namin. Nagbabangayan na kasi silang tatlo. Pinagtutulungan nilang asarin si Rose na hindi naman nagpapatalo.

Natapos namin ang assignment ng bandang alas nwebe ng gabi. Hindi pa kami inaantok kaya naglaro nalang muna kami ng Uno cards. Nakakatawa sina Dada at Rose dahil napaka-competitive nilang pareho. Nagiging personalan na rin ang asaran pero wala namang nagka-pikunan. Alas onse na yata ng mapagdesisyunan naming matulog.

"BUKAS NA ANG LONG EXAM NIYO," ani Sir.

As usual, may mga maririnig kang reklamo pero hindi naman yung mga grabeng reklamo. Tulad lang ng 'baka mahirap', 'dapat ganito, ganyan'.

"Madali lang yun kaya kayang kaya niyo."

Madali lang? Baka madaling ibagsak.

Nasanay na kami na kapag may pa-long exam sila ay hindi madali kaya hindi na kami umaasang magiging totoo ang sinabi niya. Madali para sa kanila kasi sila ang gumawa ng questions. Pero para sa'min? Kailangang pagpuyatan para kahit papa'no may maisagot ka.

Minsan, magreview ka man o hindi, hindi ka pa rin papasa dahil walang madaling questions. Kaya nga minsan umaasa nalang kami sa himala. Pero wala kaming ibang magagawa kundi mag-review pa rin kahit na wala namang pumapasaok sa utak namin.

Sa Mcdo kami tumatambay para magreview kung pagrereview nga ba ang tawag sa ginagawa namin. Mas madami kasing oras para sa asaran at paggamit ng gadgets kaysa pagsosolve ng equations.

After that class kay Sir Jorge ay may isa pa kaming klase which is Math 01. Eto yung subject na masasabi kong chill lang. Mabait ang teacher. As in sobrang bait niya talaga na kung pwede lang ay palitan na rin niya ang mga teacher naming hindi marunong makisama.

DIAMOND HEART (Lady Engineer Series 1)Where stories live. Discover now