CHAPTER 5

18 9 0
                                    

MABILIS lumipas ang mga araw. Mahirap pero masaya. Nadagdagan ang mga kakilala. Dumami ang mga masasayang memorya na dadalhin hanggang sa huling hininga.

Masaya ang college life pero hindi maitatangging wala pa ring makakatalo sa high school life. Pero hanggang ala-ala nalang dahil parte na ito ng nakaraan.

Katatapos lang ng long exam namin sa MATH 01 and I am confident enough that I will pass the exam. Pinagpuyatan ko ang pagrereview at sobrang thankful ako dahil nasa exam ang mga nareview ko. Iba talaga ang teacher namin. Siguro ay naiintindihan niya ang kalagayan namin o baka sadyang mabait lang talaga siya. She even gave us chocolates before taking the exam. The sweetest teacher ever!

"Kapag ako hindi nakapasa, ewan ko nalang talaga," ani Dada pagkalapit ko sa kanila sa labas ng room. Mas nauna kasi silang lumabas dahil sa harapan sila pumwesto kaya mas mabilis nilang naibigay kay ma'am ang mga papel nila.

Sabi ko kasi sa kanila na ireserbahan ako ng upuan pero wala daw talagang apat na upuan na magkakatabi. Sina Rose at Dada lang ang naging magkatabi samantalang medyo nailayo kami ni Mavic. Nasa second line si Mavic samantalang sa pinaka-likod naman ako naupo. Okay lang naman yung pwesto namin dahil kahit naman magkakatabi kami, kanya-kanyang sikap din naman ang mang-yayari.

Kung sa highschool ay pwedeng magkopyahan kahit nandyan ang guro basta hindi kayo mahuhuli, ibang-iba sa college. Konting lingon lang sa katabi, warning na agad. They will never gonna tolerate cheating. Magkakaroon ka ng failing grade o expelled ka ang pagpipilian mo.

"Mas inuna mo pa kasi panonood ng anime kesa magreview," ani Mavic. "Episode 1, episode 2 and so on ba ang isinagot mo?" Nakangising pang-aasar niya.

"Hiyang-hiya naman ako sa'yo na nagbasa ng possessive hanggang madaling araw," depensa ni Dada. Pero imbes na maasar si Mavic ay mas lalo pa itong napangisi. Proud na proud talaga ito sa pagiging adik niya sa pagbabasa.

"Walang batas na nagsasabing bawal magbasa ng possessive lalo na kung nagreview ka naman," she proudly said and even flipped her ponytailed hair.

"Wala din namang nagbabawal manood ng anime kaya patas lang tayo."

"Magiging patas lang tayo kung nagreview ka muna bago nanood ng anime."

"Patas lang kayo ng matatanggap na sampal kung hindi pa kayo tatahimik pareho," awat ni Rose sa kanila.

"Aba, Mary Rose Vera!" Nakapameywang na sabi ni Dada at tinignan pa ito mula ulo hanggang paa. "Nahiya naman kami sa'yong nag-fb hanggang madaling araw."

"Atleast ako may kachat," proud na sagot nito.

Bago pa humaba ang usapan nila ay hinila ko na si Mavic. "Gutom na ako," sabi ko.

"Huy, Honey-ta!"

Hindi ko pinansin si Dada at nagpatuloy lang sa paglalakad. Bahala silang humabol.

"For the first time since nag-start ang college life ko, ngayon lang ako naging confident na makakapasa ako sa exam."

Natawa ako sa sinabi niya dahil pareho kami ng nararamdaman. "Same vibe, sis."

Siya talaga ang pinaka-close ko dahil pareho kami minsan ng vibe. Siguro dahil may unexplainable charm siya na nakaka-kalma ng pakiramdam. Yung tipong iisipin mong 'hindi ito plastik na tao'. Sabi nga ng ilang classmates namin, ang bait daw niya talaga.

First impression sa kanya ay masungit siya. Akala ko din naman noong una lalo na kapag nasa tabi ka niya tas titignan ka pero hindi siya humaharap sa'yo. Yung tipong pa-side ka niya tignan, aakalain mong sinasamaan ka ng tingin. Pero kapag nginitian mo, ngingitian ka din pabalik kahit hindi ka pa kilala.

DIAMOND HEART (Lady Engineer Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon