CHAPTER 1

21 14 0
                                    

BORED na pinapa-ikot ko sa mesa ko ang aking ballpen. Kung tao lang sana ito, hilong-hilo na sa tagal ng pagpapa-ikot ko. Sino ba naman kasi ang hindi magiging bored kung kanina pa dada ng dada ang teacher tapos wala pang powerpoint presentation? Yung mga iba nga naming kaklase ay lumabas na. Nagsabing pupunta lang sa cr pero hindi na bumalik.

"Nakaka-antok naman!" Reklamo ni Dada na siyang katabi ko. Siniko ko siya dahil baka may makarinig sa kanya. "Ang bagal ng oras kapag siya ang teacher."

Umayos ako ng upo at tumingin sa nagtuturo. Napayuko ako ng maramdaman kong hihikab ako. Baka ibato pa niya ang hawak niyang marker kapag nakita niya akong humikab.

Inaamin ko namang inaantok ako kapag Filipino ang subject pero iba talaga ngayon. Naka-depende pa rin talaga siguro sa nagtuturo. Dapat kasi may powerpoint presentation siya para kahit papaano ay hindi antukin ang mga estudyante niya.

"Honey!"

Napalingon ako sa likuran ko ng may kumalabit sa'kin. May inaabot na Nova si Rose kaya kinuha ko. "Thank you!"

"Penge ako," ani Dada kaya ibinigay ko sa kanya. "May PE pa pala tayo mamaya."

Napa-buntong hininga nalang ako ng marinig ang salitang 'PE'. Ang ibig kasing sabihin, maglalakad na naman kami mula dito sa CAB hanggang covered court o mas kilala sa tawag na 'CC'. Nasasayangan kasi kami sa pamasahe kaya pinipili nalang naming maglakad.

Okay lang namang maglakad para sa'kin dahil tipid sa pamasahe at ginagawa na namin kapag pumapasok at umuuwi. Medyo malapit lang naman kasi ang dorm namin. Nagdadala nalang kami ng payong dahil mainit at baka bigla nalang umulan.

Bumaling ako sa kaliwa ko at napangiti ng parang batang kumakain si Dada at nanonood ng boring na palabas. Ipinalibot ko ang tingin ko sa buong room at napa-iling nalang ng makitang hindi lang pala kami ang inaantok. May mga nakayuko na sa mga mesa nila at baka natutulog na.

College life. Hindi ko inakalang ganito ang magiging buhay kolehiyo ko. Sobrang nakakaantok. Parang gusto ko nalang umuwi sa dorm at matulog.

"Itutuloy natin ito sa susunod."

Napa-hinga kami ng maluwag dahil sa narinig. Ang iba ay tumayo pa at nag-inat kahit na nasa harap pa si Ma'am. May mga agad ring lumabas na para bang atat silang maka-alis dito.

"Parang ayaw ko ng pumasok sa PE," ani Dada.

Napa-nganga ako ng bigla nalang siyang hinawakan ni Rose sa kwelyo ng shirt niya at hinila patayo.

"Ay letse!" Aniya ng wala itong magawa kundi tumayo. "Ang gago mo talaga, Vera."

"Napaka-reklamadora mo kasi," sagot nito at nauna ng lumabas.

Wala na kaming ibang nagawa kundi sundan siya. Kailangan naming magmadali dahil kinse minutos lang ang ibinigay ni Sir sa'min. Alas tres hanggang alas singko ang klase namin sa PE tapos may klase kami bago nito na hanggang alas tres. Malayo pa naman ang CAB kaya binigyan niya kami ng time para hindi ma-late sa klase niya.

Nagtatakbuhan kami para umabot sa oras. Karamihan sa'min ay piniling hindi sumakay sa tricycle. Kailangan talagang magtipid tsaka mas masaya naman ang ganito dahil kahit nagmamadali kami, hindi pa rin nawawala ang asaran at kulitan.

Ilang linggo palang kaming magkaka-kilala pero ang samahan ay parang matagal na. May kanya-kanyang grupo pero hindi naman halata dahil lahat ay nag-aasaran.

Hingal na hingal kami ng makarating kami sa CC. Maraming tao kaya medyo maingay. Mga taga ibang college ang ilan at meron din namang taga-COE pero ibang course lang.

"Sure si Sir na dito talaga tayo?" Ani Gayle na nakasalampak sa sahig.

"Legit, sis," sagot naman ni Dada at naupo na rin sa tabi nito. Hindi na siya nag-abalang punasan ang uupuan niya.

DIAMOND HEART (Lady Engineer Series 1)Where stories live. Discover now